Bloody V

5 0 0
                                    

Any constructive criticisms are humbly accepted. :)

@paulling_star

***

Nakarinig ako ng mga yabag ng papalapit na hayop sa 'di kalayuan. Hinarap ko kung saan nanggagaling iyon. Nakita ko naman ang isang itim na kabayong papalapit sa aking kinaroroonan.

The metal hoof of the horse tramped on the ground heavily. Sakay n'on ay isang lalaki na may frizzled na mustache. Kitang-kita ko ang nanlilisik nitong mga mata kahit hindi pa ito nakakalapit sa'kin. Nakasuot ito ng damit na karaniwang sinusuot noong feudal era.

"Hindi ka na makakatakas sa'kin Seraphina!" sigaw nito ng unti-unting nakakalapit sa kinaluluguran ko. Nakita ko namang may kinuha itong katana sa likod nito.

Hindi ko na hinintay na makalapit pa ito sa akin at dagli akong tumakbo ng mabilis. Nandito kami sa isang gubat kung saan maraming nagtatayugang puno kaya halos lahat ng mga madaanan ko ay kakahuyan.

Habang mabilis akong tumatakbo ay nakakita naman ako ng shortcut sa aking kaliwa, kaya lumiko ako doon. Pero bigla din akong napatigil ng sa dulo ng shortcut na 'yon ay isang bangin. Huli na para bumalik.

Nakarinig ako ng yabag ng kabayo. Naabutan niya ako. Wala na akong kawala.

"Paano ba 'yan binibini, wala ka na talagang kawala," rinig kong sabi niya sabay halakhak.

Itinaas ko naman ang mga kamay ko na parang sumusuko habang nakatalikod at dahan-dahang humarap.

Nang makaharap na ako ay napatingin ako sa aking peripheral view. Siguradong malalim ang matarik na bangin sa likod ko kung sakaling mahulog ako dito. Pero kailangan kong gawin 'to. Binaling ko ulit ang taong sa aking harap at walang anu-ano'y nagback dive ako palikod sa bangin while doing an air spin in mid-air.

Dire-diretso akong nahulog sa bangin. I suddenly felt my adrenaline rushing through my veins. Ramdam ko din ang gravitational pull ng katawan ko habang mabilis ang pagkahulog ko. In just a few minutes, I feel my body landed on a wide, soft air bag na ready nang nakalagay sa medyo hindi malalim na part ng bangin.

"Cut! Cut!" rinig kong sigaw sa gilid ko ni Direk Kerdi sabay palakpak.

Agad-agad na lumapit ang mga crew sa akin at inalalayan akong tumayo. Inisa-isa nilang inalis ang harness sa katawan ko.

Jusko! Pakiramdam ko nag-sky diving ako sa bilis ng pintig ng pulso ko. Minsan lang akong masabak sa pag-do-double sa action pero, for me, this was the most death-defying stunt na nagawa ko to think na real na bangin talaga 'to at hindi yung sa studio version na may SFX.

"That was excellent, hija! Bravo!" papuri ni Direk ng makalapit ito sa'kin. Nginitian ko na lang siya kasi until now parang pakiramdam ko naiwan ang kaluluwa ko sa taas e. Goodness!

"You were great, Fey. You seemed natural sa action," narinig kong sabi ni Ms. Carimar Poon, ang bida ng pelikulang ito na siyang pinag-do-double-lan ko.

Magaling siyang action actress, and actually she was my idol lalo na sa teleserye niyang The Blood Moon. Her character in this film was also superb. Sobrang galing niya as in.

"Thank you po." nakangiti kong sabi.

"I'm sorry ha, if hindi lang ako pregnant ngayon ako talaga gagawa ng stunt, but direk don't want to risk my pregnancy, kahit 3 weeks pa man lang din, kaya humanap talaga siya ng ka-double ko. And luckily, we have you. You are so awesome, galing mo," Ms. Carimar ecstatically explained.

Napangiti naman ako dun. To think na puriin ka ng isang sikat na aktres tapos ang ganda-ganda pa niya, heaven talaga. Siguro namumula na naman ang siopao kong pisngi. Gosh!

For The BloodWhere stories live. Discover now