CHAPTER FOUR

8 0 0
                                    

Tumawa ng malakas si Ivan sa kinuwento ni Chloe na nangyari ng labing-apat na taon na ang nakalipas. Nakaupo pa rin sila sa harap ng registrar. Madilim pero may konting liwanag na nagmumula sa iilang poste sa paligid.

                Naririnig rin nila ang mga tugtog at ingay mula sa gym na katapat lang ng pinag-uupuan nila.

                “You really changed a lot, Ivan,” sabi ni Chloe na ngumiti.

                Iyon ang unang beses na nginitian siya ni Chloe simula ng magkita sila ng gabing iyon.

                “In what way huh, Chloe?” tanong ni Ivan pero pakiramdam niya na wala naman talaga nagbago sa kaniya.

                “Hindi ka na mayabang!” sigaw ni Chloe.

                Natawa lalo si Ivan. Ang tawang iyon ay masarap pakinggan para kay Chloe. Namiss niya na ang mga tawang iyon.

                “Iyan talaga ang tingin mo sa akin huh, Chloe?” tanong ni Ivan.

                Biglang tumahimik sa pagitan nilang dalawa. Naririnig padin nila ang tugtog mula sa gym na ngayon ay napalitan na ng lovesongs.

                Walang may gustong magsalita sa kanilang dalawa. Ang hangin ay lalong lumalakas at nararamdaman ito ni Chloe. Ang mga bituin sa langit ay nagkikislapan at ang buwan ay masayang nagbibigay liwanag sa paligid. Ang mga ulap ay nagbubuo ng iba’t-ibang hugis sa kalangitan.

                Tumayo si Chloe. Naglakad. Nababagot na siya sa lugar na iyon.

                “Hey, saan ka pupunta?” tanong ni Ivan.

                “Come and you’ll see,” nakangiting sabi ni Chloe at kinuha ang cellphone para magsilbing liwanag sa dadaanan nila.

                Lumalakas ang hangin. Sabay silang naglalakad ni Ivan.

                “Alam mo,” sabi ni Chloe para basagin ang katahimikan. “This is my dreams fourteen years ago.”

                “Huh?” tanong ni Ivan na nagtataka kung ano ang gustong sabihin ni Chloe.

                “Ikaw at ako,” sabi ni Chloe na parang bumalik sa pagiging teenager at kinikilig. “Sabay na naglalakad.”

                Natawa si Ivan.

                “Hey,” sabi ni Chloe. “Fourteen years ago na iyon. Baka sabihin mo hanggang ngayon pinapangarap ko pa iyon.”

                “Wala akong sinasabi,” sagot ni Ivan.

                Dumating na sila sa bahagi ng paaralan kung saan mapuno na.

                Pinuntahan ni Chloe ang isang bahagi ng puno.

                “Sa tingin mo,” nakangiting sabi ni Chloe. “Ito parin ba ang puno noong fourteen years ago?”

                “Ahmmm..,” nag-isip si Ivan. “Hindi na siyempre.”

                “Nope,” sabi ni Chloe. “Ito parin iyon!”

                “Paano mo naman nasabi?”

                Nilapitan siya ni Chloe at hinawakan ang kamay niya. Dinala siya nito malapit sa puno.

                “Ta-duh!,” sabi ni Chloe.

                Nilapitan ni Ivan ang puno at tinitigan ito. Inilawan ni Chloe ang puno at doon ay may nakita siya.

Chloe loves Ivan

Ivan loves Chloe

                “Dahil sa kabaliwan ko noon,” natatawang sabi ni Chloe. “Naisulat ko iyan dati.”

                Miyerkules na naman. Araw na naman para sa Arts Class. Pinagdala ni Mrs. Mercado ang mga estudyante ng camera dahil ang topic nila ay Photography.

                “Class,” sabi ni Mrs. Mercado habang ang mga estudyante niya ay nakapila according sa height. “Today is our Arts Class.”

                “Today, our topic is photography,” dagdag pa ni Mrs. Mercado. “Kay pinadala ko kayo ng mga camera para kumuha ng mga larawan ng mga bagay na makikita dito sa loob ng ating paaralan.”

                Nagsimula ng maghiwa-hiwalay ang mga estudyante. Si chloe ay mag-isa ding kumukuha ng mga larawan. Napunta siya sa bahgi kung saan mapuno. Pinicturan niya ito hanggang ang lens ng camera niya ay napunta sa kinaroroonan ni Ivan. Lihim niya itong kinuhaan ng larawan.

                Maya-maya ay umalis na din si Ivan doon at si Chloe na lang mag-isa doon. Kumuha siya ng bato at sinulat ang Chloe loves Ivan, Ivan loves Chloe sa isang puno.

                “Ba’t ka pa kasi naghahanap ka pa ng iba,” bulong ni Chloe sa sarili. “Nandito naman ako.”

                Tumunog na ang bell. Dali-daling umalis si Chloe at bumalik na sa room.

                Pagkauwi ay tinignan niya ang mga larawan na nakuha niya. Bigla siyang napatitig sa larawan ni Ivan na seryoso na kumukuha din ng larawan. Kinilig siya.

                “Kaso ang yabang mo,” sabi ni Chloe habang kinakausap ang larawan ni Ivan.

Secretly, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon