CHAPTER TWO

15 0 0
                                    

                Ang labing-limang na taong gulang na si Chloe Marquez ay tahimik na nakaupo sa loob ng isang classroom. Simula na ng pasukan. Fourth year na siya. Kinakabahan siya dahil sa wala siyang masyadong kakilala. Ilan lang ang kakilala niya.

                Katabi niya ang kaklase niya ng third year na si Jennevieve Thomas. Nagkwekwentuhan sila noon. Biglang may pumasok na isang teacher na matangkad.

                “Good Morning,” bati nito. “I’m Mrs. Garcia.”

                Nakita ni Chloe na tumingin ang labing-limang taong gulang na si James Kristian Gomez. Ngumiti ito sa kaniya. Kaklase niya din ito noong third year.

                Patuloy parin sa pgdaldal ng teacher ng pumasok sa room. Isa siyang teacher sa Social Studies. Napangiti si Kristian dahil paborito niya iyon. Si Chloe naman ay abala sa pakikipagkwentuhan kay Jennevieve.

                Si Kristian naman ay abala din sa pakikipag-usap sa mga kakilala niya doon.

                Maya-maya ay may isa pang teacher na pumasok. May-edad na din ito. Kinausap si Mrs. Garcia.

                “Ay,” sabi ni Mrs. Garcia. “Sabi nila ako ang adviser nito.”

                “Eh iyon din ang sabi sa akin ee,” sagot ng teacher na may-edad na.

                “Ayt,” sabi ni Mrs. Garcia. “Pasensya na.”

                Bakas na medyo napahiya si Mrs. Garcia. Kinuha niya ang gamit niya.

                “Class, ito na ang teacher niyo,” sabi ni Mrs. Garcia. “Extra lang ako.”

                Tumawa si Mrs. Garcia. “Pasensya na class.”

                Umalis si Mrs. Garcia at naiwan ang may-edad ng teacher.

                “Good Morning Class,” sabi ng teacher. “I’m Mrs. Isabela.”

                Nakangiti ito at sinulat pa sa board ang pangalan niya.

                “Mrs. Jessica Isabela,” bulong ni Chloe habang binabasa ang nasa board.

                “I’m thirty-six years being teacher here in this school,” sabi ni Mrs. Isabela. “And I’m thirty years servicing this school.”

                Tahimik na nakikinig ang mga estudyante.

                “And a long time ago,” dagdag pa ni Mrs. Isabela. “I was only sitting on that chairs while creating my ambition.”

                Madami pang sinabi si Mrs. Isabela na nakakainspired.

                “Now, I already introduce myself,” sabi ni Mrs. Isabela. “Can you introduce also yourself to me?”

                “Where we gonna start?” tanong ni Mrs. Isabella. “Ahh. From the front to back.”

                Madami na ang nagpakilala. Iba’t-ibang pangalan. Iba’t-ibang istorya ng buhay. Iba’t-ibang ambisyon. Iba’t-ibang pamilyang pinanggalingan. Pero sa huli, magiging isa din sila. Isa sa pag-abot ng kani-kanilang mga pangarap. Isa sa pagtutulungan na magawa ang isang bagay.

                “Hi, I’m James Kristian Gomez,” pakilala ni Kristian. “I’m fifteen years old ang I got the second rank in my class. Someday, I’m gonna be a pharmacist so that I can invent a drug who can cure many patient.”

Secretly, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon