Chapter 17 -- Wound from the past

101 3 0
                                    

Narrator

Natatawang pumasok si Mikayla sa kwarto niya pagkarinig sa nagwawala niyang pinsan dahil sa play money..

"Hayyy.. Bakit kasi hindi pa ligawan si Thenes?? Torpe naman.." napapangiting sabi ni Mikayla sa sarili niya.

♫ I want you back. you. back. (you back, you back)

Sojunghaetteon neol, saranghaetteon neol

Mollabwasseo mian mianhae

I want you back. yeah. yeah. (you back you back) ♫

Dali-daling sinagot ni Mikayla ang tumatawag sa kanya kahit hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Annyeong..." sagot niya.

[Ahhm.. Hello..] nag-aalangang sagot naman ng nasa kabilang linya.

Nagulat naman si Mikayla ng marinig ang boses na yun sa kabilang linya. Nagtataka rin siya kung bakit ito napatawag sa kanya sa ganitong oras ng gabi.

Ilang segundo ring katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

"Bakit?/[Ano kasi..]" sabay nilang sabi kaya't nagkaroon na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.. Pinakikiramdaman lang nila ang isa't-isa at halos paghinga lang nila nag naririnig sa magkabilang linya.

[Ano..] basag sa katahimikan ng nasa kabilang linya.

"Ano ba yun?" naiinis nang tanong ni Mikayla. Iniisip niya kung bakit ba tumatawag sa kanya ngayon tong taong to at kung ano yung kailangan niya sa kanya.

[Aayain ko na si Rhia bukas para maging Ms. North ko..] mahinang sagot ng nasa kabilang linya na ipinagtaka naman ni Mikayla.

"Oh.. Eh bakit kailangan mo pang tumawag sa'kin at sabihin yan??" naiiritang sabi ni Mikayla sa kausap. Hindi niya makuha ang sense ng pagsasabi sa kanya ng mga ganitong detalye.

[Sinasabi ko lang naman na itutuloy ko yung napag-usapan natin nila Julian eh.. Baka kasi akalain mo na hindi ko gagawin..] sagot niya.

"Bakit naman hindi mo itutuloy?? Akala ko ba gusto mong tulungan ang pinsan ko??" sagot naman ni Mikayla.

[Oo, gusto ko ngang tulungan si Julian kaya itutuloy ko to kahit ano'ng mangyari.] sagot niya.

"Yun naman pala ehh.. Sige ibababa ko na.." sabi ni Mikayla.

[Teka lang..] pigil nung kausap niya. [May sasabihin pa sana ako ehh..]

"Ano ba yun? Sabihin mo na dahil inaantok na 'ko." banas na sabi ni Mikayla. 

[Mikayla..] sa simpleng pagtawag niya ay nakaramdam siya ng panlalamig.. Ganun pa rin ang epekto sa kanya ng pagtawag ng lalaking ito sa pangalan niya. [Gusto sana kitang makausap..]

"Nathan, nag-uusap na tayo ngayon.. Ano pa bang gusto mo? Kung may sasabihin ka, please lang sabihin mo na dahil inaantok na talaga ko.." sabi niya sa naiiritang tono.

[Mikayla.. Please lang.. Mag-usap tayo bukas please? Hintayin kita bukas sa garden malapit sa library after ng uwian.. Please Mikay.. I need to talk to you.] sabi niya.. [Hintayin kita.. Goodnight..] pagkatapos nun ay ibinaba na rin niya ang tawag niya. 

"Bastos talaga.. Hindi pa nga ako nakakapagsalita.." sabi ni Mikayla na nakatitig sa cellphone niya,. "May nalalaman pang 'Hintayin kita bukas sa garden malapit sa library after ng uwian...' Tss.. Manigas siya dun kakaintay. Bahala siya." sabi niya sa sarili niya at saka natulog.

-----------------

Mikayla

Argh. Bwiset. Imbes na makatulog ako ng mahimbing kagabi. Tae, banas talaga.. 

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon