Epilogue

6.5K 80 6
                                    

Pag uwi namin agad kong tinatanong si Tiffany about dun sa sinasabi niya kanina sa resto, hindi nga kasi natuloy dahil dun sa isang lalaki. Tinawag ko si Tiffany upang maikwento niya saakin ito at para matanong ko na rin kung totoo bang wala na si Janna o gawa gawa lang nilang mag nanay yun.

"Tiffanyyyyyy" Tawag ko sakanya at agad naman itong lumapit saakin

"Ano yung sinasabi mo kanina nung nasa resto tayo?" Tanong ko sakanya, hindi ko maintindihan yung mukha ni Tiffany para kasing kinakabahan at natatakot.

"Sabihin mo na tiff" Dagdag ko naman

"Eh kasi ate, hindi mo ba nabalitaan na wala na si Janna?" Bigla akong napatayo sa ikinauupuan ko. Hindi pwede yung narinig ko! Maghihiganti pa kami!

"Ano?! Hindi pwedeng mangyari yun!! impossible!" Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko pero wala akong magagawa, talagang wala na pala talaga siya ohhh, janna rest in peace.

Tinanong ko na rin yung mommy ni Janna kung saan ito nakaburol para mapuntahan na rin namin. Hindi naman ako ganun kasamang tao para hindi pumunta sa lamay ni Janna. Kahit naman siniraan niya ang pamilya ko at pinaghihiwalay niya kaming dalawa ni Yuric noon pupunta pa rin ako sa lamay nya.

Maya maya rin ay nakapunta na kami dito sa burol ni Janna, kasama ko ang buong pamilya ko. Pagdating namin doon ay agad kaming sinalubong ng mommy ni Janna at nung kapatid niya na si Jennel.

"Aba, bumait ka ata tita?" Banggit ko at bigla naman akong hinatak ni Yuric papalayo dahil susugurin ko na sana yung mommy ni Janna. Sinilip namin si Janna sa kabaong, nababagay talaga siya dun dahil sa mga kagagawan niya saamin ni Yuric, at hindi lang saakin! Pati na rin sa buong pamilya ko

Bigla akong natigilan nang biglang lumapit yung mommy ni Janna saaming dalawa ni Yuric. "Pwede ko ba kayong makausap?" Tanong niya saamin na bigla kong ipinagtaka. Hindi naman kasi ganyan yung mommy ni Janna, parang siya lang din yung mommy nya parehas silang demonyo.

"Tungkol saan po ba?" Tanong ko sakanya na may halong respeto ngayon lang to.

Pinag usapan namin yung mga ginawa ni Janna sa aming dalawa ni Yuric at sa pamilya ko na rin. Nanghingi ng tawad yung mommy niya sa mga ginawa ni Janna. Pinatawad naman namin sila dahil wala na rin naman si Janna, wala nang gugulo saaming mag papamilya! Sabi ko nga sainyo hindi naman ako ganun kasamang tao

Ngayon ang araw na pag gising ko sobrang saya ko, kasi alam kong wala nang gugulo saaming pamilya.

"Hello, honey good morning" Ano ba 'tong asawa ko minsan hindi mo maintindihan. Minsan ang tawag saakin ay asawa, minsan love, minsan yung pangalan ko lang. Tapos ngayon honey, ano ba naman to pero syempre kinikilig pa rin ako.

"Good morning din, hon" Bati ko sakanya. Sabay halik niya sa noo ko. Hayy, napaka swerte ko talaga sa asawa kong ito.

Nakaramdam ako ng konting sakit dahil siguro manganganak na ako... Sana girl na maging baby ko ngayon

"Are you okay hon?" Tanong sakin ng asawa ko na may halong pag aalala. Tapos biglang lumala yung sakin, manganganak na nga ata ako.

"Manganganak na ata ako hon!!!" Sigaw ko dahil sobrang sakit na talaga, lalabas na yung baby!!! Hindi mapakali si Yuric, hindi niya alam kung anong gagawin niya, tinawag niya sina Tiffany, para samahan ako sa hospital, dahil lalabas na si baby.

Habang nasa kotse kami hawak ni Yuric yung tummy ko, and yung kamay ko. Nagpa drive nalang kami dahil sa pag mamadali.

FAST FORWARD

Nang makarating kami sa hospital ayun nga isinagawa na yung pag papanganak saakin.

Nahirapan ako sa pagpapalabas sa baby ko, ilang oras din yun 4 na oras mahigit.

Sobrang saya ko dahil girl ang baby ko! Natupad na ang pangarap ko!!! Ang ipinangalan ko nga pala sakanya ay Christina, oh diba!

Makalaan ang ilang araw ay nakalabas na rin ako ng hospital, sobrang saya namin. Lalo na tong si Yuric.

At ngayon mag cecelebrate kami dahil sa pagpanganak ko, at wala nang gugulo saamin ngayon. Tinawagan ko rin ang mommy ni Janna, para sumama saamin tutal nagka ayos naman na kami.

Simula ngayon ang araw na mas sasaya pa ako. Dahil wala nang gumugulo sa aking isipan. At nagka ayos pa kami ng mommy ni Janna, so wala nang ibang pag aabalahan pa. Okay na lahat. Masaya na kaming lahat. Tapos na ang gulo, wala ng maninira.

Nag impake na kami agad agad nila Yuric upang maka alis na kami agad, nag rent nalang din kami ng kotse, at naghanap na rin ng mag drive, ayaw kasi ni Yuric na mag drive.

"Oh, ano ready na ba?" Tanong saamin ni tita. Excited na talaga kaming lahat, sobrang saya talaga.

"Oh ano, tara na ba?" Tanong ko rin sakanila. At sabay sabay naman silang sumigaw, lalo na si toftof, sobrang saya lalo na meron na siyang baby Christina.

"Yesss!! We're so excited!!!" Sagot nila saakin. Nakakatuwa talagang makita ang pamilya ko na ganito kasaya. Buti nalang talaga wala nang mangugulo saamin ngayon. Pero nakakalungkot pa rin dahil nawala na si Janna, nalulungkot ako para sa pamilya nya.

Ngayon papunta na kami sa Cebu, tumingin ako sakanila, tulog na silang lahat, ako lang ang tanging gising, ang sasarap nilang titigan. Mag babakasyon na rin siguro kami sa Cebu, at icecelebrate ang panganganak ko. Sabi ko kay Yuric kanina 1 week kami sa Cebu tapos diretso kami sa Coron, para lalong ma sulit ang bakasyon. Napakasaya, wala nang gugulo saamin, sa wakas!

Maraming salamat sa pagbabasa!

One night with Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon