Gumising agad kami ng maaga para pumunta sa police station at makausap ang mga pulis para magsampa ng kaso sa nag iisang Janna!
Naghanda ako ng makakain ni toftof at nila Tiffany. Aalis na kasi kami at natutulog pa sila dahil maaga palang. Maga maya umalis na din kami ng bahay
Nang matapos naming mag sampa ng kaso kay Janna agad na kaming umuwi ng bahay.. Sana maikulong talaga yang Janna na yan! Napaka impakta niya
Napagusapan na rin namin ni Yuric kung saan namin gustong mag honey moon at kung kailan namin pupuntahan ang mga lugar na iyon. Ngayong iniisip ko pa lamang kung anong mangyayari at gagawin namin sa honey moon ay lalo na akong na eexcite hindi ko alam kung bakit pero feel ko may ibang masayang mangyayari saamin eh
Umalis si Yuric at kumuha ulit ng passport dahil expired na ang aming passport matagal na kasi ng kumuha siya nun kaya ayun na expired atsaka dahil sa mga nangyari kaya hindi namin nagamit ang passport na iyon
Bigla akong napahawak sa tiyan ko at bigla kong naisip na anlaki na pala talaga ng tiyan ko
"Ano kayang ipapa ngalan ko dito sa anak ko?" Tanong ko sa sarili ko
Gusto ko sana na babae naman ang maging anak ko. Para may boy na ako may girl pa ako. Ang sarap siguro sa feeling na magka anak ng babae...
Lalo na kung may anak kana na lalaki tapos maglalaro silang dalawa
Napaka sarap siguro sa feeling.
"Sweetie, nakakuha na ako ng passport nating dalawa" Nagulat ako ng dumating na ang asawa ko
"Mabuti naman sweetie" Nakangiti kong sagot sakaniya. Mabuti naman at nakakuha na siya ng passport
Natigil ako ng biglang may tumawag saakin
Janna is calling....
Ano nanamang gusto ng impaktang to bakit tumatawag nanaman saakin!?
"Hello?"
"Anong kailangan mo ha? Pagkatapos mong lasunin ang nanay ko nakuha mo pang tumawag?!"
"Masaya kana ba dahil kinasuhan mo ako? Akala mo ba mananalo ka? Sinasabi ko sayo iurong mo na yung kaso dahil sayang lang yang pagod mo dahil ako padin ang mananalo" Biglang tumaas ang kilay ko ng marinig ang mga pinagsasabi ni Janna
Akala ba niya natatakot ako sakaniya? Pwes akala niya lang yun! Hindi naman ako tanga para iurong ang kaso sakaniya! Kailangan niyang pag bayaran yung pagkamatay ni nanay!
"Ano ako tanga para iurong yung kaso? Siguro magagawa ko yun kung siraulo at tanga ako, pero hindi eh. I'm sorry Janna kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo sa nanay ko! Magkita na lang tayo sa Korte hmmm see you, goodluck" Mahinhin na pagsasalita ko sakaniya na parang wala man lang siyang ginawa na masama.
"Sandal-" Hindi kona hinintay yung sasabihin niya at agad ko nang binaba ang kaniyang tawag. Ngayon magdusa siya sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
One night with Stranger (Completed)
RomanceSi Krizzia Hernandez ay panganay sa kanilang dalawa na magkapatid na si Kissa Hernandez. Isang araw, kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para sa pag opera ng kaniyang kapatid. Gagawa ba siya ng masama para matustusan ang pag opera sa kaniy...