Isang taon na ang nakakalipas ng huli akong umibig. Oo, aminin ko masyado ako naging tanga sa panahon na yon. Pero ngayon hindi ko na hahayaan maulit muli ang nakalipas. Hindi ko na rin hahayaan ang sarili ko mag mahal muli. Tatanggapin ko anumang pighati wag lang ang mag mahal. Ngunit nagkamali ako, nagmahal ulit ako. Di ko na pigilan ang sarili ko.
Siya ay si Dylan Ocampo. Iba sya sa lahat, siguro siya ang pinakamahalaga saakin although di pa kami nagkikita alam kong mahal na mahal niya ako compared to Jet my ex.
~FLASHBACK~
"Dingdong! Dingdong!"
Ano ba yan ang ingay naman. Sino naman kayang tao ang bibisita sa ganitong oras? Hating gabi na ah! Istorbo siya."
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako nang may nakita akong malaking teddy bear, fresh flowers at chocolates na nakalapag sa may pintuan.
"Oh! Hala para kanino kaya to?" kinuha ko ang lahat ng iyon at dali daling ipinasok sa loob
"Aba ang bango bango nitong flowers ah. Tsaka mukhang masasarap tong mga chocolates. Imported! Laki pa ng Teddy Bear!Ang yaman naman niya."
Habang inilalagay ko yung stuffs nayun sa table may nahulog na papel.
"Oh may note pala. ~To: Carly~ Whenever I see you, you make me smile~From: Your Secret Admirer."
Napangiti nalang ako, di ko mapigilan eh.
Hala sino kaya to? Ang sweet naman niya. May nalalaman pang secret admirer.
Ay ewan di ako dito interesado. Wala namang seryosong lalaki eh, nangtitrip lang yan siguro.
Pero gusto ko siya makita. At kapag nakita ko na siya malalagot siya saken. JOKE
Lumipas ang ilang linggo ay hindi pa rin sya tumitigil sa pagpapadala ng mga flowers at chocolates.
Siguro nga oras ko naman ulit para mag mahal.
Patuloy pa rin siya sa panliligaw, nakakirita na nga eh pano ko siya sasagutin, ni hindi ko pa nga siya nakikita eh.
Pero isang araw habang nag ffb ako bigla nalang may nag PM saken Dylan Ocampo yung name at eto ang sabi niya.
"Carly, di ka mawala sa isipan ko. Simula nang makita kita mahal na kita. Ikaw lang ang nag papatibok ng puso ko ng ganito. Ikaw lang ang pinagkakabalahan ko araw araw. Ikaw lang ang pinag darasal ko na mapansin mo ko, at mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Mahal kita :(."
Nagulat ako sa mga sinabi nya. Napatulala nalang ako at naramdaman na bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Pag ibig na nga ba ito?"
Nag taka nalang ako sa sarili ko na bigla akong napaibig sa taong ni hindi ko man lang nakita, nakilala, nakausap o nakasalamuha man lang.
Ilang araw ang nakalipas ay naging kami na, ngunit hanggang internet lang aming pag uusap, kung baga hanggang chat lang at wala ng iba, ni video chatting ay hindi pa namin nagagawa. Pero ako, gusto ko na siyang makita, gusto ko na siyang makasama, mayakap at mahalikan. Ngunit ang sabi niya ay sa tamang oras na daw.
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na isipin sya. Halos araw araw siya lang ang nasa utak ko. Naguguluhan ako sa sarili ko at minsan napapaisip kung ano nga ba mangyayari kapag nagkita kami? Ano kaya itsura niya o ugali. Baka gwapo siya o panget, baka naman emo or rakista. Di ko alam, pero sabi niya saken matangkad daw siya at maputi. Hmm. . He reminds me of someone :|
~END OF FLASHBACK~
1 Message Received from DylanMyLove
-Babe meet me 7 PM at Triangle Opsum Resto. I'll be in white polo. Hope you'll be there. I'm now ready. I LOVE YOU.
Yes atlast makikita ko na rin siya. The moment I awaited the most! Yey!
And now andito na ako sa Triangle Opsum Resto na sinabi siya saken lately. Kinakabahan na ako sa mangyayari. Gusto ko na talaga siyang makita.
Hinahanap ko siya.
OMG andaming naka white polo, may naka long sleeves, may naka 3/4s sino ba siya dito? Oh no baka mapahiya lang ako if tanungin ko sila one by one.
Pero napag isip isip ko na kahit one person lang ok na.
"Uhm excuse me ikaw ba si Dylang Ocampo?"
"Sorry Miss, di ako yun" sabay exit
Hay! :( asan kaya siya dito? Kung andito man siya bat di niya ako tinatawag?
Ay alam ko na.
"Uhm excuse me po uhm may pina reserve ba dito si Mr Dylan Ocampo na table for two?"
"Ahh ,Mam ikaw po ba si Ms. Carly Tuason?"
"Ako nga."
"Sorry po Mam I didn't recognize you. This way po madam"
Ay kaya pala ,andun pala siya hay naku naman!
At tinuro nga niya saken kung saan. Nakatalikod siya. Naka white long sleeves polo. Nakagel yung hair. Mukhang matangkad. Maputi at may pagkasimilar kay . . . .
Then lumingon siya.
OMG! Unti-unting pumapatak ang luha ko sa nakita ko. Di ko inaasahan ang pangyayaring ito.
"JET?? Anong ginagawa mo dito? >.< Sorry ah di ikaw ang hinahanap ko."
"Carly! Wait!"
Biglang nahulog ang puso. Ang sakit na naramdaman ko ay muling ko naman na naranasan.
"Tigilan mo nga ako Jet! Stop it you!-Me
"Ako si Dylan Ocampo."-Jet
"Wag ka nga magbiro! di ako nakikipag biruan Jet! Di ka si Dylan! Iba si Dylan!"-Me
"Di ako nag bibiro! Hanggang ngayon Carly nagsisisi ako kung bakit iniwan kita. MAHAL PA RIN KITA CARLY! MAHAL NA MAHAL! Ano pa ba gusto mo gawin ko? Ginawa ko naman ang lahat ah! Mahalin mo lang ulit ako."
"Jet, tapos na tayo, TAPOS NA TAYO! Hayaan mo na ako! At tigilan mo na ako sa panloloko mo! Dapat di nalang ako nag tiwala sayo. Dapat di ko nalang hinayaan ang sarili ko mahalin ang Dylan. Kaya pala alam ng Dylan ang address ko. Dahil ikaw yun! Ang Jet na sumira ng puso ko. Ang minahal ko ng lubos at ang nanakit ng puso ko ng lubos!. Hinding hindi kita mapapatawad Jet. Hindi na. At hindi ka karapadapat mahalin ng kung sino pa mang babae! T__T"
Umalis ako ng resto na may hinanakit. Di ko maintindihan na ang taong misteryosong minahal ko ay ang taong sumira sa puso ko ng halos isang taon.
At ngayon nag sisisi na ako. Hinding hindi na talaga ako iibig pa. Kahit gano man niya ako mahalin. Di ko siya mamahalin. Pare parehas lang ang lalaki.