CHAPTER ONE

18 1 0
                                    

March 26. Alas-tres ng hapon. Magmamadaling umalis ng bahay nila si Chloe Marquez. Kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at dali-daling pinaandar ang makina ng kaniyang sasakyan. Maya-maya ay nasa kalagitnaan na siya ng traffic sa Edsa.

                Tinignan niya ang kanyang wristwatch. Alas-kwatro na ng hapon. Napabuntung-hininga na lang siya. Tinignan niya ang kalangitan na unti-unti ng dumidilim. Binuksan niya ang radyo niya para maiwasan ang pagkainip niya.

                Naisip niya na malapit na siya ma-late. Nagbusina na siya pero hindi pa din umaandar ang daloy ng trapiko.

                “I should have know about this,” galit na sabi ni Chloe sa sarili niya. “Ugh!”

                Nilipat niya ang istasyon ng radyo at ito ay napunta sa balita. Isang weather update.

                “Makakaranas po tayo ng pag-ulan ngayon sa Metro Manila,” sabi ng reporter sa radyo. “Kaya po dapat ay huwag kalimutan ang inyong mga payong.”

                Nilipat niya ulit ngunit balita pa rin ito.

                “Masyado pong traffic ngayon sa Edsa ,” sabi ng traffic reporter.

                Nilakasan ni Chloe ang radyo at pinakinggan ito.

                “Dahil po sa may nag-shoshooting po ngayon doon para sa isang pelikula na pinagbibidahan ni Brandon Rosales..”

                Hindi na tinapos pa ni Chloe ang balita. Pinatay niya na ang radyo sa sobrang inis.

                “I curse you, Brandon,” sabi niya sa sobrang inis. “But who’s the hell is this Brandon Rosales?”

                Napaisip siya. Maya-maya ay umandar na ang mga sasakyan na animo’y parang mga langgam dahil sa traffic. Ngunit mabagal pa ito.

                Nakarating si Chloe sa pupuntahan niya ng alas-sais y media na ata ang araw ay lubog na. Ang mga poste ng ilaw sa daanan ay nakabukas na.

                Naglalakad ngayon si Chloe sa kalye na lagi niyang dinadaanan labing-apat na taon na ang nakakalipas. Malaki ang pinagbago ng lugar na iyon. Naayos na ang daan na dati ay bahain. Dumami na lalo ang mga bahay at ang mga tao din.

                Mabilis ang palit ng panahon. Iyon ang naisip ni Chloe. Patuloy siya naglakad patungo sa isang lugar na na-miss niya ng sobra. Ang naging tulay para sa kaniyang pangarap.

                Narating niya rin iyon. Ngayon ay nasa harap na siya ng paaralang sekondarya. Napangiti siya. Labing-apat na taon ang nakakalipas ng nilisan niya ang lugar na iyon. Labing-walong taon ang nakalipas ng pumasok siya dito bilang simpleng estudyante na inosente.

                At sinimulan na ni Chloe na humakbang papunta sa loob ng paaralan. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa panahon nung una niyang itungtong ang kaniyang mga paa sa paaralan na iyon. Dahan-dahan niyang sinasariwa ang alaala ng kaniyang kabataan. Mula sa mga kalokohang ginawa niya hanggang sa pagbuo ng kanyang pangarap. Mula sa isang munting bata patungo sa isang ganap na dalaga. Ang apat na taon na iyon ay itinuturing niya na transition years niya.

                Para sa kaniya kaysarap balikan ng mga araw na iyon. Na-miss niya ang lahat ng kanyang guro. Ngayon ang araw ng reunion ng kanilang batch. Ayaw niya pumunta dahil wala siyang hilig sa ganoon ngunit napilitan siya dahil sa nais niyang makita ang kaniyang mga kaibigan, guro at kamag-aral.

Secretly, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon