Chapter 6

139 7 0
                                    

A/N: SINADYA KO PONG I-CUT YUNG SCENE KINA ROBERT AT NATALIE ^__^.

WELL, I HOPE YOU ENJOY READING THIS STORY..

(STEVEN'S POV )

Nung humiwalay na ako kay Drei, una kong hinanap yung coach ng soccer. Madali ko siyang nahanap kasi nasa field lang sila at nagtatry-out na yung iba. Wow! Madami ding nagsign-up sa soccer. Mukhang mahirap makapasok dito.

Nakausap ko na yung coach at sabi bukas na daw ako magta-try out kasi sobrang dami na nagyong araw na ito. Pagkagaling ko dun sa soccer dumiretso na ako sa Track and field.Agad naman akong nakuha at bukas na rin daw ang try out or kung kelan ako available kasi medyo marami ring sumali dito.

Papaalis na ako dun sa may room (wala kasi sila sa field,walang try-outs ngayong araw) naramdaman kong nagva-vibrate ang phone ko..

Calling...

Drei 

Huh? Ano kaya kailangan nito? Masagot nga.

"Bakit Drei?" sabi ko sa kanya

"Kuya asan ka?"

"Kalalabas ko lang ng room ng Track Aand Field, bakit??"

"Punta ka na nang canteen"

"Sige, papunta na ko"

"Ok. Bilisan mo ha..Bye"

*toot toot toot*

Bakit ba nagmamadali yun na pumunta ako ng canteen Makapunta na nga lang.

Dumiretso ako sa canteen at nakita ko na nakaupo si Drei sa isang table kasama sila Robert, Natalie at si CHLOE?? Hahahaha, natatawa ako sa itsura ni miss sungit, nakabusangot eh. Halatang badtrip. Hahaha. Makalapit na nga lang...

(CHLOE'S POV)

Pagkatapos kong magpasign sa mga sasalihan kong clubs, naglakad-lakad muna ako sa campus. Nang mapagod ako kakalakad, dumiretso ako sa canteen para makapagpahinga. Nakita ko sila Natalie at Robert sa isang table kasama si STEPHEN?!? WHATAWHAT?? AM I MISSING SOMETHING HERE??

Nakita ako ni Natalie at tinawag ako na pumunta doon...

“Chloe!! Dito!! ” sigaw niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.. Oo Natalie nakikita ko.

Habang naglalakad ako papunta dun sa table nila, nakikita ko na ang lawak ng ngiti ni ungas (Stephen).. Arggghh! Aasarin na naman ako niyan. Bwisit!

Nang makarating ako sa table nila, umupo ako sa tabi ni Natalie, but unfortunately, kaharap ko si ungas. Arrrrrgggg!

“Hi Chloe ^____^” sabi ni Stephen sa akin pagkaupong pagkaupo ko.

“Hello” sabay ngiti ko rin, pero sana hindi halata na peke yun.

“Oh Chloe, natapos ka na sa paghahanap ng mga clubs mo??” tanong ni Natalie sa akin

“Oo, kanina pa natapos.. buti na lang sinamahan ako ni pinsan.” Sabi ko naman sa kanya

“Aaahh. Alam mo sana sumama nalang ako sa iyo, kasi magkatabi lang pala yung Music Club at Dance Club.”

“Talaga?? Di ko ata napansin kanina..Hahaha”

“Ahm Stephen, kung tama pagkaka-alala ko, Music Club din pinasukan mo, right??” tanong ni Natalie kay ungas

“Yes. Paano mo nalaman?” tanong niya kay Natalie. Wait, wait, wait.... MUSIC CLUB?!?! DID I HEAR IT RIGHT?? O_O

“Hehe, nalaman ko lang kay Robert” sabay turo niya kay pinsan. Tapos tumingin sa akin si Natalie "Wow Best, swerte mo, may kasama ka na sa Music Club na kilala mo..^_____^" sabi niya sa akin. Anong swerte sinasabi ni Natalie, baka MALAS! Arggghhh! 

“Guys wait lang ha. May tatawagan lang ako” sabi ni Stephen na nakangiti

“Sure. Take your time” sabi naman ni Robert. Heh! Kahit huwag ka na bumalik.sabi ko sa isip-isip ko

Naglakad na si Stephen palayo sa amin. Tapos saka naman nila ako kinausap.

"Oh bakit parang badtrip itsura mo dyan?" sabi ni pinsan na natatawa-tawa

"Eh kasi... Teka, bakit di mo sinabi sa akin na Music Club ang papasukan niya??" sabi ko sabay turo kay Stephen na nakatalikod sa amin

"Kanina ko lang din nalaman eh. Sorry" pagpapaliwanag niya

"Tss" ang tanging nasagot ko

Hindi rin nagtagal bumalik na si Stephen.

"Sorry medyo natagalan ako" sabi niya pagkaupo niya

"No, its okay" sabi naman ni Natalie

"Sino nga pala ang tinawagan mo??" tanong sa aknya ni Robert

"Aahh, si kuya. Pinapapunta ko siya dito. Tapos narin kasi siya magpasign sa mga sports niya eh"

"Aah,ok"sabi ni pinsan 

Nagkwentuhan lang silang tatlo doon. Mukha na nga akong invisible dito eh, di nila pinapansin. Pero si ungas, time to time, napapalingon sa akin. Argh, asar na sar na talaga ako. Alam ko na hitsura ko ngayon.. NAKABUSANGOT! Tss..

"Hi kuya." sabi ni Stephen habang nakatingin sa likod ko.

Lumingon ako sa likod ko. Hayy, dumating pa ang isa pang ungas "Hi Drei" sabi nag tapos naglakad na papunta sa tabi ng kapatid niya

"Buti naman at natapos ka na sa mga clubs mo." sabi ni Robert

"Natagalan kasi ako dun sa soccer club eh. Madami masyado yung mga sumali dun" pag-eexplain niya sa amin or should i say sa kanila

"Eh yung sa Track and Field mo kuya, ok na??" tanong naman nung kambal niya

"Oo, ok na. Bukas daw try-outs ko dun sa dalawa."

WAIT, WAIT, WAIT... TRACK AND FIELD SIYA?? Kung siya pumasok ng Track and Field tapos yung si Stephen eh sa Music Club, isa lang ibig sabihin nun. Makakasama ko sila sa mga CLUB ACTIVITIES. Waaaaaahhhh! Ayoko na! 

"Track and Field ka rin? Si Chloe din eh" sabi ni Natalie

"Talaga? Eh di may kasama na ako sa TaF(track and field)"

"Oo kuya. Kasama ko rin kaya siya sa Music Club."

"Wow! Astig! Coincidence. Hahahaha"

Coincidence! Tss! Coincidence your face..

The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon