Chapter 19 -- Her used-to-be Prince

54 2 2
                                    


~

Jan

I woke up early para hindi ako masundo ni Darwin. I was already on my way outside our house nang may makita akong unwanted sight.

"Ba't andito to?" naibulong ko na lang sa sarili ko nung makita ko yung kotse niya sa harap ng bahay namin.

Nilibot ko pa ang paningin ko and to my surprise, I saw him with my father at mukhang masayang-masaya silang nag-uusap. After a while, they also noticed me. Buti naman. Nakakainis.

Kung wala lang sanang training sila Grey ngayon nagpasundo na ko sa kanya eh.

Lumapit na si papa at yung bwiset sa akin na parehas nakangiti. Badtrip.

"Kate, ano'ng oras na? You should've woke up earlier para hindi nag-antay ng matagal si Darwin." sabi sa akin ni papa.

Aba't sino bang nagsabi sa kanya na mag-antay siya?! And first of all, sino bang nagsabi sa kanya na sunduin ako?

"It's ok tito." sabi nung bwiset, "After all, she's worth waiting." dagdag niya pang ikinandiri ng buong sistema ko.

Kung wala lang si papa dito eh baka winolkoutan ko na tong lalaking to.

Nakita ko naman ding natawa pa silang dalawa dahil sa sinabi ni Darwin.

Ano'ng nakakatawa dun?! NAKAKASUKA KAYA!

"Ok, sige sige." nakatawa pang sabi ni papa saka bumaling sa'kin. "But you, young lady should know how to be on time huh?" sabi ni papa but then because I'm such a bad, bad daughter, I just rolled my eyes on his demand.

Mejo naging awkward ang atmosphere dahil sa ginawa ko. I don't care.

After a while, nagpaalam na rin si Darwin kay papa na ihahatid niya ko.

Wala naman akong iba pang magagawa kundi sumama and I make it sure to make it very obvious na napipilitan lang ako.

Nauna akong sumakay sa kotse niya at pumwesto sa kabilang dulo.  Sumunod naman siya agad saka pinaandar ni manong driver tong kotse niya.

"Bye po tito!" masiglang paalam pa netong bwiset kay papa then papa said his goodbye too.

Nung makalagpas na kami sa gate, siya naman ding pagkawala ng japeyks na ngiti nitong bwiset na to.

Binuksan ko ang bintana kahit pa naka-aircom dito sa kotse.

"Mahina pa ba yung aircon at kailangan mo pang buksan yang bintana?" tanong niya.

"Malamig naman. Kaya lang nakakasuffocate kasi ang makasama ka kaya kailangan kong buksan tong bintana para makalanghap ng fresh air. Yun bang hangin na malinis." mataray kong sagot.

"Fine. Your choice. Spoiled brat." sabi niya pinikit ang mga mata niya.

Kinuha ko naman yung cellphone ko at agad itinext si Grey.

Send to: Grey R.S.

| Lunyetang training yan! Edi sana hindi ko kasama 'tong demonyo na 'to!|

Send

Dapat pala ALL CAPS para damang-dama ni Grey yung pagkainis ko. Pero bago pa ko lamunin ng inis ko dito sa lalaking to, may naalala ako.

"Diba may training kayo ngayon?" tanong ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Concerned about my shedule, babe ?" ikinatayo naman ng balahibo ko ang pagtawag niya sa'kin ng babe. Like ew. I should've just kept my mouth shut.

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon