EDWARD's POV
Umamin na pala si Ejay.
Haysss. Buti pa siya.
Samantalang ako?
Tatlong taon ko nang kinikimkim tong pagmamahal ko.
Para kay...
Cathy.
Oo sa kanya. Ang babaeng napakaingay.
Hindi siya nauubusan ng sasabihin.
Pero kahit ganon yong babaeng yon, mahal ko yon.
KRINGGGGG....
Ringtone ni Cathy yun ah?
Oo, pati ringtone niya, alam ko.
Cathy: Hello? Daniel? Okay lang. Ah sige.
Shitttt. Kinilig pa siya. -_-
Cathy: Oy guys wait lang ha. Online daw si Papa Daniel ko eh.
Papa Daniel? Ewww. Hindi ba pwedeng Papa Edward?
Jay: Hoy lalakeng torpe, kapag hindi ka pa umamin, bahal ka. Mauunahan ka nung Daniel na yon.
Nagtataka ba kayo kung sino si Daniel?
Siya lang naman yung manliligaw ni Cathy.
-_-
Nabigla nga ako nung sinabi sa amin yon ni Cathy. Biglaan kasi.
Biglaan? Weh? Selos lang ako.
OO NA. AKO NA ANG SELOS!
Calila: Sige, umupo ka lang diyan. Habang yung mahal mo, inaagaw na ng iba.
Edward: Oo na. Eto na.
Grabe talaga tong mga kabarkada ko. Pero yan ang gusto ko sa kanila, lahat kami nagtutulungan. Kapag problema ng isa, problema na ng lahat.
Astig noh?
Inhale. Exhale.
Kaya mo to Edward! Fighting!
Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Halatang nagulat si Cathy.
CATHY's POV
Thanks Author! Nagkapov din. HAHAHA.
Cathy Gracia nga pala. Hindi na ako magpapakilala pa ng mahaba. Basta, mahal ko si Edward.
Oo, three years ko na siyang mahal.
Torpe nga lang. Ayaw pang umamin. Hindi ko naman siya irereject.
Scroll. Scroll. Scroll.
Nandito ako ngayon sa harap ng Lappie ko.
Kachat ko din pala si Kuya Daniel. Pinsan ko.
Oo, pinsan ko siya. Pinagseselos ko lang si Edward.
At mukhang epektibo.
Cathy: Oh, ba't ka nandito?
Edward: Wa-Wala. Masama ba?
Cathy: Oo. Masama. Dun ka na. Kachat ko si Papa Daniel ih.
Selos siya.
Edward: Tsk. Ano bang nagustuhan mo sa Daniel na yon?
Cathy: Nagustuhan ko sa kanya? Hmm. Mabait di tulad mo. Masipag di tulad mo. Hindi siya mayabang. Magaling kumanta. Pogi. Ahhh. Lahat ng meron siya ay gusto ko. HE's PERFECT!
Edward: Oo na. Tama na.
Cathy: Shupi na. Alis na. Magchachat pa kami.
Bigla niyang sinara yung lappie ko. Eto na. Aamin na siya.
Edward: (sigh) Tanda mo ba nun Cathy? Nung first year pa lang tayo? Nung natapakan mo yung sapatos ko. At ikaw pa ang may gangan magalit?
Oo tandang tanda ko yon. Don ako nainlove sayo eh.
Edward: Hindi ko alam pero, simula non, gustong gusto na kitang makilala. Swerte ko naman kasi pinasok ka ni Honey sa barkada. Mas lalao kitang nakilala. At mas lalo akong napamahal sayo.
Cathy: Napamahal?
Edward: Oo, Cathy. Mahal kita. MAHAL NA MAHAL. Simula pa nung first year. masyado lang akong naging torpe.
Niyakap ko siya. Napaiyak ako.
Cathy: Ikaw talga. Torpe torpe mo. Mahal din kita. MAHAL NA MAHL DIN KITA. Hinhintay lang naman kitang umamin. Saka, ung Daniel? Pinsan ko yon. Pinagseselos lang kita.
Edward: Talaga? Gumana naman. So, tayo na?
Cathy: Agad agad? Ligawan mo muna ako.
Edward: Sige na nga. :DDD
Ang saya ko.
Tropa: YEHEEYYY!
Ayyyy palaka! Nagulat kaming pareho ni Edward.
At napatawa rin.
Feeling ko, dito na magsisimulang mabuo ang mga loveteams ng tropa. ^__^
AN: Feel free to comment :D
BINABASA MO ANG
My Boyish Love
RomansaHindi ko pa naeexperience mainlove. Hindi ko nga alam ang meaning ng love eh. Pero noong dumating siya. Nagbago ang lahat. Sa unang pagkakataon, naexperience ko ang saya at sakit ng pagmamahal.