Chapter: 23

5.2K 91 13
                                    

"Walang hiya ka Janna!! Mamatay kana!" Sobrang galit ko habang kausap siya pero eto namang si Yuric inagawan ako ng cellphone

"Tumigil kana nga, Janna! Makukulong ka din!" Galit din na tugon ni Yuric at bigla ng napatayo

Hawak ko ang kamay ni nanay habang tinititigan si Yuric. Ramdam ko yung galit sa mukha niya

Maya maya pinatay na rin ni Yuric yung tawag at umiwas na ako ng tingin sakanya at yumuko habang hinahawakan ang kamay ni nanay

Ngayong oras na'to, hindi ko na inisip ang mga pinagsasabi ni Janna. Wala na akong ibang iniisip kundi si nanay... Sana gumaling siya...

"Uhhg Uhhg"

"Nay!! Nay!!! Nayy" Humagulgol ako habang si Yuric hinahagod yung likod ko

Hindi ko inaasahang mangyayari 'to kay nanay.... Hindi ko alam ang gagawin sa oras na to sadyang kamay ko lang ang nakahawak sakaniya habang umiiyak ng sobrang lakas

"Doc! Hit and run, 50/50"

"Monitor her heartbeat!"

"And you, take her blood pressure"

"Mom, please wake up. wake up please... I know you can"

"Doc unti-unting humihina ang heartbeat nya" The nurse said at yun ang nagpa hagulgol sakin ng sobra sobra

"Doc her blood pressure is 60/30." The other nurse said

"Time of death"

"4:17 P.M"

Bigla akong nanghina sa sunod sunod na narinig ko galing sa Doctor at galing din sa Nurse.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Andito lang ako ngayon sa labas habang nasa tabi si Yuric

Hindi padin tumitigil ang pag patak ng luha sa mata ko. Hindi ko kayang mawala si nanay..... HINDI KO KAYA

Bigla kong napansin si Yuric na kanina pa pala nakatingin sa akin kaya hinawakan ko yung kamay niya

"Mas mabuti na rin siguro yun, sweetie kesa nakikita natin siyang nahihirapan.. Mabuti na siguro yun nang magpahinga na siya" Tugon ni Yuric

Andito pa din kami sa Hospital, nakaupo at inaantay nalang si Doc para kausapin at maasikaso na namin ang pagkawala ni nanay... Kahit na hindi ko kakayanin

Napalingon ako ng makitang may tumatakbo at sumasalubong saakin, si Toftof...

"Hi mimi!" Masaya pang bati sakin ng anak ko.. Hindi pa kasi nila alam ang nangyari dahil hindi ko muna sinabi sakanila

"Are you crying? Why?" And then toftof hug me tight... Hmmm so sweet

"Lola is go--" Naputol yung sasabihin ko ng lumabas ang doctor

"What!?" Tanong ng anak ko habang nakatingin saakin

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon... Napakasakit lang talaga.... Andaming nangyari na hindi maganda ngayong taon.... Malapit na magpasko bakit ngayon pa nangyari to!

Pauwi na kami nila Toftof habang si Yuric ay nasa hospital pa dahil may aasikasuhin siya.

Nang makarating kami sa bahay agad na kaming kumain sobrang tahimik ng gabing ito halos iyakan na lamang.... Pagkatapos naming kumain sunod sunod ng umakyat sina Tiffany habang ako nakaupo sa sofa ngayon at nakatunganga.

Hindi nila niligpit yung pinagkainan dahil sinabi ko na ako nalang. Maya maya din tumayo nako sa kinauupuan ko para iligpit yung pinagkainan naming lahat

"Ang sakit sakit" Bulong ko sa sarili

Nang matapos ako maghugas ng plato umakyat agad ako at dumaretso sa kwarto ko.... Ganun pala talaga pag nawalan ka ng pinaka mamahal mo sa buhay, sobrang sakit lalo na pag matutulog kana dahil maiisip mo siya

***** ***** *****

Dear Nanay,

                   Alam kong masaya kana ngayon. Alam kong kapiling mona ang Diyos. Sobrang sakit na mawala ka sa piling namin... Mamimiss ka namin nay!! Lalo na ako, nay! Mahal na mahal ka namin nanay!!!

One night with Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon