Kinabukasan ay binigyan ni Chloe ng T-shirt ang isa sa mga kaibigan niyan na si Ella delos Reyes. Isa itong t-shirt na may design ng paborito nilang banda noon.
“Naku, salamat Chloe,” sabi ni Ella at niyakap si Chloe.
“Okay lang iyon ate Ella,” sagot ni Chloe.
Tinignan ni Ella ang T-shirt at sabay silang kinilig ni Chloe.
“Ang gwapo ni Francis,” sabi ni Ella. Si Francis ang lead vocalist ng bandang kinababaliwan nila.
“Hindi,” tutol naman ni Chloe. “Mas gwapo ata si Brenan.” Si Brenan naman ang drummer ng banda.
Kinababaliwan ng mga teenagers ang bandang The Rocks. Binubuo ito ng apat na miyembro na puro lalaki.
“Ano iyan?” tanong ni Ivan na napansin ang pinagkakaguluhan nila ni Ella.
“T-shirt,” sagot ni Chloe. Medyo mainit na ang dugo ng dalaga kay Ivan. “Ano sa tingin mo?”
“Patingin nga?” sabi ni Ivan kay Ella. “Pwede ba?”
Ngumiti lang si Ella at inabot ang T-shirt.
“Wow, ang cool!” sabi ni Ivan ng makita ang t-shirt. “Wala bang t-shirt na kasama si Lea?”
Si Lea ang ikalimang miyembro ng The Rocks. Minsan lang kasi itong sumama sa grupo kaya itinuturing na apat lang ang miyembro nito.
“Gusto mo ba?” tanong ni Chloe.
“Meron ba?” tanong ni Ivan na nakangiti.
“Oo,” sagot ni Chloe.
“Sige sige,” tuwang-tuwang sabi ni Ivan. “Magkano ba?”
“Nope,” sagot ni Chloe. “Ako na ang bibili.”
“Sure ka?” sabi ni Ivan.
“Oo,” sagot ni Chloe. “At tsaka libre lang din naman kay Ate Ella kaya dapat ganoon din sayo.”
“Salamat, Chloe,” nakangiting sabi ni Ivan.
“Bukas ko na lang ibibigay,” sabi ni Chloe.
Hindi na nakasagot si Ivan dahil dumating na ang teacher nila sa Filipino.
Tahimik na nakaupo si Chloe at Ivan sa ilalim ng puno. Nakasandal si Chloe sa puno habang mai tinetext. Si Ivan naman ay tahimik na nakahiga sa damuhan habang pinapanood ang mga bituin sa langit.
“Chloe?,” tawag ni Ivan.
“Yes?” sagot ni Chloe at itinago ang cellphone sa bag.
“Sa tingin mo ba,” sabi ni Ivan. “Kung iba ang naging takbo ng pangyayari labing-apat na taon ang nakakalipas, sa tingin mo ba ganito ang buhay natin ngayon?”
Napaisip din si Chloe.
“Hindi natin masabi,” sabi ni Chloe. “I think God has a bigger plans for us kung bakit ganoon ang nangyari noon.”
“You know what,” malungkot na sabi ni Ivan. “If I could ask God one question, alam mo ba kung ano iyon?”
“Ano iyon?” tanong ni Chloe.
“Bakit hindi na lang ikaw ang kasama ko sa pang-habangbuhay.”
“Ivan?..” nagtatakang tanong ni Chloe.
BINABASA MO ANG
Secretly, I Love You
RomansaA story of a girl as she goes back to a place where there is a bitter sweet memories of her past.