FEY
"I'm sorry sa inasal ni Sync kanina ha..." paghingi ng pasensya ni Ms. Jen habang ibinaling ang paningin sa lalaking nakaupo at inaayusan ng mga stylist at wardrobe staff.
Ang kumag na 'yon pa-cool lang na nakaupo. Parang wala lang siyang sinabi kanina. Hmp.
"Ganyan lang talaga siya pero mabait naman si Sync. It's just that minsan ganyan lang siya magsalita."
Napabaling din ang tingin ko sa lalaking iyon. Prente lang itong nakaupo at tila bagot na bagot. At in fairness talaga mukha talaga 'tong mannequin. Kumikinang-kinang ito sa paningin ko na tila isang diyamante. Ansabe? Pero 'di ko pa rin makakalimutan mga pinagsasabi niya sa akin kanina. Kaya kada maalala ko 'yun kumukulo dugo.
"Okay lang po, Ms. Jen," nasabi ko na lang sa kaharap kahit kulang na lang kanina ay mag-oration ako sa mga sasabihin ko sana.
But I remember, isa lang naman akong hamak na character double. Hindi naman ako artista or part ng director's staff. Kaya wala akong right mag-inarte or magalit sa mga main cast. It's just that this time was the first na may na-encounter akong sobrang sungit na cast.
"Mabuti naman, Fey," Ms. Jen replied.
"Standby ka na lang muna at tatawagin ka na lang if it's your turn."
"Okay po."
Umalis na din si Ms. Jen at may aasikasuhin pa daw. Ako naman ay bumalik sa tent ko at nakaupo lang sa stall sa labas. Itetext ko nalang kaya si Mama at Toffee. Mabuti pa nga. Miss ko na din ang mga 'yun e.
I opened my phone at nagumpisang tumipa sa screen.
To: Topet :-*
Topet, ano na gawa niyo diyan?
After I composed the message, naghintay naman ako ng reply ng bunso kong kapatid. I know mag-re-reply agad 'yon. Kasimbilis yata nun si The Flash mag-reply. Ansabe? Ewan ko ba kung nakadikit ba lagi ang cellphone nito sa katawan kaya ang bilis magreply. Nako! Ang batang 'yun, baka may pinopormahan na sa text.
Naramdaman kong nag-vibrate agad ang phone ko. Kitams? Ang bilis niya 'no? I read the message immediately.
From: Topet :-*
Ateeee! Ito nagluluto kami ni Mama. Ate! Pasalubong ha?! Miss kana namin. Mwaaa. Lab Lab <3 Don't forget na papicture ka kay Liza Seguerra ha? Hehe.
Aba't may pa-heart pa 'tong Topet na 'to. Napatawa naman ako ng mahina. Baliw talaga, hindi ko naman kasama si Liza dito sa set eh. Shunga talaga 'tong kapatid ko. Pinipilit talaga ako na maka-picture sa idol nito.
Pumindot naman ako para mag-reply.
To: Topet :-*
Baliw! Waley si Liza dito sa set. :p
Agad naman itong nag-reply. Gusto daw nito na dapat may picture ako ni Liza. Tawa lang ako ng tawa sa pag-tantrums niya sa text. Kesyo daw dapat may picture talaga kami ni Liza or else 'di niya daw lalabhan mga panty ko. Shocks! Mokong na 'yun. Pati ba naman mga panty ko? Hindi ko naman pinapalaba 'yun eh.

YOU ARE READING
For The Blood
RomanceAmidst the uncertain and eternal search, will he find what was he truly seeking for? And if he finds it, will he really able to follow the orders? Or go against the law and defy it? Will he able to suppress his raging thirst for her? If not, will sh...