Bloody VIII

5 0 0
                                    

Continuation po ito ng previous flashbacks. This is a long update. I included some explanations about sa storyline ng novel sa chapter na ito. Ito ang sagot sa mga nagtatanong sa akin. I hope ma-gets niyo. He-He. Enjoy reading. :)

***

~Continuation of Flashbacks~

"Hoy! Gumising ka na. Kanina ka pa yakap ng yakap eh," singhal ko sa unggoy na nakapulupot sa akin. Pilit ko namang niyuyugyog ang balikat ko para magising na ito pero sa kasamaang palad himbing na himbing patin ito. Kaasar talaga. Para akong babysitter ng isang paslit.

Dito kami idinala ng elevator sa palapag kung saan si Nylvana. Matapos kaming higupin ng nakakasilaw na liwanag kanina ay iniluwa na lang kami basta dito out of nowhere. Mas nauna akong nagkaroon ng malay habang itong kasama ko naman ay tulog na tulog parin. Inilibot ko naman ang aking paningin, agad na napansin ng mga mata ko ang pamilyar na pintuan. Ang kwarto ni Nylvana. Mabuti naman at hindi niya binago ang lugar na ito kung hindi ay mapepektusan ko talaga ang babaeng 'yon.

Tanging nag-iisang pintuan lang ang makikita sa palapag na ito aside dun ay puro puti na lamang ang matatanaw ng mga mata nang kung sino man ang makakaakyat dito.

Nang una kaming naparito ay puro halimaw ang gaming nakasagupa bago makapasok sa pintuan ni Nylvana. Siguro ay inaasahan nito ang aming pagdating kaya't wala kaming nakadaupang palad ngayon. Mabuti naman dahil kung mayroon man ay di ako magdadalawang isip na wasakin ang lugar na ito. Ayokong magsayang ng oras lalo na't may pakay ang pagpunta namin dito.

Napakunot naman ang noo ko ng makitang ngingiti-ngiti ang unggoy sa tabi ko. Aba't nanaginip pa ang kumag na 'to ah.

"ARAAAAAY!"

Kinurot ko ang ilong niya. Ha! Buti nga para magising na ang hinayupak na 'to.

"Ba't mo ako kinurot? Ang sakit kaya, naputol tuloy ang panaginip ko, mag-ki-kiss na kami eh, huhu," palahaw nito habang hinihimas-himas ang namumulang ilong.

Nagtanong pa talaga siya, ha? I feel that any moment an active volcano is about to erupt. Pakiramdam ko puputok lahat ng litid ko sa sobrang inis. I lurch a very deep breath and closed my eyes to appease my incoming annoyance. Agad kong ibinuga ang naipong hangin sa baga ko at...

"What the holy f*ck? Nagtanong ka pa? Puno na ng laway mo ang damit ko! Isip-bata ka talaga! Nakalimutan mo ba ang pakay natin dito? Ha? Ginawa mo pa akong kama! Walang hiya ka! Masasampiga talaga kita!" Namumuro na ang baliw na 'to e. Puno na talaga ako! Puno na ang salop! Hindi ko talaga mapigilan parati ang inis ko sa taong 'to. Masasakal ko talaga ito. Masasakal ko talaga. Nakaamba na sa ere ang mga kamay ko para sakalin ito.

"Sorry na, sorry na, Sync. Inantok lang talaga ako e, please, please," paghingi nito ng patawad habang yuko ng yuko. Pakiramdam ko namimilog na ang mga mata ko sa inis. Sasakalin ko talaga 'to.

"Ahhh! Wag po, maawa ka sa batang cute na charming at sayang ang lahi. Wag niyo po akong sakalin, huhu." Mangiyak-ngiyak na palahaw nito sabay harang ng mga kamay sa kanyang mukha.

P*taena! Sinasagad talaga ako ni Phil. Buwisit! Sasakalin ko na talaga sana ito ng...

"Oppa?"

Napahinto kaming dalawa sa nagsalita. We turned our heads in unison sa nagsalita. Nakita naman naming ang isang batang nakabestida ng kulay lila na may ruffles at may pussycat pa sa ulo. Mahaba ang wavy nitong buhok. Kapag tititigan mo ito sa suot nito ay aakalain mong anak ito ni Sailor Moon. Ngiting-ngiti ito habang ang mga kamay ay nasa likod. Napakunot lalo ang ulo ko. Mabuti at nandito na ang buwisit na bubwit.

Tumakbo naman ang isip-batang si Phil at nagtago sa likod ng maliit na bata. Nagtago pa talaga siya ha sa laki at tangkad niya? Such an idiot.

"Nylvana, help. Sasakalin ako ni Sync oh," pagmamakaawa niya habang nag-pu-puppy eyes.

For The BloodWhere stories live. Discover now