Chapter 23 - What is bound to happen?

51 1 1
                                    

3rd Person

Robins' Residences

-

"WHAT, PA?!" gulat na gulat na tanong ni Rhia sa papa niya na bahagya ring nabigla sa reaksiyon ng kanyang anak.

"Why? What's with the reaction?" tanong ng papa niya sa kanya, "I'm pretty sure that the Quillejos and Dramicos managed to get out the school before the timer stroke zero so no worries sweetie."

Hindi pa rin makapaniwala si Rhia sa mga sinasabi ng kanyang papa at napaupo na lang sa may couch nila.

"But pa, ano bang reason kung bakit mo ginawa yun? I mean, you could've just ordered to attack their residences and not the school?" sambit ni Rhia. "Andaming madadamay dun pa na wala namang kinalaman sa gulo na 'to."

"So you're suddenly concerned about those people?"

"No, pa." mabilis niyang sagot. "But if I really want to destroy them I'll make sure of it. Gaya nga ng sabi mo kanina there's a big chance thay they got out the right time so if you already knew that, why did you even bother to destroy North? I don't understand you, Papa."

"Anak, don't worry okay? I know what I'm doing." sabi ni Mr. Robins sa anak niya. "Yaya, pakibuksan mo nga yang tv." utos niya sa yaya nila.

"Yes po, sir."

Nakita naman ni Mr. Robins na hindi pa rin mapalagay ang anak niya kaya't muli siyang nagsalita.

"Stop worrying now, sweetheart. I have a plan okay? Trust me. Everything will go according to my plan." paninigurado ni Mr. Robins. "Nobody can hurt any Robins without paying."

"Flash Report. Kapapasok lamang pong balita, pinasabog po ng mga di pa nakikilang suspects ang tanyag na eskwelahan na North High Academy. Hindi pa po malinaw ang motibo at kung sino ang maaaring may gawa ng pagpapasabog ngunit sinabi naman ng pulisya ang agaran nilang pag-iimbestiga sa nasabing pagpapasabog. Wala namang naitalang namatay o sugatan sa nangyari dahil maagang nakalabas ang mga estudyante, kaguruan at iba pang mga tao sa loob ng eskwelahan bago sumabog ang mga bomba ngunit halos wala nang mapakikinabangan pa sa naturang eskwelahan."

Ipinakikita rin sa background ang mga video ng North High pagtapos itong mapasabog. Naroon din ang mga estudyante na tila hindi makapaniwala sa sinapit ng kanilang paaralan. Makikita na ang iba ay nagyayakapan pa at umiiyak.

Wala masyadong pakialam si Mr. Robins sa mga naririnig at nakikita niya sa tv, tila normal lang para sa kanya ang mga pangyayaring ito samantalang si Rhia ay napabuntunghininga na lamang sa ginawa ng kanyang papa.

"You should have just spare the school and the innocent people there papa." 

"You heard the news right? Wala naman daw namatay o nasugatan man lang hindi ba? Mukhang sobrang agang nakarating ng balita sa mga Dramico at nakapaghanda nga sila eh kaya ano pang ikinaiinis mo ha?" naiiritang sabi ni Mr. Robins sa anak, "At saka isa pa, hindi ba't dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin dahil ginagawa ko ito? Anak, ipinagtatanggol lang kita. Ginagawa ko ito dahil inagrabyado ka. Niloko ka nila hindi ba? Pasimuno na naman yang dati mong bestfriend na si Mikayla. Pinaligawan ka kay Nathan para hindi matuloy yung kasal niyo ni Julian? Ha! Matalino talagang bata. Pero kulang pa rin para maisahan ako, tayong lahat. Anak, I'm doing this for you so why not be thankful instead, huh?"

Walang kibo si Rhia sa mga sinasabi ng kanyang papa. Tama naman ang kanyang papa na kahit papaano ay naagrabyado at naloko nga siya nila Mikayla pero hindi naman niya inaasahan na maaari palang idamay ng kanyang papa ang buong school sa gagawin niya. 

"At saka anak, it's also for our business." dagdag ni Mr. Robins. "Kung ayaw magpakasal sa'yo ni Julian, then there will be a very little chance for us to be partners and share their wealth. It's for your future too. Mas magigi-- "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Sadista at ang Masokista (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon