Operation #18: I'm in love.. Wait WHAT?!

68 3 0
                                    

Alex's Pov

"anak, kamusta ang trabaho? Muka atang pagod na pagod ka na. Pwede namang mag quit ka na. Lalo kang mapapagod niyan eh" angal saken ni Mama.

"Ma naman, ilang beses na naten tong napag usapan di ba?"

"nako anak naman. Alam mo namang mahina ang resistensya mo at madali kang kapitan ng saket"

"Ma naman, nag iingat naman ako. Tsaka ako pa! Malakas ata to!"

"di mo naman kaylangang mag trabaho tsaka mapapangasawa mo naman si Xander eh! Di mo na kaylangan mag ipon kase siya na ang bahala sayo"

Makapag salita tong nanay ko parang si Xander na talaga ang mapapangasawa ko ah! Tss.

"Waaaaaaaah!" sigaw ni Alexa.

"Alexa anyare?!"

"anak, baket?"

Agad namang lumingon samen si Alexa. "Ma, Ate halika kayo dali!"

"ano ba kase yan ha?" tanong ni Mama. Agad naman kameng lumapit sa kanya.

"basahin nyo to! Dali!"

"teka, kukunin ko lang salamin ko" sabe ni Mama. Agad ko namang binasa yung article dun sa internet.

ALEXANDER LEIGHTON TAN THE FUTURE CEO OF TAN'S CORPORATION IS GAY?

"teka, eto na. Pa basa" sabi ni Mama.

Alexander or short for Xander announce that he's gay during his father's birthday. He was suppose to marry Christina Sol the daughter of the famous Benedict Sol the owner of Sol's Real Estate. He admit that he's gay in front of the crowd and he doesn't want to be engaged because he might hurt Christina's feelings because of his preference. 

"teka, ang labo naman ng salamin ko. Alexander Leighton Tan the future Ceo of Tan's Corporation--" malakas na pagkakabasa ni Mama.

*RING RING RING*

"ay, teka. May tumatawag baka Papa nyo na yan" sabay kuha ni Mama ng telepono at sinagot ito.

"huy, Alexa. I close mo na yan! Baliw ka talaga. Gusto mo bang i chismis yan ni Mama yan ha?! Tsaka teka san mo naman nakuha yan ha? Eh, balita ko wala namang nakalat sa internet yang article na yan ha!"

"kase Ate, na mention ko once kay Jason si Kuya Xander tsaka sabe niya saken yung papa daw niya andun mismo sa party nung nangyare yan! Tsaka kinulit ko siya na gusto kong makita yung artocle na yun. Ayun, binigay nya saken. Restricted ang site na to! May passcode para lang daw to sa mga elite people na andun sa party." paliwanag saken ni Alexa. Teka, di pa rin kase nag sisink in yung mga pinag sasabi niya kase naman eh! Totoo pala yung kamuntik na siyang ikasal.

"close mo na bago mabasa ni Mama!"

"okay okay."

"oh, akala ko Papa nyo tumwag yung balae ko pala. Oh, asan na yung binabasa ko tungkol sa manugang ko?" masayang tanong ni Mama.

"wala na po Ma, na close ko na" sabe ni Alexa.

"nako naman! Teka.. Tan's Corporation?! TAN'S CORPORATION?" gulat na gulat na sabe ni Mama. At biglang hinimatay.

"MA!!" sigaw namen ni Alexa. 

"kuha ka ng tubig Alexa bilis!"

Agad ko namang tinulungan na makaupo si Mama at ininom niya yung tubig na binigay ni Alexa. "haiy nako, grabe! Hindi ko kinaya yun! Anaaaaak" maluhaluhang sabe saken ni Mama.

"baket po Ma?" alalang tanong ko sa kanya.

"masaya talaga ko para sayo. Akalain mo nakabingwit ka ng isang mamahaling isda? Anak, wag mo ng pakawalan ha?"

Sabe na nga ba eh! Hinimatay sa sobrang tuwa tong si Mama eh! Nako na lang. "Ma naman eh! Kala naman napano ka na eh!"

"OA Ma! Di ko kineri yun!" Alexa

"che! Gayahin mo tong Ate mo! Napaka swerte! Nako Alex! Hindi ko akalain na ubod ng yaman yang nobyo mo! Nako, maging mabaet ka dun ha!"

