Chapter 22 - Date (Part 1)

3 0 0
                                    

CHRISTIAN'S POV.
      Papunta na kami sa Cafeteria at pag sinabing kami, nandito yung tatlong bata na si Emman, Brake at Liam. Kasama din si Shen, Shun, Jiro at kami ni Chen.

Dumadami mga nakakasama ko ah. Dati okay lang sakin na yung dalawa lang ang kasama ngayon ang daming nadagdag. Tss, at mas makulit!

"Mali kase yung ginawa mo!" Emman.

" hindi kaya! Tama yun. Nag-aaral ka ba ha?!" Brake.

"Nako pareho kayong mali, nag-aaway pa kayo.." Liam.

" sige nga Liam? Anong sagot dun? Papansin toh!" Emman.

" Bobo ka kase Emman, si Liam pa inano mo alam mo namang matalino yang ugok na yan. Hinamon mo pa." Brake.

" Ewan ko sainyo! Basta ako sure na tama! Diba Ate Chen?!" Emman.

" Wag ako ang tanungin mo Emman, simpleng bagay pinag-aawayan nyong tatlo.." Wika nito na hindi nakatingin sa kanila. Nasa likod kase ito, magandang pagkakataon.

Kunyareng yumuko ako at tinali ang sintas ng sapatos ko para mahuli ako at makasabay si Chen. Kailangan ko ng sabihin habang may pagkakataon pa.
Nung nakita ko ng napadaan na si Chen ay saka ako umayos ng tayo at pasimpleng sumabay sa kanya.

Magsasalita pa lang sana ako ng mauna na siya.

"Sabihin mo na." wika nito na hindi man lang talaga ako tinapunan ng tingin. Uso bang sumagot ng hindi tinitingnan ang kausap niya?

"Ito na nga eh... Ano kase, sabi ni Mom. Ano, uhm.. Kase,"

" sasabihin mo ba o hindi?"

"Oo na ito na nga, atat masyado eh!! Labas daw tayo mamaya sabi ni Mom!" Labas nalang ang sinabi ko, alangan namang date talaga baka kung ano pa isipin nito na may gusto ako sa kanya, nako. Hindi ko matatanggap yun..

"Baket naman?"

" Hindi ko alam, wag ka nalang magtanong! Kung ayaw mo, sabihin mo agad para di ako nagsasayang ng oras at laway sayo.." Tss, magtatanong pa ng baket.. Siguradong hindi sasama toh, pero sandali.  Baket ba ako nagagalit? Mas maganda ngang di siya sasama eh, at least matutuloy ang pagbabar ko..

"Don't you want me to come?"
Tanong nito pero hindi parin ako tinitingnan.

"Syempre naman!! Tinatanong pa ba yan?!"

Ms. Chen At Your Service. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon