Here's another update. Nasa First Person POV po ito. Enjoy. :)
@paulling_star
***
"Walang hiya ka!"
Isang malakas na sampal agad ang natanggap ng siopao kong mukha. Ininda ko ang sakit. For sure parang kamatis na sa pula ang pisnge ko.
"Wala kang kwenta!"
Sinabunutan niya ako gamit ang dalawa niyang kamay. Ang sakit ha! Parang matatanggal na sa anit ko ang buhok ko! Nag-akto naman akong parang nag-stru-struggle na alisin ang kamay ng sumasabunot.
*sabunot*
*slap*
*scratch*
*slap ulit*
Ang dami ha! Sobrang sakit na ng pisnge ko. Sana 'di pumula ng sobra. But I doubt it. Magpupulbo na lang ako ng isang palanggana. Ang dami ko na ding kalmot sa braso. Goodness!
"Wala kang kwentang anak! Layas! Layaaaas!" sigaw niya sakin sabay tapon ng mga damit sa pagmumukha ko.
Nakasalampak na ako ngayon sa sahig at parang lantang-gulay. I assumed I do looked like a beggar right now asking for alms in the street dahil sa ang buhok ko ay gulo-gulo na. Nakalaylay na din ang suot kong damit.
"And...cut! Well done! Well done!"
Napahinto naman kami ng sumigaw si Direk Gerard. Nagsilapitan ang mga crew samin pati na din ang ibang staff.
"Okay ka lang ba? Here, let me help you," at inilahad niya ang kanyang kamay sakin. Tinaggap ko agad ito at tinulungan niya akong tumayo.
"Nako! Okay lang po ako Ms. Maricel, part of my job po," sagot ko dito. Kahit na alam kong beyond 'okay' ang sitwasyon ko ngayon. Kung 'di ko lang trabaho talaga trabaho 'to. But well, I have to be professional. Naks!
"Hala! I'm sorry napalakas siguro ang sampal ko. Look namumula kana!"
"No worries, it's okay po."
"Are you sure?"
"Y-Yes po, 'wag po kayo mag-alala, He-He," I answered shyly.
Jusko! It's a privilege kaya na masampal, masabunot, makalmot ng isang Ms. Maricel Duriano. Ang Golden Star ng panahon, isang batekang aktres at higit sa lahat napakasikat. Sus! Okay lang na masampal niya ako noh! Hu-Hu.
"By the way, you did great, Ms..."
"Fey, Fey Aragon po,"
"Ms. Fey, and you look pretty as well, ha?" papuri ni Ms. Maricel sakin.
Ako? Pretty? Sa mukhang siopao na ito? She must be kidding me. Kailangan na siguro ni Ms. Maricel ng glasses.
"Nako, hindi naman po," pabebe kong sagot. What do I suppose to reply? Alangan namang sabihin ko na "I know" o 'di kaya "Matagal na" gaya nung babae sa commercial ng Myra-E?
"No, you really are pretty," anito sabay ngiti. Mas lalo sigurong nangamatis ang pagmumukha ko dahil sa pagpuri sakin ni Ms. Maricel. Ano ba!
So pretty nga talaga ako kasi si Ms. Maricel na nagsabi? Ganon? Sikat na ang nagsabi tapos sabi nila straightforward and honest talaga 'to si Ms. Maricel at napaka-professional. But maybe, she is just saying this kasi napalakas kaya sampal niya sakin.
Agad naman kaming nakarinig na may tumatawag.
"Ms. Maricel, direk wants to talk to you!
"Just a minute, sige Fey punta muna ako doon, see you 'round."
YOU ARE READING
For The Blood
RomanceAmidst the uncertain and eternal search, will he find what was he truly seeking for? And if he finds it, will he really able to follow the orders? Or go against the law and defy it? Will he able to suppress his raging thirst for her? If not, will sh...