Chapter 3 -- Revenge

128 1 0
                                    

Rei

Haiiist.. Pagod mats na naman ang training naming.. -_____-

Pabalik ako ngayon ng AC Room para kunin yung mga gamit ko. Lalo na yung sketchpad ko noh! Tsk!

Hindi na nga ako nag-shower at pinauna na sila ate at Jan ehh.. Si Jan sinundo ni Manong Jeff si ate naman ayun inantay daw nung butiki. Himala ah? Bumabait?

Pagpasok ko sa AC Room wala ng tao, alangan?? Pero mejo makalat pa.. Gulay talaga tong mga lalaking to. Lalo na tong si Nathan na hindi man lang inayos yung ginamit niyang pantaklob kanina. Hay naku.. Paano ba sila nagging mag-bestfriend nung butiking yun eh napakalayo kaya ng ugali nila?! Grabe.. mag-aayos muna ako bago umuwi, total wala namang susundo sa akin dahil malapit lang naman ang bahay dito sa school eh. Saka who cares naman kung late akong umuwi?? Wala rin namang ibang tao sa bahay kundi si Nanay Rose eh.. Yung kasambahay naman ever since the world begun for me.

Ang kalat naman.

Narrator

Hindi alam ni Athena na habang nag-aayos siya ng mga kalat sa AC Room ay may butiki, e-este lalaking nagmamasid sa kanya – si Julian. Plano nito ang kanyang ‘revenge’ kay Athena.

Sexy rin pala ‘tong baboy na ‘to?’ nasabi na lang ni Julian sa isip niya. Sexing baboy ano? Anggulo -___-

Nakita na ni Julian na papalabas si Athena sa kwarto kaya’t napangisi na lang ito ng nakakaloko dahil maisasakatuparan na niya ang kanyang paghihiganti – kanyang pagpapainit ( XD ).

“Ay butiki!”  halos lumabas ang puso ni Athena sa lalamunan niya nung biglang sumulpot ang lalaking si Julian sa harapan niya pagkabukas niya ng pintuan.

Tinanong rin niya ito kung bakit pa siya nandito dahil ang alam niya eh inaantay niya si Mikayla sa labas. Ang hindi alam ng dalaga ay may pinaplano na sa kanya ang pilyong binatilyo.

Ngumisi muna ang binata at unti-unting lumapit sa dalaga. Hanggang sa mapasandal si Athena sa naka-lock ng pintuan ng AC Room.

Shet! Dapat hindi ko muna ni-lock para mahulog tong gagong to dito! Ano ba na naman kasi ang trip neto?!’ sabi nalang ni Athena sa isip niya.

‘Alam mo bang sobra akong nilamig kanina, ha Armie?!’ tanong ni Julian sa kanya kaya mejo natakot ito. Pagod na si Athena para gumawa pa ng kung anong bagay para makalayo sa may sa-pak na namang butiking to.

‘Kaya ngayon, gusto ko munang magpalamig’ dagdag pa ng binata at tuluyang isinandal ang likod ni Athena sa pintuan ng AC room kaya naman nabitawan ni Athena ang mga bagaheng hawak-hawak niya.

Unti-unti pang inilapit ni Julian ang mukha niya kay Athena. Si Athena naman ay pilit na pinipihit pabukas ang doorknob pero waepek, ni-lock niya na eh.

Sobrang lapit na ng mga mukha nila sa isa’t-isa na halos magkaamuyan na sila ng hininga. Sobrang bilis at lakas na ng kabog ng dibdib ni Athena dahil sa… kaba?

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at inantay na lamang ang mga susunod na pangyayari. Dahil…

alam ni Athena ang mga susunod na mangyayari sa mga ganitong eksena sa mga kwento sa wattpad, sa mga teleserye, sa mga pelikula at kung saan man.

Maglalapat ang labi nila……

At hinihintay niya…

Oo…

Hinihintay ni Athena na mangyari yun….

 Hinihintay ni Athena ang ganoong eksena..

Hinihintay niya . . . . . . . . ? ? ? ?

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon