Chapter: 24

4.5K 74 7
                                    

After 5 days...

"Kasalanan ko 'to sweetie!" Tugon ng asawa ko habang naka yuko

Andito kami ngayon sa lugar kung saan ililibing na si nanay. Halos lahat nag iiyakan dahil sa mabilis na pangyayari

"Hindi. Hindi mo kasalanan. Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo!" Hagulgol ko

Hindi naman ang asawa ko ang may kasalanan kung bakit nangyari to... Si Janna. Yung impaktang yun. Yun ang may kasalanan kung ba't nangyari to!

Kung hindi siya nagpanggap na siya si Doktora Jessica, eh di sana hindi mangyayari ito kay nanay kaso siyempre impakta yung Janna nayun eh!

Lalasunin pa si nanay!!! Wala hiya siya! Wala siyang karapatang lasunin ang nanay ko! Tapos ngayong nawala na si nanay, she doesn't care about it!

"Kung hindi ko kayo niyaya umalis dito sa Pilipinas hindi siguro ito mangyayari!" Nakayuko pa din siya

"Sabi nang wag mong sisihin ang sarili mo!" Pasigaw kong tugon habang siya nakahawak na sa kamay ko

••• ••• •••

Pagkatapos mailibing ni nanay, agad kaming umuwi sa bahay at pinakain ang mga tao. Napakasakit dahil hindi na makikita ni nanay ang apo niya. Hindi ko lang talaga matanggap bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito.

"Mom stop crying" Diko namalayang naluluha na pala ako. Agad kong pinunasan ang luha na tumutulo sa aking mata

Nandito ako ngayon sa sala nakatayo at nakatunganga habang inaasikaso ni Yuric ang mga tao sa labas.

Makalipas ng mga ilang oras nagsi uwi na din yung mga kamag anak namin at mga kaibigan ni Yuric

"Are you okay?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Yuric na nasa tabi kona pala

"I dont know, sweetie... I dont know" Sagot ko sakaniya

"Masaya na si nanay sa langit sweetie... Mas maganda na rin yun kesa makita natin siyang nahihirapan" Wala na akong na isagot tanging tango nalang ang naisagot ko sakaniya

••• ••• •••

Umalis muna saglit si Yuric para samahan si Toftof sa isang park dahil niyaya siya ni toftof. Ako nalang mag isa ang natira sa bahay kaya naisip kong umakyat muna sa kwarto ko. Pa akyat na ako ng kwarto ng biglang may humawak saakin at ito'y ikinagulat ko

"Nay?"

"Anak, mahal na mahal kita tatandaan mo yan ha? Mahal na mahal ko kayo... Kayo ng mga apo ko. Wag mo na akong alalahanin masaya na ako rito.. Ituloy nyo na ang balak niyong mag honey moon ha? Mas masaya ako kapag nakikita ko kayong masaya kaya sana wag na kayong malungkot na nawala ako sa piling ninyo kasi hindi ko naman talaga kayo iniwan andito parin ako naka alalay para gabayan kayo" Bigla akong naluha hindi ko namalayan na nahihilo na pala ako kaya bigla akong bumaba at uminom agad ng gamot

Nabigla ako ng makausap ko si nanay.. Sabi nila ganiyan daw talaga kapag unang araw ng pagkamatay ng isang tao.. Sadyang magpapakita at makakausap mo raw ito.

Sinundan ko nalang yung sinabi ni nanay na ayaw niyang nakikita kaming nalulungkot kaya kahit na masakit na nawala siya pinipigilan ko nalang na maging malungkot

Ilang oras na din ang nakalipas at dumating na sila Yuric. Ikwenento ko lahat ng nangyari kanina at ikwenento ko lahat ng sinabi ni nanay saakin. Habang ikwine- kwento ko sakaniya ito pigil na pigil yung luha ko. Ayokong nalulungkot si nanay kaya nagpatuloy nalang akong magkwento sakaniya at iniwasang maiyak.

"Honey moon?" Tanong ng sweetie ko

"Yes sweetie. Sabi ni nanay ituloy na raw natin ang honey moon natin... Kaso wag muna ngayon dahil kakamatay palang ni nanay" Tugon ko sakaniya

"Next next week" Tapos nginitian ako ni Yuric. Gusto ko rin naman na mag honey moon na kami dahil matagal na nung araw na ikinasal kami at hindi pa kami nakakapag honey moon

Umakyat na kaming dalawa ni Yuric at napag usapan namin na si Janna ay dapat makulong parang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni nanay

Napag usapan din namin na pupunta na kami bukas sa kulungan para maisampa na namin ng kaso si Janna.

One night with Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon