I'm here now at Kisses' house now because her parents called me.
"Magandang Gabi po, Tita! Tito"!
"Magandang Gabi din sa iyo, iho". Sabi ni Tita Marie
We went in the house then I saw Kisses at the dining table preparing the food and utensils to use.
"Hi".
"Oh Niel. Nandito ka na pala". Sabi ni Kisses
"Kakadating ko lang, ikaw kamusta ka"?
"Mabuti naman. Kamusta ka"? Tanong ni Kisses
"Ok lang. Kakagaling ko lang kasi sa ospital eh kaya nalate ako ng dating eh".
"Ha?! Bakit ka napunta dun"? Tanong niya
"May sakit kasi si Kuya Ford tapos sinugod namin ni Russell sa ospital tapos sumunod nalang sila kuya Tristan at Joao".
"Kamusta na si Kuya Ford ngayon"? Tanong ni Kisses
"Bumubuti na. Umuwi na siya kasama ni kuya Tristan. Kaso may problema rin siya sa relasyon nila ni Ate Loisa".
"Nabalitaan ko nga eh. Anong itsura ni Kuya Ford kanina pagkatapos ng nangyari"? Tanong ni Kisses
"Hind siya nagsalita ng halos 5 oras, hanggang sa ospital hindi siya nagsasalita. Pero lumipas lang ang sampung minuto ay nagsalita na siya ulit pero umiiyak talaga siya at nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon".
"Grabe pala magselos si Kuya Ford kay Ate Loisa noh. Makaupo na nga tayo". Sabi ni Kisses
When we sat down, her parents began talking.
"Iho, debut na kasi ng prinsesa namin sa susunod na buwan. Plano lang kasi namin na simple lang yung selebrasyon at yung hindi niya makakalimutan". Sabi ni Tita Marie
"Talaga po! Ano po ba plano niya para sa birthday ni Kisses"?
"Si Kisses ang tanungin mo, siya yung may birthday hindi kami". Sabi ni Tita Marie
"Kisses, anong klaseng selebrasyon ang gusto mo para sa debut mo. Espesyal na araw yan sa buhay at dapat maging memorable to para sa iyo".
"Gusto ko sana ng party na gusto ko yung kasama yung parents ko, girlfriends ko, at yung mga kuya mo. Gusto ko medyo formal na konsepto na gusto ko. Hindi ko lang alam kung anong theme at concept yung gusto ko kaya, hihingi sana ako ng tulong sa inyo". Sabi ni Kisses
"Ay! Designer yata kailangan mo para diyan ah".
"Yung nga yung sinasabi ko pero ayaw kong gumastos ng sobra-sobra". Sabi ni Kisses
"Si kuya Ford ang kailangan mo diyan. Architect yun, magaling pa sa pagcoconceptualize ng gusto niya Magaling yun sa pagpaplano, pero medyo perfectionist yan si kuya Ford kasi gusto niya ok ang lahat at dapat nakasunod lahat sa pinagusapan niya at ng nagpapagawa. Marami siyang proyekto sa kompanya ng pamilya niya na pinuyat niya sarili niya kasi gusto niyang palaging impressed ang nagpapagawa".
"Tanungin mo kaya si kuya Ford tungkol diyan kung okay lang sa kanya kasi kilala ko na siya at napakagaling pa niya gumawa. Yung restawran ng kuya ko, pinagawa namin sa kanya. Tama ba mommy"? Sabi ni Kisses
"Tama si Kisses iho. Napala perfectionist ni kuya Ford mo kasi simple lang naman ang gusto ng Tito ni Kisses pero maspinaganda ni kuya Ford mo yung design eh". Sabi ni Tita Marie
"Ganun po talaga si kuya Ford po. Kaya na pa-oo niya si Ate Loisa dahil sa paghanga ni Ate Loisa sa pagiging perfectionist ni kuya Ford sa lahat ng bagay".
"Sige! Tanungin mo muna si kuya Ford kung may bakante siyang skedule para maplanuhan na namin ito". Sabi ni Kisses
"Tatanungin ko paguwi ko. Tito. Nasabi na po ba sa inyo ni Kisses na aalis kami sa Sabado"?
"Oo, iho. Palagi ko namang sinasabi na basta ikaw at yung mga kuya mo at mga kaibigan niya ang kasama niyo, okay lang sa akin. Pero bantayan mo ang prinsesa namin ha, lagot ka sa akin kapag may nangyari diyan kay Kisses". Sabi ni Tito Mark
"Huwag po kayong magalala, Tito. Aalagaan po namin ng mga kapatid ko si Kisses habang nandun kami".
"Iho, matanong ko lang, ano nga ulit yung trabaho ng mga 'kapatid' mo"? Tanong ni Tito Mark
"Si kuya Joao po DJ sa bar ng pamilya niya. Si kuya Tristan naman, may restawran na po siya ngayon. Si kuya Russell naman, freelance pianist po. Si kuya Ford naman po, architect po sa kompanya nila".
"Sino ang palaging palaban sa inyong lima"? Tanong ni Tito Mark
"Para sa akin po, si kuya Ford. Kinakaya niya lahat ng mga pagsubok sa buhay niya kahit gaano man kahirap. Naglalaro nga sila ni kuya Tristan sa basketball team ng Village namin at si kuya Ford yung palaging inaasahan ng team. Ilang beses ko na rin nakitang maglaro si kuya Ford at masasabi ko talaga na palaban siya hanggang sa dulo. Maraming beses na akong naawa kay kuya Ford kasi siya yung palaging gumagawa ng paraan para sa akin tuwing may problema ako. Isang beses nga, umakyat kami ng bundok tapos nahulog yung backpack ni Russell sa cliff at walang arteng na kinuha ni kuya Ford kahit na alam niyang delikado ang gagawin niya".
"Daddy, tama po si Niel. Nakita ko na rin yung pagiging palaban ni kuya Ford". Sabi ni Kisses
"Iho, sa ngayon, anong ginagawa niyong lima nitong nakaraang linggo"? Tanong ni Tito Mark
"Ako po, bumibisibisita ako sa restawran ng kuya ko. Si Russell naman po, may dalawang gig siya. Si kuya Tristan naman, binantayan niya yung restwran niya at lumalabas kasama ni Ate Pia. Si kuya Joao naman, kakauwi lang niya po mula Macau kaninang umaga at pumunta rin siya sa bahay ni Ate Sue. Si kuya Ford naman, kahit may sakit pumasok sa trabaho kasi madaming kailangang asikasuhin".
"Sabi nga pala ni Kisses na plano ninyong magouting. Kayong dalawa lang ba o may kasama kayo"? Tanong ni Tita Marie
"Opo. Kasama naman po yung mga kuya ko at yung mga nililigawan nila at yung girlfriend ni kuya Ford. Apat na araw po kami dun kasi gusto rin namin na makapagpahinga yung mga kuya ko kasi sobrang busy po sila nitong nakaraang linggo. Lalo na po si kuya Ford, kumakayod siya ng todo todo".
"Ano nga pala ginagawa ni kuya Ford mo kapag wala siyang sakit"? Tanong ni Tito Mark
"Pumapasok po siya sa kompanya nila ng 9 ng umaga tapos uuwi siya ng 10-11:30 ng gabi tapos magtatrabaho uli siya hanggang 4 ng umaga tapos matutulog siya tapos papasok ulit sa trabaho. Kahit Sabado o Linggo, nagbabasketball siya kasama ni kuya Tristan at ng mga kalaro nila tapos paguwi sa bahay magpapalit ng damit at magtatrabaho tapos yayain si Ate Loisa lumabas pagkauwi, trabaho po ulit".
"Buti naman at kinakaya ng kuya Ford mo ang ganyang skedule noh". Sabi ni Tito Mark
"Kayang kaya po niya. Mahilig siya magtrabaho kahit na dapat nagpapahinga siya".
I checked my watch and it was already 9pm. I better get home to tell kuya Ford about Kisses' debut next month.
"Sige po, Tita, Tito. Mauna na po ako, baka hindi na ako makakapasok ng bahay namin at nakauwi na siguro yung mga kuya ko".
"Mag-ingat ka sa daan iho. Madilim na sa labas at marami pang sasakyan sa labas". Sabi ni Tita Mark
"Salamat po! Bye, Kisses"! (Sabay beso)
I left her house feeling happy that I finally got to spend sometime with her parents for sometime.
The longest update I've wrote for the past 16 chapters.
What did Niel tell the boys about? Did he tell them what Kisses' parents told him regarding Kisses' debut?
Find out on the next chapter.....
YOU ARE READING
Barkada Goals
FanfictionFord, Tristan, Russell, Niel, and Joao. Five boys living together and doing what they dreamt of. Loisa, Pia, Janella, Kisses, and Sue. The loves of the five boys. They help each other and enjoy their lives together? Will they be a "barkada" despite...