Chapter 5 -- Hell Weeks

115 2 0
                                    

Alam kong matagal akong mag-update.. Kaya wala na masyadong bumabasa.. hahaha! XD

Segway muna si Mikayla dito pero may moment pa rin naman sila Rei at Julian.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mikay

"Sige na.. Ako gagawa ng project mo sa Arts."

Yan ang mapanuksong linya ng magaling kong pinsan kung bakit niya ako napapayag sa kalokohan niyang to. Well, pwede na rin siyang hindi tawaging kalokohan dahil effort nga naman talaga to.. Hahahaha! Hindi pa kasi aminin kay Thenes eh ng matapos na ang lahat! Hahaha! Wala namang rules sa Arts Club na hindi pwedeng magkaroon ng relasyon yung mga members dun diba? Di tula sa'min.

"Te Mikay una na po kami ah?" paalam sa akin nung mga sophomore na tinuruan ko kanina.

"Sige, ingat. Magpahinga kayo." sagot ko naman.

"Okay po."

Hayy.. I'm alone again. In this same room. Dito sa rehearsals room. Eto yung room na napalilibutan ng mga salamin. Pang dance rehearsal kasi to.. And ako ang naka-assign na magturo ngayon para sa upcoming Foundation Day namin. Speaking of that.. Nakoo jusme.. Paabutin pa ni pinsan ng isa pa ulet week para lang dun at para lang makapag-sorry kay Thenes.. hayyy nakoo.. daming arte noh? Pwede naman kasing sabihin ng harap-harapan o di kaya sa chat na lang din.. Kailangan pa talaga ng mga ganitong effort?? Nakoo naman.. Iba ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig na yan?? Hahaha!!

"Alone again huh?"

"Ay palaka!" sigaw ko sa pagkabigla dahil halos mailuwa ko yung baga ko sa gulat. Tss.. The nerve is he doing here?!

"Haha! Ang hilig niyo talaga sa hayop ng pinsan mo noh? Hahaha!!" Tama, kaya nga nahumaling ako sa HAYOP na kagaya mo eh. Paalis na ako pero hinarangan niya yung dadaanan ko. Problema ba talaga neto?!

"Tabi nga!" sigaw ko sa kanya pero ayaw niya gumalaw sa kinatatayuan niya. Para pa siyang batang umiiling-iling. Kadiri! >__<

"Ano bang problema mo ha??!!" tanong ko sa kanya na sobrang inis na inis at intense na talaga ang pagmumukha ko niyan dahil pagod na pagod na ako sa pagtuturo kanina tapos bubwisitin pa niya ako! Lechugas na nilalang talaga itong palakang to!

"Chill lang Miks, hahaha!! May itatanong lang naman ako sa'yo eh. Hahaha!" tawang-tawa niyang sabi.. Yung totoo, nag-joke ba ako para matawa na siya ng ganyan?? Tss.. -______-

"Siguraduhin mo lang na sobrang importante niyan para pumunta ka pa dito at gambalain ang tahimik kong universe dahil kung hindi isasama kita sa mga ida-dissect na palaka bukas ng mga sophomore!" sigaw ko pero tumawa lang siya ng tumawa. Seriously, do I look like a clown??

Nung mejo natatauhan na siya ay tumayo na siya ng maayos sa harap ko at saka nagsalita.

"It's about Julian." sabi niya habang pinipilit pa ring wag tumawa. Palakang to hindi na naman uminom ng gamot niya.

"What about my cousin then?" tanong ko naman sa kanya dahil hindi naman kami nag-uusap ng madalas tungkol sa pinsan ko.. Ay, no. Let me rephrase that.. HINDI NAMAN TALAGA KASI KAMI NAG-UUSAP. Siguraduhin niya lang talagang importante to dahil malilintikan talaga siya sa akin.

"HIs plan... Ahm... bout Rei?" sagot niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Andami pa kasing segway?? Di pa deretsuhin, paunti-unti.

"Don't you think na parang masyado naman atang effort yung gagawin niya??" tanong niya kaya naman lalo ko lang naitaas ang kilay ko sa  kanya. Masyadong ma-effort?? Hah! Buti nga yung pinsan ko marunong mag-effort ehh, di tulad mo.

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon