Bumalik na si Chloe at Ivan sa party. Masaya silang nagkwentuhan tungkol sa kanilang bagong buhay.
Tinignan ni Chloe ang relos niya. Alas-dose na ng madaling araw. Maya-maya ay biglang may tumawag. Kinausap niya ng saglit at bumalik na siya sa mga kaibigan niya. Kinuha niya ang bag niya.
“Guys,” sabi niya. “I have to go!”
“Sige,” nakangiting sabi ni Ivan. “Hatid ka na namin.”
“No thanks,” sagot ni Chloe. “Naghihintay na rin kasi si Paulo sa labas.”
“Ah ganoon ba?” sagot ni Kristian. “Dyan na lang sa may gate ng gym?”
“Sige,” sagot ni Chloe.
Hinatid na siya sa gate ng gym. Naghihintay na sa kaniya si Paulo sa labas. Ang kaniyang asawa. Tatlong taon ng kasal si Chloe. May isang taong gulang na anak na rin siya na lalaki, si Gerald Yvan Perez. Masaya siya sa kaniyang buhay.
“Paalam guys,” sabi ni Chloe.
“Chloe!” narinig niyang sigaw ni Ivan.
“Ano iyon?” tanong niya.
Nagulat siya ng may ihagis sa kaniya si Ivan. Tinignan niya ito. Ito ay t-shirt na ibinigay niya kay Ivan labing-apat na ang nakakaraan.
“Na sayo pa ito?” natatawang tanong ni Chloe.
Ngumiti si Ivan. “Yap. At hindi pa naisusuot!”
“Baliw ka!” sabi ni Chloe. “Sinayang mo lang pera ko noon.”
Inihagis ulit ni Chloe ang t-shirt pabalik kay Ivan.
“Sayo na iyan,” sigaw ni Chloe. “Simpleng remembrance.”
“Okay,” sagot ni Ivan. “Bye!”
“Walang thank you?” tanong ni Chloe at tumalikod na siya.
“Thank you!” sigaw ni Ivan at kumaway.
Muling humarap si Chloe at kumaway.
Masaya si Chloe na tignan ang mga kaibigan niya na nagpapaalam sa kaniya. Ngayon ay masaya na siya. Kumpleto na siya at wala ng bagay na nagpapahirap sa kaniyang damdamin.
Masaya na rin siya sa mga naabot ng mga kaibigan niya. Si Kristian ay isa ng arkitekto at may sarili ng kompanya. Si Precious ay isang bussinesswoman na at kilala ang kanyang mga produkto. Si Jedrick naman ay isang isang sikat na advertiser at ang mga nagawa niyang mga commercial ay matatagumpay.
At si Ivan. Isang engineer at dalawang taon na ding kasal. Nakatuluyan niya ay si Angela.
Masayang nagpaalam si Chloe sa paaralang maraming naituro sa kaniya. Ngayn ay nakasakay na siya sa sasakyan niya na minamaneho ng asawa niya habang tinatanaw niya ang paaralan na maraming naiambag sa pagiging matagumpay
BINABASA MO ANG
Secretly, I Love You
RomansaA story of a girl as she goes back to a place where there is a bitter sweet memories of her past.