CHAPTER THREE

7 0 0
                                    

CHAPTER THREE:

                Fourteen years ago, seryosong nagsusulat si Chloe. Assignment nila ito sa Mathematics. Siya ay seryosong kumokopya nito pero ang mga kaklase niya ay nagkukwentuhan at walang pakialam sa Math subject nila.

                “Hay naku,” sabi ng katabi niya na si Precious. “Siguradong copy paste na naman bukas ang mangyayari.”

                Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. Alam niyang totoo ang sinasabi nito. Hindi na siya naninibago tungkol doon. Wala kasing pakialam ang mga ito sa math at inaamin niya na ang techer nila ay nakakaantok talaga magturo.

                “Ano nga ulit ang equation?,” tanong niya kay Precious. “Nakalimutan ko na kasi eh.”

                Ngumiti si Precious. Pilyo ang ngiti nito. Kinuha ni Precious ang notebook niya at may isinulat ito. Ibinalik ito sa kaniya.

                Tinignan niya ang isinulat nito at siya ay napanganga.

You + Ivan = FOREVER (:

                Tinitigan niya ito ng masama. Nagtataka siya kung bakit nito nasulat ang ganoon. Wala naman siyang pinagsabihan na crush niya si Ivan?

                “Precious,” sabi niya dito. “Seriously.”

                Natakot siguro ito sa kaniya kay binigay ito ang equation.

                “Salamat,” sagot niya at nginitian ito.

                Nagpatuloy siya sa pagsagot sa math. Pagdating sa problem number five ay hindi niya maintindihan. Tumayo siya at hinanap ang isa niya pang kaibigan. Nang makita niya ito ay nilapitan niya ito.

                Hindi siya nagkamali. Doon niya makikita si Kristian sa lagi nitong pinagtatambayan sa loob ng room. Ang pintuan. May katsismisan na naman ito.

                “Hay naku,” sabi ni Chloe sa sarili. “Tsismoso talaga ang lalaking ito.”

                Kinalabit niya ito. Nagulat si Kristian.

                “Oh,” sabi ni Kristian at tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Anong masamang hangin ang nagtaboy sayo dito?”

                “Wala naman,” sabi ni Chloe. “May itatanong lang ako.”

                Alam niyang si Kristian ang makakatulong sa kaniya dahil matalino ito. Ngunit ang problema lang ay minsan lang ito makita sa loob ng klase dahil palaging absent.

                “Ano iyon?” tanong ni Kristian. “Siguraduhin mong kaya ko iyon sagutan ah.”

                “Pahelp naman sa problem number five.”

                Tinignan ito ni Kristian mabuti.

                “Naku, hindi ko alam iyan,” sabi ni Kristian. “Alam mo namang mahina ako sa math.”

                “Ganoon ba?,” tanong ni Chloe. “Pero ang taas naman ng grade mo sa Math.”

                “Grade ko?,” tanong ni Kristian. “Isa lang patunay na iyon na nanghuhula lang si sir ng grade.”

                Tumawa si Kristian ng malakas. Nahawa din si Chloe.

                “Mabuti pa,” sabi ni Kristian na parang nakaisip ng magandang ideya. “Itanong mo na lang kay Ivan.”

                Bumalik sa pakikipagtsismisan si Kristian.

                Itanong kay Ivan? Parang imposibleng tulungan ako. Imposible ba ang nasa isip ko o nahihiya lang ako magtanong?

                Nilakasan ni Chloe ang loob niya. Nakita niya na kasama nito ang mga kaibigan. Dahan-dahan siyang lumapit. Naririnig niya ang mga usapan nito.

                “Ivan?,” tawag niya dito pero hindi siya naririnig. “Ivan? Ivan?”

                Napansin siya ng isa sa mga kaibigan nito. Si Stephen.

                “Pare,” tawag ni Stephen kay Ivan. “Tawag ka ni Chloe.”

                Lumingon si Ivan at tinignan si Chloe. Hindi alam ni Chloe kung namumula na siya. Nahihiya na siya.

                Tumayo si Ivan sa kinauupuan niya at nilapitan siya.

                “Ano iyon?” tanong ni Ivan na nagtataka.

                Hindi makapagsalita si Chloe. Para siyang hihimatayin sa kaba at hiya.

                “Chloe?” tawag nito sa kaniya. “Ano iyon?”

                Hindi pa din siya nagsasalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nakalimutan niya na din kung ano ba ang pakay niya kay Ivan.

                “Good Morning Class,” narinig ni Chloe na sinabi ng teacher nila sa harapan.

                Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig kaya dali-dali siyang bumalik sa kinauupuan niya.

                Oras na ng science nila pero tulala parin si Chloe. Nahihiya siya ngayon kay Ivan.

                Pagkalipas ng limampu’t limang minuto ay natapos na ang kanilang science at oras na ng recess.

                Inaayos na ni Chloe ang gamit niya at lalabas na rin siya para kumain.

                “Ahmm,” sabi ng isang lalaki na lumapit sa kaniya.

                Hindi niya pa makita ang mukha dahil abala pa siya sa pag-aayos ng gamit niya.

                “Ano ba ang kailangan mo kanina ?” tanong ng lalaki.

                Iniangat niya ang mukha niya. Sa sobrang gulat ay muntik na siyang matumba. Si Ivan ang nasa harap niya.

                “Wala,” sabi ni Chloe na ngayon ay nasa katinuan na. “Gusto ko lang magpatulong about sa math.”

                “Math?” tumawa ng malakas si Ivan.

                “Oo,” sagot ni Chloe pero nakayuko ang ulo niya.

                Ayaw niya tititgan ang mga mata nito. Pakiramdam niya ay para siyang natutunaw.

                “Kaya mo na iyan,” sagot ni Ivan. “Paano ka matututo?”

                Umalis na si Ivan. Naiwang tulala si Chloe.

                “Ang yabang mo!” sigaw ni Chloe sa inis.

Secretly, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon