Tristan..
Ford and I just got home from the hospital but he is now happier than he was before. It seems like he's slowly moving on from the problem but still can't talk to his girlfriend.
"Bro, kailan mo balak kausapin girlfriend mo? Feel ko kasi na nagaalala na siya sa iyo".
"Hindi ko pa alam. Pero hindi na gaano kalayo yung panahon na darating din yung panahong iyon. Aasikasuhin ko muna yung sakit ko baka mangyari na naman yung nangyari kanina. Buti nalang hindi pumunta parents ko, kung pumunta kasi sila, hindi nila ako papasukin sa trabaho. Naiintindihan ko naman na nagaalala siya sa akin pero hindi ko lang talaga maintindihan yung nagawa niya sa akin". Sabi ni Ford
"Kahit man lang sa text o tawag, hindi mo kakausapin? Hindi pa naman agad kailangan na personal agad eh. Kahit sa text o tawag lang, magiging masaya na siya".
"Sa ngayon, hanggang dun lang muna kami kasi masakit pa yung pinagdaanan ko at hindi pa ako masyadong handa na kausapin siya". Sabi ni Ford
So I felt contented with I want to know, I left him alone to have his own time to relax and think about things.
Ford...
I can finally think some things over between me and Loisa. Niel and Kisses invited us to their outing as a groups but it maybe hard for me to in the same place with my girlfriend when I don't feel like being with yet.
"Ford. May laro ka pa sa Sabado ha. Yun muna yung asikasuhin mo kasi kailangan mong makuha ulit yung MVP award para makuha mo na yung inaasam mo na pang-apat na tropeyo". Sabi ko sa sarili ko
I've always wanted to have a streak of MVP awards in our inter-village basketball league ever since I joined it three years ago with Tristan.
"Bro".
"Bakit"? Tanong ni Tristan
"Ano bang goal mo sa liga natin ngayong taon"?
"Manalo lang tayo para tayo na yung undefeated team sa liga. Ikaw"? Sabi ni Tristan
"Alam mo naman. Every year kong pangarap yun".
"Maging MVP ulit. Naalala ko pala yung sinabi ni coach na dapat MVP ka ulit. Alam mo naman si coach, pagdating sayo mataas expectations niya sayo". Sabi ni Tristan
"Alam ko naman yun eh, expected na ako dun sa expectations ni coach sa akin. Hindi na ako magugulat sa mga sinabi ni coach. Hindi rin naman ako magiging team captain kung hindi ako naging MVP eh".
"Alam mo Bro. Kinakabahan na ako sa inyo ni coach kasi puro championship ang pinaguusapan niyo palagi. Matanong ko lang nga pala, ilan na ba yung mga awards mo simula nung sumali ka sa basketball team ng eskwelahan mo noon? Ilang taon ka nagsimula maglaro ng basketball"? Tanong. ni Tristan
"Ganun talaga kami ni coach. Goal na namin yun noon pa kasi palagi tayong hindi sigurado kung makakapasok tayo sa finals eh. Kinonsulta ko si coach tungkol sa plano kung makuha natin ang pang-apat nating kampeonato. Medyo marami rami na nakuha ko at dinala ko sa bahay natin eh lalo na sa kwarto ko".
"Kaya pala nagpalagay ka ng shelves sa kwarto mo pang display ng awards". Sabi ni Tristan
"Pinalagay ko lang yun kasi wala ng lugar sa bahay namin sa Valenzuela eh. Naiinis na nga Papa ko kasi sobrang dami naman daw ng awards ko eh hindi na niya malagay yung kanya. Kaya naisip ko rin na magtatayo rin naman tayo ng bahay dito kaya ililipat ko nalang para may malagyan siya".
"Anong naramdaman ng papa mo ng malaman niya na aalis ka sa bahay ninyo"? Tanong ni Tristan
"Naging masaya naman siya kasi alam niyang kayo ang makakasama ko sa lilipatan natin eh. Pagkabalik ko galing London, sinabihan na ako ng Papa ko na tumira nalang ako mag-isa pero sinabi ko na huwag muna sa ngayon kasi priyoridad ko muna yung bantayan yung mga kapatid ko aat hinahatid ko pa sila sa eskwelahan noon. May pagkawerido din siya noon kasi pinipilit niya akong lumipat".
"Huwag kang mag-alala, Bro. Parehas tayo dun, ganun din Papa ko sa akin noon, sinasabi na ni Mama kay Papa na huwag muna kasi kailangan ko pang alagaan ang mga kapatid ko sa bahay. Nung pinaguusapan na nating lima yung tungkol sa plano nating tumira sa isang bahay, biglang umiba ang itsura niya kasi tumatanda na ako eh". Sabi ni Tristan
"Mabuti nalang at may nakakarelate sa mga pinagdaanan ko lalo na kung tungkol sa pamilya. Alam mo, minsan nararamdaman ko rin na magkapatid tayo kahit hindi tayo magkaano ano".
"Bro, mas matanda nga ako sa iyo pero feeling ko nga na ikaw yung kuya ko. Ginusto ko naman na maging kuya kanila Joao, Russell at Niel pero parang mas nakita ko yun mga yun sa iyo". Sabi ni Tristan
That statement struck me to the ends of my heart, Tristan is actually a great person but it seems that he is saying that from his heart. I still do not accept the fact that he admits his mistakes to me, who is actually older than me.
"Alam mo, Bro. Ganito lang talaga ugali ko kasi kuya rin naman ako. Anong tipong kuya ka ba Bro"?
"Ako yun tipong kuya na hindi madaling magalit sa mga kapatid ko, masayahin ako tuwing kasama ko sila, hindi ko rin pinapakita na nahihirapan na ako sa mga bagay. Ikaw"? Sabi ni Tristan
"Ako yung kuya na hindi kayang pagalitan mga kapatid ko, kakayanin ang lahat para sa magiging buhay nila sa future, nagaalaga sa kanila tuwing may sakit sila, nilalakasan ko lang loob ko na harapin ang mga problema sa buhay namin magkakapatid".
"Ganyan talaga tayong mga kuya, hindi kayang pagalitan ang mga kapatid nila. Sabi lang sa aking ni Mama na hindi dapat pinapagalitan ang mga kapatid ko at sabihan lang sila". Sabi ni Tristan
"Yan din sinabi sa akin ni Papa na hindi maganda ang pagalitan ang mga kapatid ko kasi makakasama din sa kanila yan. Sabihan mo lang sila para matuto sila".
"Mapunta tayo sa buhay ninyo ng girlfriend mo makalipas ang dalawang taon. Anong usual na ginagawa niyo kapag magkasama kayo? Anong nalaman niyo sa isa't-isa na hindi niyo pa nalalaman nung magkaibigan pa kayo"? Sabi ni Tristan
"Jusko Lord, tuwing kasama ko siya, mukha akong bodyguard niya kasi ako yung ginagawa niyang tagabitbit ng gamit na binili niya. Tapos siya lagi yung nagbabayad sa binibili ko kahit na kaya ko naman bayaran. Marami akong nalaman tungkol sa kanya, sobrang mapagmahal siya sa magulang at mga kapatid niya, hindi pumapayag na pababayarin niya ang boyfriend niya, ex pala niya yung kuya ni Marco, mahilig siya sa matatamis. Mas marami siyang nalaman tungkol sa akin, yung pagiging misteryosko ko, yung pagkatahimik ko, yung nangyari sa buhay ko noon".
"Ang dami talagang pinagkaiba ni Ko isa kay Pia talaga. Baliktad si Pia na ako lagi akong nagbabayad kasi tinatamad siya maglabas ng pera kasi papagalitan daw siya ng Papa niya kasi palaging nauubos yung laman ng card niya tuwing lumalabas siya". Sabi ni Tristan
"Ganun talaga, wala namang magkaparehas na tao eh. Siya nga pala, may dumating na ba dun sa tatlo? Wala pa akong napapansin na bumukas na pinto eh".
"Wala pa mga eh. Medyo late na sila ah. Itext na kaya natin o tawagan man lang"? Sabi ni Tristan
"Dapat lang talaga, baka may masamang nangyari sa kanila pero hindi pa sila magpaparamdam sa atin".
So we both decided to text Joao, Russell, and Niel. While texting, Joao suddenly calls.
"Bro, sagutin mo na, mukhang importante". Sabi ni Tristan
So I answered the call then heard a panicking Joao.
"Oh,Bro? Nasaan na kayo ni Russell"?
"May sasabihin ako sa inyo, huwag sana kayong magulat". Sabi ni Joao
"Anong nangyari"?
What happened to the three boys? How did Ford and Tristan react? Did csomething bad happen to them? Did Ford feel sick and go to the hospital again?
YOU ARE READING
Barkada Goals
FanfictionFord, Tristan, Russell, Niel, and Joao. Five boys living together and doing what they dreamt of. Loisa, Pia, Janella, Kisses, and Sue. The loves of the five boys. They help each other and enjoy their lives together? Will they be a "barkada" despite...