Chapter 21 -- Messed up

67 0 0
                                    

~

 

3rd Person

 

 

Magkakasama ngayon sila Mikayla, Janina at Athena sa garden.

Naikuwento na ni Janina sa dalawa ang ginawa sa kanya kanina ni Darwin kaya naman nag-aapoy sa galit ngayon si Athena.

“Pag ako talaga nagkaroon ng chance. Pagsasabayin ko na silang dalawa ng impaktang ‘yun! Hayy nako!” sigaw niya sag alit habang iniyuyukom ang kanyang mga kamao.

“Good idea Thenes.” kumento ni Mikayla, “Besides, magpinsan naman sila eh.” ikinagulat naman ng dalawa ang sinabing iyon ni Mikayla at ilang segundo rin silang nakanganga sa gulat.

Bago pa man makapag-react o makapagtanong ang dalawa ay nagulat na naman sila sa kasunod na sinabi ni Mikayla.

“Pati si Kalvin.”

 “WHAT?!?!” di napigilang sigaw sa gulat ng dalawa. Ilang segundo rin ang lumipas habang pinoproseso nila ang mga sinabi ni Mikayla.

“Pa’no? I mean… Pa’no nangyari ‘yun?” takang-takang tanong ni Athena kay Mikayla.

“They’re actually just second cousins kasi magpipinsan lang naman ang parents nila. Basta, mejo mahirap ding i-explain.” sagot ni Mikayla.

Napatango-tango na lang si Janina pero nakatulala naman si Athena na pilit iniintindi ang mga sinabi ni Mikayla sa kanila.

“That makes sense… Kay Darwin at saka kay Rhia. Parehas impakta at impakto ang mga pag-uugali.” inis na kumento ni Janina.

“Pero si Kalvin…” nanlulumong sabi ni Athena.

“That’s why I wanted to talk to you guys.” sabi ni Mikayla kaya naman napunta na sa kanya ulit ang atensiyon ng dalawa. “Lalo ka na Thenes.”

“Bakit?”

“You need to stay away from Kalvin simula ngayon.” mariing sabi ni Mikayla at hinawakan ang kamay ni Athena. Kumunot ang noo ni Athena sa sinabing iyon ni Mikayla.

“Gaya ng sabi ko kanina mahirap i-explain ang sitwasyon. Just please trust me on this.”

Malungkot namang tumango si Athena sa sinabing iyon ni Mikayla.

“Pero parang hindi naman siya kaugali nung mga hinayupak niyang pinsan eh… “ sabi ni Athena na nanlulumo pa ‘rin.

“Tss.. Eh si Darwin nga akala ko kung sino’ng anghel noon. Oh tignan mo ngayon. Demonyo! Tsk!” sabi ni Janina kay Athena.

“Sa bagay…” malungkot na pagsang-ayon ni Athena sa kanyang bestfriend.

“All you need is stay away from him. Wag ka nang makipagkaibigan sa kanya. And that fishball thing? Wag mo na ‘ring patulan. ” dagdag ni Mikayla. Kaya kahit naguguluhan, tumango-tango na lang din si Athena dahil may tiwala naman siya kay Mikay.

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon