Author's POV
*All the Boys are home already*
Niel got home in time to tell the boys about what he and Kisses talked about.
"Bunso, anong ginawa mo sa bahay ni Kisses"? Tanong ni Joao
"Sa una, akala ko papagalitan ako pero hindi pala, pinagusapan namin yung debut ni Kisses".
"Anong plano niya at nila Tito at Tita"? Tanong ni Tristan
"Gusto ni Kisses ng simple pero hindi niya makakalimutan. Kuya Ford, ikaw daw yung gusto niya na tumulong sa kanya para magdesign at magplano para sa debut niya. Ayaw na daw kasi niyang gumastos ng sobra sobra at gusto rin nila Tito at Tita na ikaw nalang daw. Desisyon mo nalang daw yung hinihintay nila".
"Oh nakita mo na Ford. Ikaw yung pinili pa nila na maging organizer sa debut ni Kisses. Tatanggapin mo ba"? Tanong ni Tristan
"Oo naman. Si Baby Kisses ko yan eh, bunsong kapatid ko rin na siya eh". Sabi ni Ford
"Malapit na mag 18 si Kisses, anong plano mong ibigay sa kanya Bunso"? Tanong ni Joao
"Hindi ko pa alam kung ano eh. Pag iisipan ko pa muna, espesyal dapat regalo ko para sa kanya".
"I'll help you, Bro. I also need to find a gift for Jan because she is turning 19 two months from now". Russell said
"Wow! Good luck sa inyong dalawa". Sabi ni Joao
"Ford, hindi na dalawang linggo nalang, dalawang taon na kayo ni Loisa. Anong plano mo para dun"? Tanong ni Tristan
"Simple lang naman plano ko eh. Baka pumunta kami sa magandang restawran at magshoshopping kami, medyo matagal na rin kami hindi nakakapagshopping eh. Hindi naman mawawala yung paborito niyang bulaklak". Sabi ni Ford
"Yan tayo eh. Kapag may laman na ang puso, walang makakapigil sa kagustuhan ng isang tao na magmahal". Sabi ni Tristan
"Ganun talaga ang puso ng nagmamahal, gagawin ang lahat para lang sa minamahal. Handa ibuwis ang buhay para sa minamahal. Handang harapin ang lahat para makasama ang minamahal kahit ilang bundok pa ang aakyatin o ilang dagat pa ang lalanguyin". Sabi ni Ford
"Ayan, may inspirasyon na tayo sa pag-ibig. Salamat talaga sayo Ford. Marami kaming natututunan na mga bago lalo na at sineseryoso ang pag-ibig". Sabi ni Tristan
"Walang problema. Nandito lang naman ako para sa inyong lahat. Lalo na kayo Russell at Bunso". Sabi ni Ford
"Tatandaan namin yan. Right, Russell"? Sabi ni Niel
"Siyempre". Sabi ni Russell
"Alam niyo, guys. Dapat sanayin natin na Filipino ang salita natin para makapagpractice si Russell sa Filipino niya". Sabi ni Tristan
"I agree with you bro. My Filipino isn't that good yet, I want to fix how I speak Filipino. I want to prove to kuya Ford that I can speak good Filipino". Russell said
"Russ, okay naman Filipino mo eh, yung paraan lang talaga ng pagsasalita mo yung kailangan nating ayusin. Huwag kang magalala, tuturuan kita hanggang maintindihan mo na". Sabi ni Ford
YOU ARE READING
Barkada Goals
FanfictionFord, Tristan, Russell, Niel, and Joao. Five boys living together and doing what they dreamt of. Loisa, Pia, Janella, Kisses, and Sue. The loves of the five boys. They help each other and enjoy their lives together? Will they be a "barkada" despite...