Nagising ako sa sinag ng araw kaya umupo na ako sa kinahihigaan ko at tinanggal ang mga muta sa mata ko.
Lumabas ako ng kwarto para tignan sina Yuric at ang anak ko
"Sweetie, toftof.. Yuhuuu" Tawag ko sakanila pero walang sumasagot kaya naisipan ko na tignan sila sa isang kwarto pero wala din sila
Kaya lumabas nako ng unit ko at nagulat ako ng makita sina Yuric at Janna na mag kahawak ng kamay
"Yuriiiic!" Sigaw ko at bigla silang napatingin sakin
"Sh*t!! Anong ginagawa niyong dalawa ha?! Bakit magkasama kayo" At tumakbo ako para puntahan sila at bigla kong sinabunutan si Janna at sinampal sa isang kamay
"Ew, don't touch my hair!" At tinulak niya ako
"Bat mo kasama si Janna, sweetie?" Tanong ko kay Yuric na nakangisi habang nakatingin sa'kin
"Hindi na ikaw ang mahal ni Yuric! Diba ako na, babe?" Sabat naman ni Janna na sasampalin na sana ako pero inunahan ko
"Don't you dare touch my face!" At bigla kaming inawat ni Yuric
"Stooooop! Tumigil kana Krizzia! Hindi na ikaw ang mahal ko kaya umalis kana kung pwede lang!" Sigaw niya sa harapan ko
"Mag usap tayo Yuric. Alam kong nagbibiro ka lang" Tapos hinawakan ko ang balikat niya pero, tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig
"Sweetie, bat kailangan mong gawin sakin to? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo lang para naman maitama ko, nagmama-kaawa ako" Humagulgol ako ng napakalakas at pinagpalo palo ang sahig.
"Wala kang nagawang mali! Hindi na ikaw ang gusto ko! Si Janna na!" Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari
Una, si nanay nasa hospital. Pangalawa, iiwanan na ako ni Yuric ngayon. Bakiiiit!?
"Ang galing mo namang mag biro, Yuric hahahaha" Tumawa pa ako ng napakalakas na parang walang nangyari ngayon
"Fuck you! Hindi na ikaw ang mahal ko naiintindihan mo ba! HINDI NA IKAW ANG MAHAL KO! SI JANNA NA!" Tinulak ko si Yuric
"Akala ko bang ako lang ha, Yuric!? Pinag usapan niyo ba 'to ha!? Kaya ba ayaw mong ipakita ang cellphone mo saakin!?" Pinag sampal sampal ko si Yuric habang inaawat kami ni Janna
BINABASA MO ANG
One night with Stranger (Completed)
RomanceSi Krizzia Hernandez ay panganay sa kanilang dalawa na magkapatid na si Kissa Hernandez. Isang araw, kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para sa pag opera ng kaniyang kapatid. Gagawa ba siya ng masama para matustusan ang pag opera sa kaniy...