What a stressful day today is for me! I never thought that my fever and headaches would bring me to the hospital even though I didn't need to. Thank God that Niel and Russell were there to bring me there.
I am currently with Tristan in his car going home because I don't want to bother Niel and Russell to bring me home because they brought me there.
"Ford, ano nga pala sinabi ng doktor sa'yo"? Tanong ni Tristan
"Sabi niya, nalipasan lang ako ng gutom kaya ako nanghina at sobrang sumakit ulo ko eh. Wala na rin akong lagnat pero kailangan ko daw kumain sa tamang oras at uminom ng maraming tubig. Sabi nga niya, buti nalang at hindi ako hinimatay baka mas matagal pa ako nandun".
"Ano bang nararamdaman mo ngayon"? Tanong ni Tristan
"Medyo masakit pa ulo ko tapos sobrang gutom na ako. Mahigit tatlong oras na ata ako hindi kumakain".
"Saan mo gustong kumain? Sa labas o sa bahay? Medyo maaga pa naman, ikaw bahala". Sabi ni Tristan
"Kayo? Kahit saan niyo gustong kumain, sasama ako basta makakain lang ako ngayong gabi".
"Gusto mo ba na magluto ako ng paborito mo o kumain tayo sa paborito mong kainan na palagi mong pinupuntahan"? Tanong ni Tristan
Aba! I don't even remember the last time Tristan cooked for me. But I don't want him to tire himself anymore because of what has happened to us today.
"Bro, na Miss ko na yung pagluluto mo ng paborito ko pero ayaw kong mapagod ka pa lalo na at inalala niyo pa ako kahit kaya ko naman sarili ko. Kung gusto mo talaga, ok lang naman sa akin".
"Sige. Alam kong pagod ka na ngayon kaya ipagluluto nalang kita, tayong dalawa lang. Bahala sila kung anong kakainin nila. Sasabihan ko lang sila". Sabi ni Tristan
"Salamat, Bro! Sama mo nalang kaya sila, nagalala din naman sila sa akin ngayon eh. Babawi nalang ako sa inyo sa susunod. Nagkasakit pa kasi ako eh, tuloy nagalala pa tuloy kayo".
"Bro, aaminin ko na may ginawa sila pero ako lang yung naglakas loob na kausapin yung girlfriend mo". Sabi ni Tristan
"Kung yun yung gusto mo".
"S'ya nga pala. May pinadala yung girlfriend mo sa akin kanina, prutas tsaka pagkain daw para sa iyo". Sabi ni Tristan
Then I suddenly received a text from Loisa
From: Loisa My Loves
Hi Love. Kamusta ka na? Naospital ka daw. Sorry talaga sa mga ginawa ko kanina, hindi ko inakala na nasasaktan ka na pala. Kinausap na ako nina Kuya Tristan at Kuya Joao kanina, at napaisip- isip din ako na malaki ang kasalanan ko sayo. Galit ka pa ba sa akin? Pwede na ba tayong magusap at bati na tayo? Love u Fordy! Miss na kita.
"Bro, nagtext siya. Anong sasabihin ko"?
"Pag isipan mo nang mabuti ang irereply mo sa kanya".
I felt scared of the decision that I might make that will affect me very much. But anyways, I still reply to her but like before.
"Bro, sasagutin ko na text niya. Nakapag isip isip na rin naman ako sa sitwasyon namin ngayon".
"Sige, yan ang naiisip mo eh. Ikaw ang nagdesisyon niyan hindi ako". Sabi ni Tristan
To: Loisa My Loves
Hi. Medyo mabuti na ako, masakit lang ulo ko kasi nalipasan lang ako ng gutom. Oo nga eh, hindi ko talaga inaasahan na mapupunta pala ako sa ospital ng dahil sa simpleng lagnat at sakit ng ulo. Salamat nga pala sa pinadala mo sa akin kanina. Medyo galit pa ako sa iyo kasi hindi mo man lang sinabi sa akin kung sino yung mga kasama mong lalaki diyan eh sana hindi ako nagseselos ngayon sa iyo. Pumapayag na akong makipagusap sa iyo pero sa cellphone lang kasi hindi ko pa kayang harapin ka ng personal eh. Pag iisipan ko nalang muna kung magkakabati na tayo.
"Bro, mukhang kinakabahan ka. Ano bang tinext mo sa kanya". Sabi ni Tristan
"Sinagot ko lang lahat ng tanong niya, tapos nagpasalamat ako sa pinadala niya, tsaka sinabi ko na medyo galit pa ako sa kanya at sa cellphone lang muna kami maguusap kasi hindi ko pa kayang makita siya kasi nasasaktan pa ako. Tapos, pag iisipan ko pa kung magkakabati na ba kami".
"Wala namang masama sa sinabi mo ah". Sabi ni Tristan
"Pero Bro, baka masaktan siya sa sinabi ko o baka mas lalo pa akong masaktan sa ginawa ko".
"Panindigan mo yung sinabi mo kasi tama naman desisyon mo kasi siya naman yung may kasalanan sa nangyayari sa inyo". Sabi ni Tristan
"Salamat talaga sa suporta mo sa akin. Hindi ko inakala na kakayanin ko pala lahat ito".
"Alam mo, Bro. Ikaw pa lang yung nakikilala ko na malakas ang loob at hindi sumusuko sa mga laban ng buhay. Pero ngayon ko lang narinig na nasasaktan kang sobra". Sabi ni Tristan
"Hindi lang talaga maayos mood ko ngayon. Parang wala na ako sa tamang lugar sa relasyon namin. May mga panahon na nararamdaman ko rin na darating yung panahon na magkakamali din siya ng napakasakit para sa akin".
"Alam mo, Bro. Humahanga talaga ako sa iyo kasi ikaw yung tumutulong sa amin na hindi madali ang magmahal kasi madaming dapat daanan para makamit ang inaasam". Sabi ni Tristan
"Tama ka, hindi talaga kasi ganun kadali magmahal kasi madami ka pang dapat malaman para tumibay at tumagal ang relasyon ng dalawang tao".
"S'ya nga pala. Nasabi ko pala sa girlfriend mo yung sinabi mo sa akin na naiisip mo nang sumuko sa relasyon n'yong dalawa". Sabi ni Tristan
"Bro, bakit mo naman sinabi sa kanya yun. Atin-atin lang yun eh. Wala na rin naman akong magagawa eh sinabi mo na eh, dapat rin niya malaman kasi ang hirap tiisin ang sakit sa isang relasyon na hindi naman mapupunta sa maayos na usapan".
"Pagkatapos kong sabihin yun, bigla siyang natakot at tinatanong ako kung hindi ka ba susuko sa relasyon niyong dalawa". Sabi ni Tristan
"Anong sinabi mo"?
"Hindi ko masasabi kung ano yung mararamdaman mo kung susuko ka ba o hindi kaya sinabi ko na matatag kang tao at hindi mo rin naman kakayanin na pakawalan ang pinakamamahal mong babae sa buhay mo. Pinayuhan ko rin siya na lakasan niya yung loob niya na alamin niya yung sagot sa tanong niya at harapin ka niya at ayusin ang mga problema na namamagitan sa inyong dalawa". Sabi ni Tristan
"Salamat talaga, Bro. Naging daan ka para kausapin mo yun girlfriend ko kasi hindi ko pa kayang harapin".
"Walang anuman, Bro. Nandito lang ako sa likod mo at susuportahan kita". Sabi ni Tristan
"Ako rin. Kung may problema ka, isang kwarto lang at mahahanap mo na ako".
While talking, Tristan received a text from Joao.....
What was the text about? Did something happen to them? How did Tristan and Ford react about it?
Find out on the next update......
YOU ARE READING
Barkada Goals
Hayran KurguFord, Tristan, Russell, Niel, and Joao. Five boys living together and doing what they dreamt of. Loisa, Pia, Janella, Kisses, and Sue. The loves of the five boys. They help each other and enjoy their lives together? Will they be a "barkada" despite...