CHAPTER 15: Quarrel

203 11 13
                                    

Ringgggg!!!! Ringgggg!!! Ringggggg!!! Ringggg!!!! Ringgggg!!! Riiinnnggggg!!

"Ah Sh*t!" Inis kong pagpatay sa alarm ko, tinignan ko ang orasan at 5 na nang umaga, dalawang oras nadin pala akong nakatulog at medyo wala na ang sakit ng ulo ko. Hayyyy

Tumayo na ako at naisipan nang gawin ang morning routine ko.

Habang papasok ako sa C.R naalala ko nanaman ang Condition na binigay saakin ni Kint for 1 week. Haysss! Kung di lang kasi ako uminom at sumama sa luka-luka ko'ng kaibigan hindi naman ako hahantong sa ganito eh.. Haysss! Hayaan muna ginusto ko din naman yon...

'At Ngayon paano ko pagsisilbihan si Dryxl???' bulong ko sa utak ko.

****

After ko'ng maligo naisipan ko nang mag-bihis at dumiretso sa baba para makapag-luto nang breakfast..

Hayss! Wala pang dalawang araw sila mom sa boracay pero miss ko na agad sila.. Naninibago tuloy ako, kase dati lagi nang may nakahandang breakfast para saamin dahil kay mom at kakain na lang agad kami, pero ngayon ako muna siguro ang magluluto para saamin ni kint, Ooopss! Sakin lang pala hihihi bahala siya sa kakainin niya!

Habang pababa ako nang hagdan natanaw nang dalawa kong mata si Dryxl at si kint, Hindi lang silang dalawa dahil may apat pa silang kasama. Phew! Kalma lang summy bahay niyo naman toh.

Habang bumaba-ba ako biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Goodmorning Summy." Bati ni Kint na sinundan nang mga kasama niya, Anong Good sa Morning?! Mga ugok pagtapos kong linisin yung mga suka niyo, Mga abno!

"morning" Tipid kong bati sa kanila at mabilis bumaba at pumuntang kusina.

Binuksan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga box nang pancakes. Usually yun lang naman talaga ang kaya ko'ng lutuin kaya bahala na mamayang tanghalian at hapunan Pfft.

Habang nagmi-mix ako nang mga ilalagay sa pancake bigla akong may naramdaman na yakap sa waist ko, Aba! Sino naman tong Ugok na toh?!

"Hi summy.." Bati nito sakin at dahil kilala ko ang boses niya mabilis ko siyang hinarap at mabilis tinggal ang kamay niya sa waist ko...

"A-ano bang ginagawa mo dito D-dryxl?! Diba dapat nasa Living room ka? Atsaka b-bakit mo ako niyakap!" Naiilang kong tanong sa  kanya habang gulat na nakatingin sa kanya, hindi ko na din maiwasan ang mautal dahil hindi ko naman inexpect na gagawin niya yun saakin, Ano bang iniisip ng Abnormal na toh at nagawa niya yon! Aishh! Masyado na ata siyang Fc ah! Kelan lang kami nagkakilala at kung makadikit sakin parang Close na close kami pfft!

"Wala lang Btw, para kanino yung mga pancakes?" Tanong nito na dahilan para mapatingin ako sa pancake na minimix ko

"Sakin lang bakit?" Pagsusungit ko, ano sila sinuswerte Instant tagaluto na at tagalinis! Manigas kayo sa Gutom! Tsk

Pakiramdam ko tuloy nangangamatis na ako dito dahil sa pinaghalong inis at ano... Aish basta Inis lang naman nararamdaman ko at pagkairita wala na yun lang! Pagkumbinsi ko sa isipan ko

"Summy Ang aga-aga naka Blush on ka?" Lalo pa atang uminit ang pisngi ko nang marinig ko ang patawa'ng tanong saakin ni Dryxl, arghh! Punyemas ka umalis ka sa harap kooo!

"Huh! Baka nagiimagine kalang dyan noh, atsaka sadyang mainit lang dito sa k-kusina kaya g-ganon.." palusot ko habang mabilis na humarap sa stove at sinimulang magluto ng pancake.

"Ah ganun ba Namumula ka kase eh" habol niya pa bago Umalis ng Kusina

Arghhhhh!! Ang Aga-aga summy wag ka mababadtrip huh wag! Nakakasira ng Beauty yan Aish! -_- ano ba kasing pumasok sa isip nang ugok na yon para yakapin ako! Tsk

CHUBBY GIRL TURNS INTO A DYOSA GIRL!Where stories live. Discover now