Hey people, could I try a vampire genre? Sana makaiwas na ako sa writer's block and I hope maubos ko lahat ng binabasang mystery/fantasy/supernatural stories para magka-idea sa susulatin kong ito. Ha-Ha.
@paulling_star
***
Maliwanag na sinag ng malaking buwan.
Walang taong kalye.
Nakabibinging katahimikan.
Malagim na gabi.
Naglalakad ng mabilis ang isang babae habang panay ang lingon-likod. Pakiramdam niya ay kanina pa may nakasunod sa kanya.
Hawak-hawak niya ng maigi ang kanyang bag. Sa isip niya ay baka hoholdapin siya sa madilim at walang katao-taong kalyeng nilalakaran niya. Tumalima siya lalo ng lakad dahil kanina pa siya nininerbyos. Sobrang lakas na ang tibok ng puso niya.
"Aray!"
Paimpit na napadaing siya ng natapilok bigla dahil sa bilis ng kanyang mga hakbang. She was wearing a freaking 5-inches heels and now she was cursing in between her breaths. Sana ay 'di na lang siya nagsuot ng ganito kataas na takong. Napahinto na lamang siya sa kanyang paglalakad at yumuko para tignan ang sumasakit na paa.
*woosh*
Biglang umihip ang hangin. It was a cold breeze of air which give chills to her spine. It seems that almost all her body hair raised up.
Nakarinig naman siya bigla ng katakot-takot na alulong ng aso. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Muntik na siya maihi nang sa ikalawang pagkakataon ay muling umalulong ang aso. Nanginginig na ang buo niyang katawan sa nerbyos. Napa-sign of the cross siya't nagpalinga-linga sa paligid.
"S-Sino ka?" pautal na sambit niya ng may maaninag na taong nakatayo sa isang puno.
Napatayo siya at paatras na lumakad habang parang glue na nakapagkit ang tingin sa taong nasa puno. Gumalaw naman ang lalaki at lumakad papalapit sa kanya. Mas lalo niyang binilisan ang paglakad habang walang humpay sa kakalingon upang masiguro na hindi siya sinusundan ng lalaki. But to her surprise ay tumigil sa paglakad ang huli. Kaya mas binilisan niya naman lalo ang paglakad at ininda ang kumikirot na paa upang makaalis na sa lugar na 'yon.
*thud*
Ilang hakbang palang siya ay muntikan na siyang tumalbog pabalik dahil sa pagkabangga sa isang matigas na bagay.
Napatingin naman siya sa kanyang harapan upang malaman kung ano ang nabangga niya. But to her surprise ay iba ang kanyang nakita.
A pair of golden eyes was what she saw coming from a tall young man. He was wearing an all black suit. No emotion is evident on his face. And he was glowing behind the moon's illuminating light na tila isa itong perlas na kumikinang. His skin was as pale as the moon itself. Nakatingin lang ito sa kanya with a blank expression on his face. Tila isa itong tuod.
Bigla'y ngumanga ito and to her horror ay nakita niyang tinubuan ito ng pangil. Napasinghap siya at napahawak sa kanyang bibig to suppress a scream. Her feet were trembling. Napamulagat ang kanyang mata na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Isang bampira ang nasa kanyang harapan! His fangs were sharp and his eyes suddenly turned bloody red.
She is almost about to fall on her knees when the guy grab her shoulders. In just a blink of an eye she was bitten. Bumaon ang matutulis na pangil ng lalaki sa kanyang balikat. Kumawala ang isang matinis na sigaw sa gitna ng tahimik at madilim na kalyeng iyon.

YOU ARE READING
For The Blood
RomanceAmidst the uncertain and eternal search, will he find what was he truly seeking for? And if he finds it, will he really able to follow the orders? Or go against the law and defy it? Will he able to suppress his raging thirst for her? If not, will sh...