A/N: Here's another update.. Hahahaha.. Sinisipag ako eh.. hahaha... Meron na kasing matatapos sa chapter na ito ATA or sa next next chapter... Ahahaha.. Basta... May nagsabi kasi sakin na nakakainip na daw si Bryan.. AHAHAHA.. Sabi ko nga, diba??? Excited sya kay ano noh??? Wa pa akong name para sakanya.. Ahahaha... hmmmm.. hahahaha...
Okay. here's the updateeeee na!!! :)))))
CHAPTER 9: TO DO 6: SAMSON our song... (T.T)
VERONICA'S POINT OF VIEW
Pauwi na kami, haaaist.. Napagod naman ako sa pag-iisip..
Hindi sa exam, kundi sa pag-iisip kay...
Oo, tama kayo!!! Syempre kay Bryan! Bwisit na utak ito oh!!! Liit ng capacity, hindi na magkasya yung mga lessons namin kanina kasi hanggang sa size lang ni Bryan ang kasya. Saktuhan laang.. ahahaha...
Naglalakad na kami pauwe ng makita ko sina Karen at Bryan, naglalakad dun sa kabilang side ng kalsada, malayo sila samin, pero sigurado akong sila yun. Magkahawak kamay, nagtatawanan habang naglalakad... Haaaaist...
Sige na... Alam ko, alam ko.. Tama na nga diba? Suko na talaga ako... Haaaaist..
Sana mawala nalang talaga itong nararamdaman ko sakanya. Sana magka-amnesia nalang ako, at sya lang ang pipiliin kong kalimutan. Sya lang talaga.. Uwhaaaaaa...
Hinatid na ako ng mga kabarkada ko sa paradahan namin. Ayoko pang umuwe, pero kailangan na. Wala na akong kasama eh, marape pa ako dito., Lalo na mayayare.. Uwhaaaaaa..
Pagdating ko sa bahay, kumain lang ako and then dumeretso na ako sa kwarto..
Nagpplay back nanaman sakin yung mga pangyayare, nung masaya kami.
*flashback*
September 2, 20**... Birthday ko, 18th birthday!!! Actually bukas pa, kaso, Sunday bukas, hindi makakapag-inuman to the max kung bukas ako papainum eh, kaya ngayong Saturday, may bisita na agad ako. Wala akong paparty, hindi carry nina Mama at Papa ang gastos eh, tsaka ayaw ko din kasi nga magastos at kapagod pa yun para kina mama at papa.. hehehe.. tamang kainan at inuman nalang.
Samin tutulog sina Belle, Joy at ka MU nyang classmate namin si , Ela at Bf nyang (that time) si Argel, si Mommy Jean at Bf nyang (that time) si Daddy Jojo at si Karen at ang BF din nya that time na si Jomar.. Oh diba??? PARTNER PARTNER!!! Si Anne at Gail, bukas na daw pupunta, kasi hindi sila pwede ng overnight eh, tsaka hindi sila nag-iinom. Hehehe.. Nga pala, that time, wala pang bf si Anne, (isip-isip-isip, wala nga ba syang BF that time??? Yung nagbabasa dyang nakakaalala, imik!!! May BF ba sya that time? Or kakabreak lang nila ni Alfy??? Hahahaha) okay okay!!! Si Gail, ayun, ung BF nya ngayon, ung parin ang BF Nya.. hehe..
Dahil maaga pa nung nagpunta kami samin, samin na sila maghahapunan. Si Bryan at sina Karen at Jomar, susunod nalang daw, kasi may pasok pa that day si Bryan. (kitams!!! nuon palang talga close na sila, magkakaberks kasi sila.. hahaha)
Dahil konti lang ang pang handa ko, hindi na nakapagluto si mama ng pang-ulan namin ngaung Sabado, bukas nalang daw sila bumawi ng kain... hahahahaha.. Nang dumating sina Bryan, nagkayayaan na magluto at kumain ng Pansit canton, so syempre, kami ni Bryan ang magluluto. Nang makaluto na kami at maihain na sa lahat, pabiro kong sinabi,
"Kuya, (I'm referring to Bryan, yun nga kasi endearment namin...) konti lang kainin mo ha! Kokonti naluto natin ih.. hihi.. " ^.^
nagtawanan yung mga kasama namin, dahil sa kaguluhan hindi ko na napansin yung pagtahimik ni Bryan..
aWWWW.. Naoffend ko ata... Natapos na kaming kumain, magligpit at magready ng session namin, pero napansin ko, wala si Karen at Bryan. Tinawagan ko, hindi sinasagot ni Bryan yung tawag ko., Si Karen ang tinawagan ko, yun sinagot naman nya, andun daw sila sa may Waiting Shed sa labas, uuwe na daw si Bryan.
BINABASA MO ANG
TO DO, OR NOT TO DO- What should I do?
Genç KurguMinsan, dumadating tayo sa punto ng pag-iibigan na lahat nalang ng taong nasa paligid natin ay against sa relasyon nyo ng mahal mo. Madaming dahilan kung bakit hindi pwedeng maging kayo in stable relationship, kahit pa gusto nyo na kayo na ang magta...