"Bakit kailangan mong gawin samin to!?" Tapos sinampal ko siya ng napaka lakas tapos agad kaming inawat ni Yuric
"Nagtagumpay ako! Whahaha" Humalakhak nanaman siya ng napakalakas
"Ano magaling naba ang nanay mo? Whahaha" Habang pinaglalaruan niya ang buhok ko
"Makakarma ka din Janna!" Sigaw ni Yuric na ikina urong niya sa pagkaka pwesto
"Ano ha?! Sumagot ka! Lahat nakuha mo na! Ano pang gusto mo! Walang hiya ka!" Tapos nagsimula na akong umiyak
"Magaling naba yung nanay mo ha?" Tanong ng impakta habang tawa ng tawa
"Hindi kita mapapatawad! Tandaan mo yan, Janna!!" Tapos sinampal ko ulit siya
"Ang tanga niyo namang dalawa! Bakit, hindi nyo ba alam na ako to?! Tapos hindi nyo ba alam na ako yung kausap nyo noong bibili kayo ng treatment! At ang treatment na yun ay lason! 1-5 weeks, makikita nyo nalang na bumubula na yung bibig ng nanay nyo whahaha" Hindi ko na napigilan yung mga sinasabi niya laya sinabunutan ko siya
"What the f*ck! Anong ginagawa mo Janna! Hindi moba alam ang ginagawa mo ha?!" Sabi ni Yuric habang ako humahagulgol na
Umalis na kami sa Hospital at nagmadali kaming pumunta sa bahay. Halos mahimatay ako sa ginawa ni Janna!! Hindi ko siya mapapatawad!
"Sweetie! Wag mong sabihing pati si nanay mawawala! Diba malakas pa siya, diba!!" Tapos hinaplos haplos niya yung likod ko
Hindi ko alam yung gagawin ko ngayong oras... Ang bagal pa ng manong mag drive, traffic din kasi.. Bat ngayon pa, Lord!!
"Manong! Bilisan nyo naman po!!" Hindi mapakaling sabi ko sa driver tapos agad naman siyang sumagot ng 'Yes mam"
Nang nasa labas na kami ng bahay agad na akong pumasok sa loob habang si Yuric nagbabayad dun sa tricycle driver
"Nay!!! Nay!!! Buksan nyo yung pintuan!!" Habang pinapalo palo ko yung pintuan tapos biglang bumaba sina Hunter, Tiffany at yung anak ko
"Nay!!" Mabilis na takbo ni Yuric papasok at kinatok na din ng kinatok yung kwarto ni nanay
Nang gulong gulo na kami at kabang kaba, nagmadaling kunin ni Hunter ang susi ng kwarto para mabuksan na namin ito
"Wag nay!!! Please, wag!" Hagulgol ko habang nakayakap si Toftof sakin
"Ayoko na!! Bakit kailangang mangyari to!?" Paulit ulit na sabi ko habang sinasapak sapak ang sarili tapos yung anak ko naman pilit inaalis yung kamay ko
"Lord, please wag ngayon" Bulong ni Yuric habang nagmamadaling buksan yung pintuan
"Sweetie, dalian mo!!!" I said habang umiiyak.
Nabuksan nya na ang pintuan... Nagulat kami ng makita si nanay na nanginginig habang nasa sahig!
Hindi ko kayang makita na ganito si nanay! Hindi ko kakayanin!
"Sh*t!!!" Sigaw ko habang tinapik tapik yung mukha ni nanay
"Tumawag ka ng ambulansya!! Tumawag ka!!!" Sigaw ko kay Yuric na gulong gulo at alalang alala
"Dalian nyo yung nanay ko!!! Iligtas nyo siya nagmama kaawa ako!" Sigaw ko habang patuloy si Yuric na hinahagod yung likod ko
"Hindi po kami yung doctor, mam" Sagot naman nung isang lalaki habang patuloy ako na umiiyak
Maya maya dumating na yung doctor tapos lalo akong naiyak ng sabihin niyang malala na yung sakit ni nanay
"Tama na, sweetie" Panay hagod padin niya sa likod ko simula nung nasa bahay pa lamang kami
Kanina pa ako nandito aa tabi ni nanay hawak yung kamay niya.. Hindi pa kami kumakain ni Yuric dahil sa nangyari, dahil kay Janna!
"Makakalaban si nanay, alam naman natin yan!" Sabi ni Yuric na hindi ko namalayang tumutulo na din yung luha habang ako hawak ang kamay ni nanay kanina pa
09250790025 is calling....
Nabigla ako ng may tumawag sakin. Hindi ko alam kung sino dahil hindi naman naka save sa contacts ko
"Hello, who's this?" Tanong ko
"Whahaha" Humalakhak siya ng napakalakas
"Sino kaba ha?! Sino kaba! Wag ngayon, please wag ngayon!"
"Hi, Krizzia balita ko nasa hospital kayo ngayon?"
BINABASA MO ANG
One night with Stranger (Completed)
RomansaSi Krizzia Hernandez ay panganay sa kanilang dalawa na magkapatid na si Kissa Hernandez. Isang araw, kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para sa pag opera ng kaniyang kapatid. Gagawa ba siya ng masama para matustusan ang pag opera sa kaniy...