Yuric's POV
Masaya kami dahil nakauwi na si nanay galing hospital medyo nawala na yung pagaalala namin sakanya pero isang linggo na yung nakalipas hindi parin umaapekto yung treatment na pinapa inom sakanya
"Sweetie, napainom muna ba kay nanay yung treatment niya?" Tanong ko sakanya habang papalapit
"Oo naman, sweetie" Tapos tinapik niya yung balikat ko
"Ahhhh!!! Anaaaak!" Nagmadali kaming tumakbo sa kwarto ni nanay ng narinig namin siyang sumisigaw
"Bakit kayo nagsuka jan, nay! Nakakalakad naman kayo diba? Sana tinawag mo ako kanina pa" Sigaw ni Krizzia tapos tumakbo ako palabas para kunin yung basahan at palanggana
"S-sweetie, eto n-na" Nauutal kong sabi kay Krizzia
Tinayo ko na si nanay para pumunta sa sala at para malinis na din muna ni Krizzia yung kwarto ni nanay
"Kapag nawala ako, alagaan mo ang anak ko ha? Wag mo siyang sasaktan" Sabi ni nanay na naka hawak sa kamay ko
"Wag kang magsalita ng ganiyan, nay gagaling ka" Tapos biglang yumuko si nanay
"Matanda na ako at naghihina na" Tapos lumuha siya
"Nay naman, kaya mo yan laban lang, wag kang susuko" Tapos niyakap ko siya
"Nanay naman, oh" Sabi ni Krizzia na hindi namin namalayang nasa likod na namin nakikinig
"Halika nga dito anak" Tapos niyakap ni Krizzia si nanay
"Wag kang ganiyan, nay" Ana ni Krizzia na nangingiyak na
"Magpahinga muna kayo, nay" Sabi ko tapos pumunta na siya sa kwarto niya kasama si Krizzia
Ilang araw na umiinom ng treatment si nanay pero bakit ganun, bakit parang hindi naman tumatalab sakanya? Bakit parang wala namang nagbabago at parang lalong lumalala lang ang sakit ni nanay
Habang si sweetie kasama si nanay, ako naman naghahanda na ng pagkain. Pinabantay ko muna si toftof para magpunta sa mall wala naring damit si toftof kaya pinabili ko muna sila
"Crazy cause Im falling inlove" Kanta ko habang nagluluto
"Sweetie!" Gulat sakin ni Krizzia na hindi ko alam nasa tabi kona
"Ginugulat mo naman ako, sweetie"
"Gulat ba yun?" Tanong niya tapos napatawa bigla
"Masarap ba yang luto mo ha?" Tanong niya tapos bigla niyang tinikman yung niluluto kong adobo
"Taste what?" Tapos pumikit pikit pa siya na parang ngayon lang nakakain ng adobo
"Hmmm, Saraaap!!" Tapos pinagpalo niya ako habang tumatawa
BINABASA MO ANG
One night with Stranger (Completed)
RomanceSi Krizzia Hernandez ay panganay sa kanilang dalawa na magkapatid na si Kissa Hernandez. Isang araw, kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para sa pag opera ng kaniyang kapatid. Gagawa ba siya ng masama para matustusan ang pag opera sa kaniy...