Long update. I hope dumami ang readers. He-He. Kidding. :p
***
SYNC
I was sitting on a monobloc chair here inside this small tent kung saan ipinasok ang babaeng 'yon.
All I can hear was Phil's annoying voice. Kanina pa siya natataranta sa pagkahimatay nung babae at tanong ng tanong sa medic kung napano ito.
I'm just rubbing my temples to soothe my annoyance. Kaasar kasing Phil 'to e, ang ingay. Parang manok na putak ng putak. Daig niya ang parang boyfriend nitong babae sa pag-aalala.
And speaking of that girl, nakahiga lang siya sa recliner kasi wala namang kama 'tong tent niya. Napag-alaman kong Fey Aragon ang name nito at ka-double ni Carimar.
I already bumped into this annoying mortal nung una akong dumating kaninang umaga. Hindi ko mawari kung bakit naasar ako sa pagmumukha nito. Oo, 'di siya kagandahan, in fact her face was a common beauty sa tabi-tabi na makikita mo. She's a midget and petite. I don't have any idea ba't sa unang dating ko pa lang dito ay inis na ako sa kanya.
Eh paharang-harang sa daan e. And she's drooling at me. Kababaing tao parang manyakis kung makatingin. Ayoko sa lahat 'yung tinititigan ako. It kinda creeps me out. Hindi bagay na titigan ako ng isang mortal.
"Nako, thank you miss at okay na siya," narinig kong sabi ni Phil sabay hawak ng kamay sa babae. Tss! Pa-hokage pa ang isang 'to. Nakita ko namang natulala ang babae at parang naging unease. Alam na this, nahuli na siya sa charms nitong kumag na 'to.
"W-Walang ano man, s-sir."
"Thank you so much talaga ha," anito sabay kindat. Tsk. Babaero talaga. Nagmadali namang lumabas ang babae pero halatang kilig na kilig talaga ito sa sobrang pula.
"At nilandi mo pa talaga 'yung babae ha?" untag ko pagkalabas ng babae. Napatingin naman sa'kin si Phil.
"Hindi ah, masama bang magpa-thank you?" painosenteng sagot nito na parang batang paslit. At hindi nga makita sa mukha nito ang pag-de-deny. He looks innocent, isa sa mga characteristics nito kaya maraming nagkakagusto sa kanyang babaeng bampira at mga mortal. Tsh. Ano ba nagustuhan nila sa isip-bata na 'to?
"Okay, as you said so."
"Baliw! Hay nako, buti okay na 'tong si miss," anito at ibinaling ang paningin sa babae.
"Ba't ba tinulungan pa natin yang babaeng 'yan. We're just wasting our time. Alalahanin mo may misyon tayo dito," untag ko sa kanya.
I know it sounds rude but I'm just pointing out na 'di dapat kami masyadong makihalubilo sa mga mortal. Panandalian lang ang identidad namin dito sa mortal world. Ako bilang isang artista na ginawa ni Nylvana, kahit na ayaw ko naman, at si Phil bilang isang staff nitong film.
Kayang gumawa ng isang eksistensiya ni Nylvana pero sa maikling panahon lamang at temporary lang. Kaya dapat 'di maubos ang oras namin dito sa mga walang kwentang bagay lalo na at may hinahanap kami.
"Eh, grabe naman 'to. We're helping out a girl. Lalo't nasa harap pa natin siya nawalan ng malay. Alangan namang pabayaan natin, diba?"
I just heaved a sigh. Ano pa bang magagawa namin eh nandito na yan? But still, we have to prioritize our mission—ang hanapin ang Blood Maiden.

YOU ARE READING
For The Blood
RomanceAmidst the uncertain and eternal search, will he find what was he truly seeking for? And if he finds it, will he really able to follow the orders? Or go against the law and defy it? Will he able to suppress his raging thirst for her? If not, will sh...