"Zia, malaking halaga ang kailangan para maoperahan ang kapatid mo" Umiiyak na salubong ni nanay pagkarating ko sa hospital. Problemadong- problemado ito
"Magkano daw po nay?" Alalang tanong ko
"1.5 million.." Halos malaglag ang mga mata ko sa narinig. Bigong-bigo ako
May sakit sa puso ang kapatid kong si Kissa 8 years old pa lamang sya napakabata nya pa
Bakit sya pa ang may ganito?
1.5 million? jusko saan ako hahanap ng ganyan kalaking halaga mahirap lang kami labandera lang ang nanay ko.
Matagal ng wala ang ama ko nung 13 palang ako ngayon kasalukuyan akong 1st year college dahil sa pagpupursigi kong makapag aral
Nag working student ako nakakuha naman ako ng scholarship at sa gabi pumapasok ako sa isang food chain mula 6 pm to 10 pm.
17 palang ako at saan ako hahanap ng ganyang kalaking pera?
Tiningnan ko yong ipon ko, limang libong piso? Bigla akong nanlumo. Mabait ang kapatid ko at mahal na mahal ko
Handa akong gawin lahat para sa kanya, gagawa ako ng paraan
"Wag kang mag alala nay gagawa po ako ng paraan" Sigurado Kong sabiLutang ang isip ko habang naglalakad sa hallway iniisip ko kung saan nga ba ako hahanap nun?
Ang laki naman kahit ilang taon siguro ako mag tatrabaho nun sa food chain hindi ko pa mababayaran
Nagbuntong hininga ako "Oh ano yan?" Tanong ni Bec na hindi ko namalayang sumabay na pala sakin sa paglakad
Isa syang bakla na kaklase at kaibigan ko "Kailangan ko ng malaking halaga Bec para sa heart transplant ng kapatid ko." Huminto ako at lumingon sa kanya huminto din sya at nag aalalang tumingin sakin
"Kailangan na bang operahan si kissa?" Aniya. At tumango ako
Nagsimula akong umiyak "Diko alam kung saan ako hahanap ng pera"
"Magkano ba?" Tanong niya
"1.5 million. Wala pa yan sa ibang gastusin sa hospital. Saan ako hahanap ng ganyang halaga?"
Sumikip na yung dibdib ko inalo nya ako. Katulad ko mahirap lang din sya at isa sa mga pinalad na makakuha ng scholarship
Maya-maya may sinabi sya "May alam ako Krizzia pero, hindi ko alam kung magugustuhan mo to.." Bigla akong nabuhayan ng loob
"Ano yun?" Kahit ano pa yan basta para kay Kissa gagawin ko
"Yung pinsan ng kaibigan kong bakla din, kakauwi galing states at naghanap ng panandaliang aliw"
BINABASA MO ANG
One night with Stranger (Completed)
RomanceSi Krizzia Hernandez ay panganay sa kanilang dalawa na magkapatid na si Kissa Hernandez. Isang araw, kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para sa pag opera ng kaniyang kapatid. Gagawa ba siya ng masama para matustusan ang pag opera sa kaniy...