Going Home 2: Tristan's POV

80 0 0
                                    

Kasama ko ngayon si Ford sa kotse at pinaguusapan namin ang tungkol sa kanila ng girlfriend niya, nang bigla akong nakatanggap ng text mula kay Joao.

"Bro, nagtext si Joao". Sabi ni Ford

"Anong sabi"?

"Lalabas daw sila ni Russell. Wala daw silang natatanggap na text o tawag galing kay Niel. Tinatanong din niya kung nakausap na ba natin siya"? Sabi ni Ford

"Ha! Replyan mo text niya. Sabihin mo na hindi pa natin nakakausap".

"Tatawagan ba natin si Niel? Sobra nang nag-aalala ang dalawa natin kapatid". Sabi ni Ford

"Oo, tawagan mo na. Gamitin mo yung cellphone mo kasi lowbat na rin ako. Lakasan mo nalang para makausap ko rin siya".

"Bunso". Sabi ni Ford

"Kuya Ford, napatawag ka po"? Tanong ni Niel

"Bunso, nagtatanong sina Joao at Russell kung kamusta ka at kung nasaan ka daw kasi hindi ka daw nagpaparamdam sa kanila".

"Papunta kasi ako ngayon sa bahay ni Kisses. Kakausapin daw ako ng mga magulang niya. Hindi ko sigurado kung bakit pero malalaman ko rin tapos ibabalita ko sa inyo paguwi ko". Sabi ni Niel

"Good luck ha". Sabi ni Ford

"Mauna na kami, Bunso. Malapit na rin kami sa bahay ngayon para makapahinga na si Kuya Ford mo. Sasamahan ko nalang siya sa bahay para magkabonding time naman kaming dalawa".

"Sige na, Bro. Nagmamaneho kasi ako ngayon eh". Sabi ni Niel

"Mag- ingat ka sa daan, Bunso. Madilim na at medyo madulas pa ang daan". Sabi ni Ford

"Mag-ingat rin po kayo pauwi"! Sabi ni Niel

After putting down the phone, Ford and I finally felt relieved that Niel is doing fine.

"Kailan ka nga pala sasama sa training ng Team natin"?

"Sa susunod na araw na. Papasok na ako sa kompanya namin bukas kasi medyo marami daw ang natanggap na mga architecture graduates eh". Anong oras nga pala yung lakad natin bukas"? Sabi ni Ford

"Alas 6. Hanggang anong oras ka ba bukas"?

"Alas 7. Pero susubukan kong makarating ng mas maaga". Sabi ni Ford

"Bumabalik na si Architect Ford ah! Papayag ka  na itour man lang kami sa kompanya ng pamilya mo para makita lang namin ang pinagtatatrabaho ng pinakamatalino sa amin".

"Sige. Maghahanap muna ako ng bakanteng oras na pwede ko kayong dalhin dun. Medyo madami pa kasi yung mga kailangan gawin since malapit na magretiro si Papa at ako ang susunod sa kanya pero hindi ko pa gusto kasi masaya na ako sa kinalalagyan ko ngayon pero kailangan kasi ako yung panganay ako sa aming magkakapatid at ako lang ang nag-aral na maging architect tulad niya". Sabi ni Ford

"Aabangan namin yan ha. Sana nag-aral akong mag architect eh sana magkatrabaho tayo ngayon pero pinili ko kasi yung masmadali na trabaho at paborito ko rin naman magluto eh".

"Bro, hindi madali ang pinagdaanan ko para maging architect. Ilang taon kong tiniis na magaral ng mahihirap na subjects na akala kong madali lang. Halos lahat ng subjects sa architecture puro Math at drawing, nahirapan ako sa drawing kasi hindi ko hilig yun eh. Medyo madali lang para sa akin yung Math kasi yun yung pinakapaborito kong subject. Pero pahirap na pahirap yung lessons eh". Sabi ni Ford

"Buti nalang sinabi mo, magaarchitect sana kapatid ko nag gagraduate na sa high school sa susunod na taon. Kamusta na yung kapatid mong nasa high school? Anong course kukunin niya? Magkaklase sila ng kapatid ko".

"Okay naman. Mag-aaral siya ng Culinary Arts kasi pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang restawran paglaki niya. Siyempre, suportado ko siya at ako lang ang inaasahan nila at tumutulong sa kanila tuwing may kailangan sila sa pag aaral". Sabi ni Ford

"Grabe pala ang maging kuya noh. Madaming kailangan asikasuhin para sa pag aaral ng mga kapatid".

"Tama ka diyan. Ako nalang ang sumusuporta sa kanila lalo na at retire na si Mama at paretire na rin si Papa, dalawang buwan nalang ata yung pagpromote niya sa akin bilang Senior Lead Architect ng kompanya namin". Sabi ni Ford

"Alam mo, Bro. Nang dahil sa iyo, madami akong narealize bilang kuya na naramdaman ko na nagkulang ako sa mga kapatid ko at hindi ko nagagawa ang mga responsibilidad ko bilang kuya nila".

"Pagkasabi palang ni Mama sa akin na may sakit na si Papa ngayon at kailangan na niyang magretiro. Dun palang, naisip ko na kailangan ko na magtrabaho muna at may panahon pa naman akong makapunta sa kolehiyo. Sa una, pinilit ako ng mga kapatid kong tapusin na pag aaral ko kasi ilang taon nalang rin naman ang kailangan ko at matutupad na rin naman ang pangarap kong maging architect eh. Ayaw kong tanggihan kasi nakakainis din yung mga kapatid ko kasi gusto nila na makapagtapos ako at makatrabaho ng maayos para may panggastos ako araw-araw". Sabi ni Ford

"Alam mo, sa mga pinagdaanan mo, feeding ko na ikaw yung kuya ko kahit na masbata ka sa akin. Ikaw kasi yung pinakamature sa ating lima".

"Hindi naman sa ganun. Madami lang kasi ako C nadaanan sa buhay na pwede kong balikan tuwing may problema ako sa buhay ko ngayon. Handa akong tulungan kayo kapag may problema kayo". Sabi ni Ford

"Maraming salamat talaga sa iyo, madami akong natututunan tungkol sa pamilya. Sana naging kuya nalang kita".

"Salamat rin kasi, may nakukuha rin ako natututunan galing sa iyo lalo na sa pagmamahal". Sabi ni Ford

After a fun talk, Ford and I got home already

When they got home, what did they do?
Find out on the next update....

Barkada GoalsWhere stories live. Discover now