Chapter 16 -- Something fake

74 4 2
                                    

NOTE : More on Janina at Grey moments po ang nilalaman ng chapter na ito pero hindi ko sinasabing sweet moments yun.. Haha.. :))

Wala pa akong maisip na couple name nila eh.. Hahaha! XD Enjoy.. :D

============================================================

Narrator

Ipinatawag ngayon ang members ng AC at nag-meeting sa AC Room.

"Ok.. Ganito ang mangyayari.. Magkakaroon tayo ulit ng auditions para sa mga gustong sumali sa AC.. Since may mga gagraduate na tayong members, kailangan na nating mag-train ng mas maaga para hindi na nangangapa sa next school year.. " paliwanag ng kanilang adviser.

"Grabe ma'am para niyo naman kaming pinapalayas niya.. Sakit sa heart.." madramang sabi ni Jake.

"Hindi naman sa ganon anak.. Ayoko lang na alam niyo yun, saka lang magrerecruit ng bago pagka naka-graduate na kayo.."

"Awwww..."

"Saka diba, para ma-experience naman nilang makasama kayo diba?? Mga nagagwapuhan at naggagandahang 5th year ng AC." sabi ulit ng adivser kaya't nagkantsawan ang mga magkakamiyembro.

Maya-maya pa ay inexplain na ng mas mabuti ng kanilang adivser ang criteria sa pagpili ng mga bagong members ng AC. Open ito from 1st-4th year lang.

Dinismiss din naman agad ang sandaliang meeting ng AC at nagsibalikan na sa mga klase nila ang mga members.

"Psst.. " sutsut ni Julian kay Athena kahit sabay lang silang naglalakad ni Athena pabalik sa room nila.

"Bakit? Yung 500 mo?? Asa you!" sagot ni Athena.

"Hahaha!! Hindi ka pa rin natatauhan hanggang ngayon??" natatawang tanong ni Julian kay Athena.

"Natatauhan?? Sinasabi mo jan??" naaasar na tanong ni Athena. "Kung alam ko lang Julian wala kang balak bayaran ang 1k ko.. Wag kang mag-alala, may listahan ako.. Idadagdag ko na lang sa mga utang  mo!"

"Hahaha!! Oo na! Bahala ka na!! hahahaha!!" tawa pa rin ni Julian. "Hindi naman yun yung gusto kong itanong eh.."

"Ano ba yun?" tanong ni Athena.

"Hindi pa rin kayo bati  ni Fiona noh??" tanong ni Julian kaya't nginitian na lang niya ng malungkot si Julian.

---------------

Rei

Nakakapanibago...

Kanina kasi sa AC room nung pinatawag kaming lahat para sa mini-meeting namin, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Fiona. Pati sila Shawn at Gio ganun din. Si Julian lang halos ang kimukulit nila kaya ayun, para akong manikin dun sa tabi na hindi nila pinapansin. Si ate Shasha lang halos ang pumapansin sa akin.. Hayy.. namimiss ko nang kakulitan yung mga yun.

"Hoy!" napalingon naman ako with poker face sa tumawag sa akin.

"Bakit??" tanong ko kay Kenji.

"Tsk, tsk... May nangyayari palang hindi ko alam ah.. Tsk.." sabi niya. Hindi ko alam kung ano talaga yung tinutukoy niya. Kung yung tugnkol kay ate Mikay at Nathan o yung kay Jan.

"Ano yun??" tanong ko sa kanya. Nandito kaming dalawa sa caf  ngayon. Break namin eh. Di ko alam kung saan nagpunta yung iba. Pagtapos kasi nung meeting kanina eh nandito pala ang Aurum at pinag-break dahil walang teacher. Ang gara noh??

"Grabe late na 'ko sa balita tungkol kay ate MIkay saka kay Nathan.. May past pala sila?? Di niyo sinasabi sa akin." sabi niya saka nag-sad face.

"Sira. Alam mo bang kahapon lang din namin nalaman??" sabi ko naman sa kanya.

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon