CHAPTER EIGHT

7 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT:

                Pagkalipas ng tatlong buwan ay nalalapit na ang graduation day. Ang mga estudyante ay mga abala na sa pagtapos ng mga gawain.

                Malungkot na nagsusulat si Chloe. Tatlong buwan na ang nakalipas simula na ng malaman niya na may girlfriend na si Ivan.

                Hindi niya pa natatanggap iyon.

                “Bakit pa kasi naghahanap ka pa ng iba kung nandito naman ako,” sabi ni Chloe.

“Mahal kita Ivan,” nasigaw ni Chloe.

                “Ano?” isang boses ang nagsabi mula sa kaniyang likuran.

                Kasabay noon ang mga tawanan ng mga tao. Namula si Chloe. Hindi niya alam ang gagawin niya. Bakit kailangan niya pang isigaw iyon.

                Nilakasan niya ang loob niya at lumingon. Nakita niya si Ivan. Nakatingin sa kaniya. Mukhang hindi makapaniwala ito. Kasama ni Ivan ang mga kaibigan niya na malakas na tumatawa.

                Naiiyak na si Chloe.

                “Mahal mo si Ivan?” tanong ni Drew.

                Nilapitan siya ni Stephen. Inakbayan siya at halatang pinipigil ang pagtawa.

                “Mga school mate,” sigaw ni Stephen sa lahat ng tao na nakapaligid sa kaniya.

                Lahat ay nakatingin na sa kanila. Nakayuko na si Chloe.

                “Makinig kayong lahat!” sigaw din ni Denver. “May sasabihin daw si Chloe Marquez.”

                “Pare, nasigaw niya na diba?” sabi naman ni Stephen. “Eh di ulitin na lang natin?”

                Tinignan ni Chloe si Ivan pero tahimik ito.

                “Si Chloe Marquez,” simula ni Denver. “Mas kilala bilang freaky math genius girl ay may gusto kay Ivan Nograles.”

                Nagtawanan ang lahat.

                “Lakas ng loob mo, Chloe,” sabi ni Stephen. “Sa tingin mo ba ay magugustuhan ka ng kaibigan namin?”

                “Oo nga naman,” dagdag pa ni Drew. “Walang-wala ka kay Angela.”

                Si Angela Gonzaga ang campus crush. Maganda ito at matalino. Ito ang kasalukuyang girlfriend ni Ivan.

                “Kawawa ka naman,” sabi ni Denver. “Hindi ka magugustuhan ni Ivan. Tignan mo naman ang hitsura mo.”

                Tinignan ni Chloe ang nasa paligid niya. Lahat ay tinatawanan siya. Lahat ay nilalait siya. Hindi niya na kaya ang kahihiyan. Aalis na siya pero pinipigilan siya ng magkakaibigan.

                “Tama na iyan!” sigaw ng isang lalaki sa kalayuan. Si Kristian ito.

                “Oo nga,” sagot ni Precious na kasama din ni Kristian. “Napahiya na siya.”

                “Tigilan niyo na iyan!” dagdag pa ni Jedrick.

                Lumapit ang tatlo. Kinuha nila ang gamit ni Chloe. Inalalayan naman ni Jedrick si Chloe. Tinignan ulit ni Chloe si Ivan. Umalis na din ito.

                “Hayaan mo na sila, Chloe,” sabi ni Jedrick. Naglalakad na sila pauwi.

                Hindi pa rin matigilan ni Chloe ang umiyak. Pero nagpapasalamat siya sa mga kaibigan niyang tumulong sa kaniya.

                Kinabukasan, nilakasan ni Chloe ang loob niya. Pagpasok niya sa paaralan ay lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya. Lahat ay pinagbubulungan siya. Hindi niya na kaya ang kahihiyan.

                Kinabukasan na ang Graduation Day. Tinapos lang ni Chloe nito at nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya. Nagkasalubong sila ni Ivan. Hindi niya alam ang sasabihin. Iniwasan niya na lang ito.

                “Congrats!” sigaw ni Ivan sa kaniya.

                Nilingon niya ito at nginitian.

                “Congrats din,” sabi ni Chloe. “At goodluck!”

                “Yeah,” sabi ni Ivan. “Good luck at paalam.”

                Nagkamayan lang sila at umalis na din si Chloe. Iyon na ang huling beses nilang nagkita ni Ivan.

                Iyon na ang huling beses nila nagkita ni Ivan. Simula noon ay wala na siyang balita tungkol sa binata.

                Hindi niya inaasahan na magkikita ulit sila ngayon ng lalaking nagturo sila magmahal pero nagdulot sa kaniya ng maraming kabiguan.

                Ngayong gabi ay inaalala nila ang nangyari noong labing-apat na taon ang nakakaraan. Mga pangyayari na pinilit niyang itago at kalimutan.

                “San ikaw na lang ang soulmate ko,” sabi ni Ivan.

                “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Chloe na nagtataka.

                “Labing-apat na taon ang nakakalipas,” sabi ni Ivan. “May nakilala akong isang babae….”

Secretly, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon