“Sino siya huh?” tanong ni Kristian.
“Si Ivan Jace Nograles,” matapang na sagot ni Chloe sa kaibigan.
“Sinabi mo na sa kaniya?”
“Hindi pa,” sabi ni Chloe.
“Ba’t ayaw mong sabihin?”
“Dahil natatakot akong masaktan,” umiiyak na sabi ni Chloe. “Baka mabigo ako.”
Niyakap ni Kristian si Chloe. “Kasama iyan. Paano mo malalaman na mahal ka pala niya kung hindi mo aaminin?”
“Eh paano kung hindi niya din ako mahal?”
“Ahhmmm,” walang maisagot si Kristian. “At least nagkaalamanan kayo.”
“Hindi ko alam ang gagawin ko,” sabi ni Chloe.
“Ang love parang virus iyan,” sabi ni Kristian. “Ginagawa nitong sirain ang isang tao pero may solusyon kung ayaw mo talaga na masira, REFORMAT.”
“Huh?” hindi naintindihan ni Chloe ang nais na iparating ng kaibigan.
“Kalimutan mo na lang kung ayaw mong masaktan.”
“Hindi,” sagot ni Chloe. “Sasabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko.”
Kinabukasan, buo na ang loob ni Chloe sa pagtatapat niya. Nilapitan niya ang grupo nina Ivan. Nakita niya si Ivan. Habng palapit siya ay naririnig niya ang usapan ng mga ito.
“Congrats Pare,” sabi ng isang kaibigan ni Ivan na si Drew at nakipag-appear pa kay Ivan.
“Kayo na after ng mahabang ligawan na naganap,” sabi naman ni Denver.
Si Ivan ay tahimik at ngingiti-ngiti lang.
Oh my God! Si Ivan ay may girlfriend na? Oh no!
Nasaktan si Chloe at tumakbo pabalik sa kaniyang upuan. Umiyak siya pero hindi niya pinahalata. Nilapitan siya ni Kristian. Niyakap niya ito at doon siya umiyak ng umiyak.
Ang mga kaklase niya ay nagtataka at tinatanong kung anong nangyari. Hindi sinasagot ni Kristian ang mga tanong nila at sinabi na iwan muna sila.
“I hate him,” bulong ni Chloe kay Kristian.
“Huwag kang magalit sa kaniya, Chloe,” sabi ni Kristian. “Hindi niya din naman alam ang nararamdaman mo eh.”
Umiyak ng umiyak si Chloe. Nasaktan siya at pinili niya nalang na itago nalang ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Secretly, I Love You
RomanceA story of a girl as she goes back to a place where there is a bitter sweet memories of her past.