Realization

492 5 0
                                    

I woke-up the next day na sobrang gaan ng feeling. Yung kung may lumuwag sa puso mo. I cant say that I finally over him .Iba lang talaga yung tanggap ko na hanggang dito lang kami.

The first step of moving on is acceptance. Matagal din ako naging in denial. Pero ngayon tanggap ko na ang katotohanang wala na talaga.

Pagkagising ko wala na akong kasama.Kaya naisipan kung bumaba upang makakain na.

The trip back to Manila is so peaceful siguro kasi pagod kaming lahat.

"What are your plans?" tanong sakin ni Sarah.

"I decided to go to spain. Since si mommy at Tito ay sobrang kulit na papuntahin ako roon.And from there let us see what will happen"

"Alam ba ni Tita ang nangyari sa inyu ni Johan?" tanong ni Vienna.

"Apparently yes, I cant lie to mom, She's hurt too. Alam niyo naman gano ka gusto ni mom si Johan for me.And ofcourse Tito is dissapppointed at Johan. Mom has been calling me countless times to ensure Im alright and has been nagging me to go to spain." Sagot ko sa kanila.

"Eh paano ang studies mo?Hindi mo tatapusin?Ilang subject nalang ba ang kulang mo Cass?"

"Actually internship nalang yung kulang for the last semester natin. I'll try to ask Tito if pwede bang sa spain nalang ako mag-apply for our internship"

"Buti kapa cass, kami ni Sarah and Vienna may isang subject pa tska internship din". Jenessa

"Sabay na tayong pumunta ng school para makuha na natin ang sched at ang request and authority for intership natin?What do you think girls?tomorrow at 9am?"suggestion ko naman at agad naman din nilang sinang-ayunan.

"Cass, nasa cafe kana?- Vienna."My phone beep while I was ordering at Theresa Cafe.

" two americano and two cinnamon please—- oh I mean, one order lang pala."  May mga bagay talaga na ang hirap bagohin kasi nakasanayan mo na. I used to order for two habang hinintay si Johan na matapos ang kanyang last subject.Ayoko kasing maghintay sa kanya sa canteen kasi sobrang daming tao.This place used to be our tagpuan place.

Napangiti ako ng mapait sa aking na-alala. Hindi ako makapaniwala na yung memories namin na pinakahalagahan ko ay yun pala yung magdudulot sakin ng sakit. Masakit parin ng sobra.Hindi naman nawawala yung sakit pero alam ko na sa sarili ko na my life must go on this time without him.

While drinking my coffee, i just realized na hindi ko pala kayang bitawan yung mga bagay na nakasanayan ko ng gawin kasama siya.Kasi naging parte narin kasi ito ng pagkatao ko.

MalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon