Nakakainis! Nakita niya kong sumasayaw na parang baliw tapos kaylangan ko pa siyang kausapin para bawiin yung sinasabi niyang NAPAGOD daw ako kagabe. Arrgh! Epal talaga yung Xander na yun T__________T
Holo. Anong oras na ba?! Waaah. Mamaya na pala yung simula ko sa bago kong trabaho. Dali dali akong umalis at nagtatakbo palabas ng university.
"Alex"
"huh?"
Oh my Nathan! Ba't ba ang pogi mo?! Hihi.
"oh, ba't para atang nagmamadali ka? Where you going?"
"punta na kase ako sa trabaho ko"
"oh, may trabaho ka? Where? Tara hatid na kita." aya niya.
Nako, nakakahiya naman. Mag cocommute na lang ako. "nako, wag na. Okay lang! Mag jejeep na lang ako"
"I insist"
"no, sige na. Sayang ang gasolina mo. Ayos lang talaga ko."
"please?" ang kulit niya ah! Sige na nga. Kung di ka lang gwapo eh! Ahahaha.
"ang kulit ng lahi mo. Mapilit ka eh! Sige na nga" sabay bukas niya saken ng sasakyan niya. Yan ang gentleman! xD
Tinuro ko sa kanya kung san ako mag tatrabaho. At habang bumabyahe kame tawanan at kwentuhan lang kame.
"Alex, Ice ka ba?"
"ha? Baket?"
"Crush kita. Okay lang ba?" Waaaaah! Ang corny ng pick up niya pero nakakatuwa naman. Hahahaha.
"haha. Baliw ka talaga!"
"hmm.. Keyboard ka ba?"
"baket na naman?"
"type kase kita"
>////////////< Ano ba yan! Nathan ang cheesy mo talaga! Totoo ba yang mga banat mo? Kase marupok ang puso ko. Baka mahulog sayo! Echos! Ang lande ko lang! Wahahahahahaha.
"hahahaha" ayun, puro tawanan lang kame. Baliw talaga tong si Nathan. Hanggang sa makarating ako sa trabaho ko.
"thanks Nathan ha"
"No prob, gusto mo bang sunduin kita?"
Holo. Ano ba yan! Nakakahiya na talaga. "nako, wag na noh! Tsaka malapit lang ang bahay namen dito. Halos isang street lang ang layo. Sige na, pasok na ko ha. Ingat ka sa pag ddrive!" at ayun, umalis na sya with his oozing car.
"hi tita"
"hi Alex! I'm so glad that you're here." sabay beso ko kay Tita Sandy. Kung gano kabaet yung kambla triple ang baet nitong Mama nila. xD
"thank you po talaga tita at tinanggap nyo ko dito"
"nako, ano ka ba. Malakas ka saken eh. Btw, here's your uniform. So, ikaw na ang bahala kumuha ng mga orders ng mga customers ha. At eto para sa Linda siya na ang bahala sayo. Sige, may meeting pa ko eh." sabay alis niya.
"hi. Ako pala si Linda." masayang sabe saken ni Linda. Halos magkasing edad lang kame.
"Alex" sabay shake hands namen. Tinuruan na ko ni Linda kung saan yung mga lalagyan ng mga utensils at mga gamet. Shifting ang gagawin namen ni Linda. Dalawa lang kame ngayon na nasa cashier na naka assign. Madali ko siyang nakasundo kase mabaet siya at magkasing edad lang kame.
"tiga Phoenix ka pala eh. Ba't kaylangan mo pang mag trabaho?" tanong niya saken.
"kase, mahirap lang kame. Tsaka, nagtatrabaho ang papa ko sa Saudi kaya kahit papaano may pambayad kame ng tuition fee ng kapatid ko. Kaya gusto ko din tumulong sa mga gastusin sa bahay" paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Operation: TURN A GAY GUY STRAIGHT
RomanceNagka gusto ka nga sa isang mayaman, matalino at ubod ng gwapo. Kaso nga lang BERDE ang kanyang dugo. Anong gagawin mo? :)