CHAPTER NINE

9 0 0
                                    

Fourteen years ago, I just met a woman. Para sa iba siya ay isa lang ordinaryong estudyante. Nag-aaral, nakikisalamuha sa iba, isang anak, isang kaibigan, kapatid. Pero sa puso ko ay hindi lang siya isang ordinaryong babae.

                Madalas mo siyang makita sa library. Kasama ay libro, kaibigan ang ballpen, kapatid ang notebook at kasintahan ang mga numero sa math.

                Siya ay tinatawag na freaky math genius girl. Simple lang siya pero sa kasimplehan niyang iyon ang nagdulot sa puso ko ng kakaibang saya.

                Una ko siyang nakita, unang araw ng klase ng fourth year kami. Isang mahiyain na tao. Walang arte sa katawan.

                Lumipas man ang maraming buwan at ang paghanga ko sa kaniya ay sumibol sa isang panibagong damdamin. Naging pag-ibig. Hindi ko alam kung paano ako aamin sa kaniya. Lahat ng bagay sa kaniya ay inalam ko.

                Nalaman ko din na may gusto din siya sa akin. Nakita ko ng isulat niya ang pangalan naming dalawa sa isang puno sa paaralan. Lihim na ikinatuwa ng puso ko iyon.

                Pero ayoko sabihin na mahal ko siya. Ayokong masaktan ang puso niya. Napakaimportante niya sa akin. Nahihiya akong lumapit sa kaniya. Natatakot ako na baka maramdaman niya ang lihim kong pagtingin sa kaniya.

                Natatakot ako ng dahil sa akin ay mawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi.

                Ang T-shirt ay ayoko naman talaga. Ginamit ko iyon para lang mapalapit sa kaniya. Ang tugtog ng bandang iyon ay nagdudulot ng ingay sa akin mga tainga pero pinilit kong magustuhan iyon.

                Gusto ko siyang maging girlfriend pero ayoko mawala ang pinagsamahan namin sakali mang hindi kami ang para sa isa’t-isa.  Tama na sa akin ang nakaw-tingin.

                Nagulat ako ng bigla niyang pinagsigawan na mahal niya ako. Alam ko nabigla siya doon. Dahil sa akin ay naging miserable ang huling mga araw niya sa paaralan. Imbes na masasayang mga sandali ang baon niya sa pag-alis niya sa paaralan ay puro mga nakakahiya at masasakit na mga pangyayari.

                Masakit pakinggan ang pagsabi ng paalam sa taong nagturo sa akin kung paano ang magseryoso sa pag-ibig at isipin naman ang nararamdaman ng iba.

                Ngayon kaharap ko siya ulit. Hindi ko na palalagpasin na humingi ng tawad.

                “I’m sorry,” sabi ni Ivan. “I’m sorry for all the shits I’ve done to you.”

                Naiiyak si Chloe sa mga sinabi ni Ivan.

                “I’m sorry kung ako ang may kasalanan ng lahat ng kahihiyan na dinanas mo sa paaralang ito,” sabi ni Ivan.

                Lumuhod si Ivan. Umiiyak ito.

                “Naging tanga ako dahil hindi kita ipinagtanggol sa mga kaibgan ko,” dagdag pa ni Ivan. “Patawarin mo ko.”

                Hinawakan ni Chloe ang pisngi ni Ivan. Pinunasan niya ang mga luha nito.

                “It’s okay,” sabi ni Chloe. “As I told you before, past is past. We should thanks on what we have today.”

                “Napatawad na kita,” dagdag pa ni Chloe. “Gawin na lang natin inspirasyon iyon.”

                Tumayo silang dalaw at nagyakapan.

                “After another fourteen years,” sabi ni Chloe. “Ang pangyayaring iyon ay pagtatawanan na lang nating dalawa iyon.”

                “Oo nga,” sabi ni Ivan. “Ang importante ay napatawad mo na ko.”

                Ngumiti si Chloe.

                “Friends?” inilahad ni Ivan ang kamay niya.

                “Friends!” sagot ni Chloe na nakangiti.

Secretly, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon