Bloody III

3 0 0
                                    

Bludvest Manor

Bumukas ang malaking pintuan ng isang silid. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na cloak. Mabilis ang mga hakbang nito papunta sa pinakagitna ng kwarto. Nang nasa gitna na ito ay agad itong yumukod.

"My lord," pagbigay galang nito sa taong nasa harapan.

Nakadekwatro ang taong ito habang nakaupo sa isang upuan na tila isang trono. Hindi maaninag ang mukha nito dahil sa madilim na parte nakapuwesto ang kanyang inuupuan. Subalit makikita ang nagniningning na asulang mga mata nito sa dilim. It was like a bright bluish orb in the dark. And just like a blackhole, gazing on it will lead you to an unknown trance.

"Ano ang hatid mong balita, Sync?" malumanay ngunit puno ng awtoridad na sabi ng kaharap. Agad itong nagpangalumbaba.

Napataas naman ang ulo ni Sync at diretsong tumingin sa nagsalita.

"Hindi po 'yung babaeng sinabi ng seer ang aming nadakip. Hindi po siya ang Blood Maiden," Sync said apathetically.

Ilang segundong katahimikan ang nangibabaw bago nagsalita ang kaharap.

"Kung gan'on ay pumalpak na naman pala kayo," walang bakas ng emotion na sabi nito. But Sync know better than anyone else that a boiling temper was starting to rush inside his Lord. Sa loob ng ilang dantaon na pagsilbi niya dito ay alam niya na ang lahat ng ugali at pagkatao nito. And this time, he knew his lord was disappointed kahit hindi evident sa tono ng pagsasalita nito.

"My lord, h-hayaan niyong puntahan ko ulit ang seer at aking tatanungin—"

"Yun nga ang marapat niyong gawin," napapikit ito. At nang magmulat ay nakita ni Sync ang pagpula ng mga mata nito tanda na nakakaramdam ito ng galit o excitement. Neither of those ay hindi niya alam. The sudden rush of their blood was what causing their eyes to become blood-red. Iyon ang nangyayari sa mga gaya nilang bampira at hindi nila iyon napapansin.

But for him, those eyes was the most brightest blood-red that he ever gaze. Kapag nakikita niya ito ay kakaibang takot at paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang panginoon.

"Sync!"

Nagulantang sila ng biglang may sumigaw sa kanilang likuran. Habang nakayukod ay binaling niya ang kanyang paningin sa sumigaw at nakita niya naman si Phil nakasandal sa may pintuan.

Not again.

Pinanlisikan niya naman ito na parang sinasabi nito na get-the-hell-out-of-here-or-I'll-kill-you. Wala pa din kasi itong pakundangan. Isa ba talaga itong nobleman? He's like a toddler in a man's body. Hindi niya ba nakikita na nasa loob sila ng pribadong silid ng kanilang panginoon?

Napamulagat naman si Phil na tila naintindihan ang panlilisik ng mga mata ni Sync at napatakip agad ng bibig. Pero agad na rumehistro ang tuwa sa mukha nito ng makita ang kanilang kaharap.

"Oh hi, brother! Pasensya na at naligaw ang pagteleport ko at dito ako napunta sa room mo. It's been a while, tagal na tayong 'di nagkita. I miss you man," masigla at walang tigil na litanya nito sabay kaway ng kamay.

Napahilamos naman ng kamay sa mukha si Sync. Kung wala lang sila sa silid na ito ay kanina pa niya binugbog ang baliw na lalaki sa likod. Parati talaga siya nitong pinapahiya. Pasalamat siya at kapatid niya ang kanilang panginoon kung hindi baka kanina pa ito naputulan ng dila.

Sync composed himself to suppress his annoyance. At baka 'di siya makapagpigil at makaladkad niya pa itong si Phil.

"Pagpaumanhin niyo na po ang inyong kapatid, my lord," paghingi nito ng dispensa sa kaharap.

For The BloodWhere stories live. Discover now