TO DO 1 - 1st love (T.T)

302 10 2
                                    

CHAPTER 1- TO DO 1 - 1st love (T.T)

Nica's Point of View:


"Anak, gising na. Tanghali ka na. Late ka na naman nyan sa trabaho mo."


Yan ang alarm clock ko tuwing umaga. Dati, cellphone ko lang gamit ko, kaso habang tumatagal, hindi na umuubra sakin na panggising. Palibhasa, lagi nalang akong puyat.

Bakit? Ansarap kaya manuod ng koreanovelas. DVD marathon everynight. Hahaha... XD

Ako nga pala si Veronica, pero mas tinatawag nila ako sa pangalang Nica, syempre para maikli, diba? Nagtatrabaho na ako, oo, pero nag-aaral pa naman ako. Working student ako. Pero assistant lang naman ako ng Tita ko sa sa office nya.

Pagtingin ko sa relo ko, nakita kong quarter to 7 na at advance ang relo ko ng 20mins. sa oras sa office namin kaya nanatili parin akong nakahiga. Nagiisip ng mga dapat gawin sa araw na ito sa office.

Filing ng documents? Nakakatamad!

Follow up sa client? My gassss, mas nakakatamad!!!

Facebook? Wow, ansipag ko dyan!!! AHhahaha..

Next week, pasukan na naman. 3rd year college na ako this coming semester at tinatamad na akong magtuloy ng pag-aaral.

PERO!!! HINDI PWEDE!

WHaaaaa!!!


Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng computer table ko sa kwarto. Tiningnan ko kung may text message mula sakanya. Sinong sakanya? Basta!

"Good morning bunso kong mahal."

(-_-)

(o_-)

(o_o) 

Kuya ko? Pweeeee!!! hindi po.

Okay, okay, sabi ko nga nananaginip pa ako.. NANG GISING!!! Ou, tuwing umaga ko nalang napapanaginipan ang bagay na yun. Na kesyo tinetext pa nya ako, na kesyo lagi parin nya akong tinatawag na mahal. At lagi parin nya akong tinatawag sa endearment naming "Kuya at Bunsoooo... Haaaaissst..

Laglag ang balikat na bumangon na ako sa aking higaan. Naghanda nang maligo at kumain para makapasok na sa trabaho ko.

Naalala ko nanaman ang mga pangyayari nung 


Nung 1st year palang ako, nagkaboyfriend na ako. 2nd Semester na yun. Kaklase ko, ang pangalan nya Bryan. Sya yung Kuya ko. Hindi din kami nagtagal mga 9months lang kami. Dahil sa kadahilanang NILOKO NYA LANG AKO. Hindi ko alam na nagkikita parin pala sila ng ex girlfriend nya na sya ring first love nya.

By the way, he's my first love as far as I remember, sya nga yata yung perslab kuh.  (T.T)

Grabeng saklap ng aking unang pag-ibig.

Niloko?

Ginamit?

Yan ang naging peg ko sa buhay nya.

Nakakadala. Yun bang tipong sa ganung dahilang kami matatapos? Ansakit. Legal pa naman kami sa pamilya ng isa't isa. Kaya nakakadala na talaga.


Sya ang nakipagbreak sakin. Hindi ko na matandaan kung anung sinabi nyang dahilan. Basta mahirap sa aking tanggapin ang lahat eh. Pero wala na akong magagawa kailangan ko ng tanggapin ang lahat.

Ang isa pang mahirap nito, kaklase ko si Bryan, nabanggit ko naman kanina diba?

Classmate kami, kaya mas madalas ang aming pagkikita at sobrang hirap nun sa sitwasyon ko.

Tapos ang isa pang masakit nito ay...

GIRLFRIEND NYA NGAYON AY KAKLASE DIN NAMIN...

Hindi lang yun!!!

KAIBIGAN KO PA!!! whaaaaaaaaaaa...

Haaaist...

Makapasok na nga. Baka malate ako nito. Madami pa akong gagawin.

Umalis na nga ako ng bahay at nagderetso na sa office ng Tita ko. Malapit lang sa school. Kaya pag pasukan na. Malapit lang pag papasok  na ako.

At natapos na nga ang araw na yun at lumipas ang buong linggo at pasukan na...

-END OF CHAPTER 1-

A/N: Ito nanaman po ako, nakapgsimula nanaman ako ng isang kwento. Matapos ko kaya ito? Sana! Bigyan nyo naman kasi ako ng inspirasyon. Hahahaha...

TO DO, OR NOT TO DO- What should I do?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon