Alex's Pov
"actually masungit talaga si Xander. Hindi siya ganun ka friendly kaya nga pili lang friends niyan or should I say walang friends? Hoho. Kaylangan mahaba ang pasensya mo dyan. Tsaka grabe ang pilit ko sa kanya kagabe na mag mall ha. Naloka ang beauty ko!" paliwanag ni Cindy saken. Weekend ngayon at inaya niya kong mag mall. Malalate ngalang lang ang kambal kase pumunta pa sa tagaytay may family reunion daw kagabe. Si Xander naman papunta na din dito sa mall! Waaah! Kaya nga ko humihingi ng tip kay Cindy eh.
"ang tagal naman ni Xander" medyo inis na sabe ni Cindy. Ako naman medyo kinakabahan! Pano to? Anong sasabihin ko? Shit!
"wag kang kabahan Alex! Keri mo yan" pang eencourage saken ni Cindy.
"ah eh. hihi. Naiihin tuloy ako!"
"oh, gusto mo bang umihin muna?"
"nako, hindi! Ganyan lang talaga ko kapag kinakabahan. Parang iihi na hindi! Basta! Haha"
"Loka! Oh, ayan na pala siya eh!" sabay lingon ko sa likod ko. At nakita kong papalapit si Xander samen. Waaah! Simpleng white v neck shirt lang siya, skinny jeans na black at naka vans lang potek ang gwapo pa rin!
"Xander, ang tagal mo! Muntik ng mamuti ang mata namen dito!" reklamo ni Cindy kay Xander. Agad namang tumingin si Xander saken.
"Traffic. Teka akala ko ba tayo lang? Sino yang kasama mo?" grabe! Ang suplado mhen! *__*
"siya nga pala si Alexandra Garcia short for Alex oh diba destiny lang? Same pronunciation kayo ng name. Hihi."
"and so?" Waaah. Grabe ang shungit nya!
"grabe ang sungit mo naman" sabe ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin saken at inirapan ako. Shet! Nang iirap lang?!
"Oh, tara na guys. Nag text saken si Liam sabe niya bili na raw tayo ng ticket. Leggo!" masayang aya samen ni Cindy. Grabe ha, textmate na sila ni Liam! Fishy ~!
"oh, anong gusto nyong panuorin? Sabe ni Liam gusto daw niyang panuorin yung The Avengers. Kayo okay lang ba sa inyo yun?" tanong samen ni Cindy.
"sige. Go ako dun!" nakangiting sabe ko.
"cous?" sabay tingin ko kay Xander. Seryoso lang ang muka niya.
"ilang beses ko na nating napanuod yan Cindy! Di ka ba nagsawa?!" sagot niya.
"hmm. Eh di yung The Lucky One ang panuorin nyo kase yun naman talaga ang gusto mo dba?" suhestyon sa kanya ni Cindy. Say what?! Yun ang gusto nya?! Pambading talaga oh!
"sige, bili na ko nung ticket ko." Agad naman siyang pinigilan ni Cindy.
"anong ikaw lang? Isama mo si Alex!" agad namang ngumiti saken si Cindy at tumingin ako kay Xander. Grabe, parang gusto niya kong patayin sa tingin niya. (O_O)
"ba't ko sa sasama yan? Di ko naman kilala yan" inis na sabe niya. Ampotek! Ganyan ba talaga ang ugali niya?! Nakakaloka.
"pinakilala na kita sa kanya di ba? Tsaka cous, wag ka namang ganyan be nice to her! New friends naten siya!"
"your friend not mine" inis na sabe ni Xander. Ouch! Grabe lang. Anti social ba tong si Xander?!
"kaya nga kita dinala dito to gain new friends!" pagdadabog ni Cindy. Ako naman pa lipat lipat lang ng tingin sa kanila. Mukang tanga na nanunuod sa kanila.
"look Cindy ang laki ng atraso mo saken ngayon. Sabe mo tayo lang ang pupunta ng mall tapos may isinama ka pang strangers." sabay tingin niya saken. Ampotek lang! Stranger?! Ang kapal ng baklang to ah!
"ehem" kunwaring ubo ko.
Hindi niya man lang ako pinansin at nag tuloy tuloy sa pagsesermon kay Cindy. "look hindi ko gus--"
"ALAM MO ANG ARTE ARTE MO! NUNG NAGPAULAN NG KASUPLADUHAN, KAARTIHAN AT SAMA NG UGALI ANG DYOS ALAM MO BA KUNG SAAN LAHAT YUN NAPUNTA? EH DI SAYO! GRABE LANG! NATAGALAN KA NG PINSAN MONG YAN?! SA SAMA NG UGALI MO?! ANTI SOCIAL KA BA OR SADYANG MAY ALLERGY KA SA MGA STRANGERS NA KAGAYA KO?! EXCUSE ME! NALIGO ATA AKO AT MABANGO AKO! MAHIRAP NGA LANG KAME PERO ATLEAST HINDI NAMAN AKO MADUMI NOH! KUNG GANYAN LANG DIN ANG UGALI MO, HINDI NA KO MAGTATAKA NA LAHAT NG TAONG NASA PALIGID MO AYAW SAYO! PASALAMAT KA GWAPO KA KUNG HINDI KA LANG GWAPO MALAMANG LAHAT NG TAO AYAW SAYO!"
Wow. Nakulangan ako sa hangin nun ah. Grabe lang! I need water water water! Psh. Pagkatingin ko lahat ng tao nakatingin saken. Problema ng mga to?! Agad naman akong napatingin kay Cindy at Xander, gulat na gulat ang muka nila. Oh shit! Kase ang bibig ko eh! Di na naman nakapagpigil. Oh no!
"hahahaha. Cous, see?! I told ya! Ayan tuloy na sermonan ka ni Alex! Hahahaha" tawang tawa na sabe ni Cindy at halos mamatay siya sa kakatawa para na nga syang baliw sa kakatawa kulang n alang maglumpasay siya sa sahig kakatawa!
Kame naman ni Xander nagkatinginan lang. Shet! Pano na to?! Tiyak, galet na galet na siya saken. Uwaaaaah! Kase naman Alex eh! Ang bibig mo! Tama nga naman sila makasasala talaga ang bibig! Waaah.
"wait, maiwan ko muna kayo ha. Sunduin ko lang si Liam. Andyan na sila sa baba eh" sabay alis ni Cindy. Hala pano to?! My gulawgaw.
Agad namang umalis si Xander sa harapan ko at nagtuloy tuloy ng lakad papuntang escalator. Siyempre susundan ko!
"wait, Xander ano! Wait lang!" Di pa rin tumitigil tuloy pa rin ng paglalakad si Xander.
"Xander! Sorry!"
"........."
"Xander, wuhoooo! Waaaait!"
".........."
"TAKTE KANG BAKLA KA! BINGI KA BA?!!!! HINDI MO BA NARIRINIG NA TINATAWAG KITA?!!!!"
Oh no! Shet. Bibig ko talaga! Holo. Tumigil siya ng paglakad at lumingon saken.
"ay, bakla pala yung gwapo"
"sayang!"
"nako, baka nag aaway sila ng girlfriend niya kaya nasabihang bakla. Kaw talaga!"
"nako, certified bakla yan!"
"ang hot niya kaso bakla!"
"nako, halos lahat naman ng gwapo sa panahon ngayon bakla eh!"
Hala mga froglets na chismosa nga naman. Nagpatuloy lang ng paglakad si Xander papunta saken. Patay na ko neto! Mukang gusto na niya kong ibaon sa lupa. Oh no!
"hindi pa ba tatahimik yang bibig mo?" mahinahong sabe niya saken.
"ah sorry kase ano--"
"just shut up. Nakadalawang beses mo na kong pahiyain! Kapag umabot sa pangatlo baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko" Nakayuko lang ako sa kanya kase natatakot ako eh. Kada bigkas niya tagos sa tenga ko. Nagsisitayuan ang ang mga balahibo. Waaah! Nakakatakot.
Pag angat ko ng muka ko. Nasa escalator na pala si Xander. Dale dali akong tumakbo at hinabol siya!
"waaah! Ang bilis niya! Nasa baba na siya! Waaah" Syempre, ako naman binilisan ko ang paghabol sa kanya.
"waaaah!"
*BOGS*
Biglang nagdilim ang paligid ko. Anyaaaaare?! baket parang nag brown out sa mall?!
--
BINABASA MO ANG
Operation: TURN A GAY GUY STRAIGHT
RomanceNagka gusto ka nga sa isang mayaman, matalino at ubod ng gwapo. Kaso nga lang BERDE ang kanyang dugo. Anong gagawin mo? :)