"Ma!!"

"anak, alam mo namang para sa inyo rin tong ginagwa ko. Isipin nyo na na binubugaw ko kayo sa mayayaman pero salat tayo sa pera mga anak. Gusto ko lang na maging maganda ang kinabukasan nyo! Ayokong maging katulad kayo saken." haiy nako. Eto na naman si Mama nag hohomily.

"at ayokong maging mahirap ang buhay nyo kaya mag asawa kayo ng mayaman" sabay nameng sabe ni Alexa.

Si Mama naman biglang kumunot yung noo. "teka--"

"Ma, alam na namin yan okay? Naka 100 times mo na yang sabi samen" sabe ko.

"eh, para naman talaga yun sa inyo"

"okay Ma, sige na matulog na tayo. Goodnight" sabay halik ko sa pisngi niya.

"tamaaa. Goodnight Ma! Itulog na yan!" 

Habang nakahiga sa kama di pa rin maalis sa isip ko yung nabasa ko kanina. 

"Ate"

"hmm?"

"sabe ko na nga ba gising ka pa" 

"hmm.."

"Ate, malungkot ka ba?"

"ba't naman ako malulungkot?"

"kase dahil dun. tsaka totoo nga na bakla siya"

Bakla talaga si Xander? Ba't ganun parang ang saket tanggapin. Parang feeling ko nasayang lang lahat ng effort ko. Well, in the first place iniinsist ko naman talaga na hindi siya bakla eh! Pero parang ang saket isipin na ganun nga sya. Kaya siguro ganun siya umasta kay Nathan siguro may relasyon sila?! Haiy. Sa diname dame naman ng pwede kong kaagaw lalake pa! Ano naman ang talo ko kay Nathan di ba?! Aisssh. Ano ba yang naiisip ko!

"Ate"

"hmm?"

"don't give up! Hindi mo pa nga natatapos susuko ka na agad?"

"di ko alam."

"Ate may tanong ako sayo"

"hmm?"

"anong nararamdaman mo kapag nakikita mo sya?"

Anong nararamdaman ko? Sa totoo lang masaya ko kapag kasama ko siya. Yung saya na hindi ko pa nararanasan sa ibang tao. Masaya ko kapag kasama ko sila Mama at Alexa kela Liam, Cindy, Lian, Nathan masaya din ako sa kanila pero kay Xander parang ibang saya ang nararamdaman ko. Pero siguro inpact yun kase nga crush ko siya. Alam nyo na iba ang adrenaline rush kapag kasama ang crush mo! xD

"pag naririnig mo ang tibok ng puso mo kapag andyan siya.. iba na ang ibig sabihin nun.. In love ka na nga. Goodnight Ate"

 "haiy nako, ang saket sa bangs ng mga quiz ni Sir Baraquel ha!" reklamo ni Cindy.

"tama!" sang ayon naman ni Lian.

"tara kain na tayo gutom na ko eh!" aya ko sa kanila.

"Panda Express!!" sigaw nameng tatlo. Trip talaga namen ang pagkain sa Panda eh! Hahaha. Ang saya lang! Lol.

"btw, si cousin pupunta dito" masayang sabe ni Cindy.

Halos dalawang araw ko na rin siyang di nakikita. Ewan ko ba! Para kaseng nasaktan ako sa mga nangyare this past few days. Ay chaka lang noh?! Ewan ko ba ba't ganto ang pakiramdam! Tsk.

"oh, muka atang malungkot ka Alex? Nag away ba kayo?" tanong ni Cindy.

"nag away ang peg! Sabe na kaseng kay Nathan na eh!"

Nginitian ko lang silang dalawa. Mga baliw talaga. 

"ayan na pala sya eh!" masayang sabe ni Cindy. 

*DUBDUBDUBDUB*

Ano ba yan! Baket yung tibok lang ng puso ko yung naririnig ko?! Tsaka ba't parang mas gumwapo sya ngayon?! Tssss.

 "pag naririnig mo ang tibok ng puso mo kapag andyan siya.. iba na ang ibig sabihin nun.. In love ka na nga. Goodnight Ate"

So, eto na ba yun?! 

*DUBDUBDUBDUB*

Arrgh! Siguro nga.. I'm in love.. 

Wait, WHAT?!

--

Operation: TURN A GAY GUY STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon