Chapter 7 -- Foundation Day (Day 1&2)

98 1 1
                                    

Chapter 7 – Foundation Day (Day 1&2: Heating things up)

Rei

Sandamakmak na booths ang makikita dito sa school ngayon at iba’t-ibang uniforms din ang makikita mo.

“Pwede bang stop muna ang flirt flirt?? Duh?? Baka akalain ng ibang school na ganyan ang tinuturo dito satin eh.. Asar.” Sabi ni Jan sa tabi ko. She’s referring to that linta girl and dun sa butiki.

The moment na sinasabi yun ni Jan ay nandito kami sa loob ng room at inaasikaso ang mga customers namin dahil ang booth namin ay  coffee shop booth with a twist.

Mag-oorder ang customer ng kung anumang gusto niya galing sa menu naming na puro kape naman. Then bago iserve sa’yo kailangan mo munang bumunot ng number sa fish bowl para i-play yung kantang nabunot mo. Kailangan mong mahulaan yung kanta para yung inorder mo mismo ang makukuha mo and may libre pang picture sa aming pinakamagandang estudyante sa school na si Deseree. Like I said she’s the reigning Ms. North kaya famous rin siya sa ibang school.

Pag hindi mo naman nahulaan, patay ka. De joke. Hindi mo makukuha yung inorder mo kundi ibang putahe. It’s either yung spicy naming bicol express na kailangan mong maubos within one miute, isang maliit na platito lang naman yun pero sobrang anghang talaga, yung isang customer nga dito kanina kinailangan pa ng limang basong tubig para lang mawala yung anghang niya eh! Hahaha! Or di kaya yung aming bittersweet na ampalaya salad. Hahaha! At kami ang in-charge dun ni Jan. Sobrang daming ampalaya ang nakalagay sa salad pero may konti rin namang asukal, which is I guess walang epekto! Haha! Oh, and did I mention? May kasama ring libreng kiss at hug kay Miko! Hahaha!

Pero kung ayaw mo sa lahat ng yun, you shall pay twice sa original price nung inorder mo. Smart right? Hahaha! Kaya hinding-hindi kami malulugi eh!

“Uy fafa! Wag pa you alis! May kiss and hug ka pa sa akin! Hoy!!” sigaw ni Miko habang nakangusong hinahabol yung isang guy papalabas ng room! Hahaha! Natakot ata.

“Baka akalain ng ibang students horror booth to dahil kay Miko ah! Hahaha!” sabi k okay Jan na mejo na-aattach na ata dun sa ginagawa niyang ampalaya salad.

“Hoy, ampalayabells??” tanong ko dahil hindi niya na ako kinikibo.

“Kailan ba kasi nagpapasok sa school na to ng isang linta?!” Sabi niya na mejo inis na.

Tinignan ko naman yung tinutukoy niyang linta.

Laking gulat ko na lang na hindi na si Julian ang kasama niya kundi si Grey na. Whoa, this girl really is..

“Tingin mob a pagiging friendly pa yan?? Tss.. She’s flirting with every guy here.” Singit naman ni Des sa amin na katatapos lang ng picture sa isang customer.

”Pati ikaw?? Hahahaha!! She’s gaining more enemies than friends I guess?? Hahaha!” sabi ko naman ng natatawa dahil feeling ko, she might experience hell in here.

“Eh kasi naman eh.. Nakakainis. Nung isang araw dapat lalabas kami ni Kenji, kaso sabi niya next time na lang daw dahil dumating daw yung friend niyang si Rhia. Kasama din daw niya sila Grey, Julian at Nathan nun eh..” pag-eexplain niya. I remember that day. The first time na nakita ko siya at dun na rin nagsimulang kumulo ang dugo ko sa kanya with no valid reason.

“Si Grey din.” Sabi ni Jan habang tinatanggal na yung apron niya dahil magte-take turns na kami sa gawain.

“May  lakad din kayo nun?” tanong ko naman sa kanya while we’re heading our way sa restroom. SI Des ang kasama naming ngayon dahil si ate Mikay ay may ibang inaasikaso.

“Kagabi kasi magkatext kami..” sabi ni Jan nung nasa cr na kami.

“Tapos ayun marami na kaming pinag-uusapan then ganyan, random ba.. Tapos nag-iintay ako ng reply niya. Chineck ko nga ulit yung cp ko nun para tignan kasi baka hindi ko nasend yung text ko, pero nung tinignan ko nasend ko naman.” Sabi ni Jan na may naghahalong inis at tampo dun sa boses niya. You see, Jan has a little crush on Grey. And eto namang si Grey, ewan ko ba.. Subukan niya lang i-take advantage tong si Jan makikita niya.

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon