New update. :)
@paulling_star
***
"Kung pwede lang sana magteleport papunta dito, 'di sana'y nasa loob na tayo niyan," pagmamaktol ni Phil.
Tama nga ito. This fortress was protected by a spell that even a vampire like them couldn't bring to come close unscathed. Hindi katulad noon na ilang obstacle muna ang kanilang nadaanan at ilang mga halimaw ang kanilang kinalaban bago nakarating sa toreng ito. Pero ilang beses na silang paroo't parito kaya siguro wala nang mga halimaw o bantay ang sumasalubong sa kanila ngayon. Maybe Nylvana knows that they are going to come here again.
Nakatingala pa rin si Sync para tanawin ang mataas na tore. It was a never-ending floors of tower. Halos di na nila matanaw ang tuktok n'on because the top was covered with ominous dark clouds.
Some says that the top of this tower was connected to other dimension. No one knows what lies on the top. Wala pang ibang nilalang ang nakakarating doon. Well, maybe, except Nylvana. Siya kasi ang successor ng mga angkan ng seer at matagal ng na bequeath sa kanya ang toreng ito ng sinundan niyang seer. It happened more than a centuries ago.
"Pumasok na tayo," biglaang sabi ni Sync. Naglakad naman ito papunta sa entrada ng tore.
"Wait!" sambit ni Phil at agad na tumakbo papalapit kay Sync.
Napahinto sila a meter away sa entrance ng tore.
Biglang nagbukas ng kusa ang engrandeng entrada. A warm flow of air blows out pagkabukas n'on. Nagpatiunang pumasok si Sync kasunod ni Phil. Nang nasa loob na sila ay awtomatikong sumara ang entrada sabay ng malakas na tunog ng pagkasara nito.
***
FEY
Calle Mapayapa, 11:00 a.m.
Abala akong nagluluto sa kusina ng maliit naming resto ni Mama. Maagang-maaga pa lang ay nagising na ako para tumulong dito. Sideline ko na din kasi ito lalo na at patok sa mga tao rito ang luto ni Mama.
"O, Fey, anak, kamusta naman ang niluluto mong karne prita diyan?" tanong ni mama na abalang nagsasalin ng mga natapos ng luto sa chafing dish.
"Masarap na masarap po, mother dear, malapit na din pong maluto," sagot ko sabay amoy ng dish sa kawali. "Bon appetit, Mamita," at sumenyas pa ako na parang "ok" sign sa daliri ko tulad ng mga French chef.
"Merci buko, arroz caldo," sagot naman ni Mama. At nagtawanan na kaming dalawa. Mukha talaga kaming engot minsan.
"Ate! Mama! Tama nang chikahan diyan, limang order pa daw ng tapsilog."
Narinig naman naming sigaw ng aking bunsong kapatid na si Toffee. Malamang nakakunot na naman ang noo n'on kasi siya ang in charge sa labas. Ang dami pa namang customer ngayong umaga lalo't malapit na ang lunch break.
Gusto kasi ni Mama nandoon siya kasi dumadami daw ang customer. Pogi ba naman ng kapatid kong 'yon. Kahit na magkapatid lang kami sa ina pero mahal na mahal ko 'yon.
"Sandali lang anak," sagot na sigaw ni Mama.
"Nako, 'Ma, ako na po magdadala doon. Luto na naman po ang karne prita e," saway ko kay Mama sabay kuha ng tray na may mga tapsilog.
"Ay, sige anak, 'di ko pa kasi tapos 'tong leche flan eh."
"No worries, mother dear, adios," sabi ko sabay kindat.
"Nako biglang naging Spanish?" tatawa-tawang sabi ni Mama.
"Bilingual kasi 'Ma, next time Chinese naman."
YOU ARE READING
For The Blood
RomanceAmidst the uncertain and eternal search, will he find what was he truly seeking for? And if he finds it, will he really able to follow the orders? Or go against the law and defy it? Will he able to suppress his raging thirst for her? If not, will sh...