Chapter 12

89 5 2
                                    

STEVEN's POV

"Natalie san tayo ngayon?" rinig kong tinanong ni Chloe kay Natalie. Huwaw! Bilis mag-ayos ng gamit tong si Chloe ah...

"Mall na lang tayo ah? Matagal na akong hindi nakakapagmall." sagot naman ni Natalie. 

Mukhang ok naman kay Chloe yung sinabi ni Natalie ah.. 

"Kuya, uwi na ba tayo agad?" tanong ni Drei sa akin pagkalapit niya sa akin

 

"Ewan ko. Ikaw? Gusto mo na umuwi?" 

"Ah kuya. Gala na lang tayo nila Robert, ok lang ba?"

"Ok."

Papalabas na sana si Robert ng sinigaw ni Drei yung pangalan niya.

"ROBERT!" lumingon naman siya agad sa amin

"Bakit?" tanong niya ng makalapit na siya sa amin

"Gala tayo. Gusto mo?" Drei

"Sige, tutal wala naman akong gagawin eh... Tsaka balak ko rin sanang sundan si pinsan ngayon eh."

"Aahh.." kami ni Drei. Bakit naman kaya niya gustong sundan sila Natalie at Chloe??

[mall]

Pagkababa pa lang naming tatlo, hindi na magkandaugaga si Robert sa paghahanap dun sa dalawa. Ano bang meron?

"Oy bakit mo ba sila hinahanap? Alam naman nila kung pano umuwi eh." tanong ko

"Ah wala naman. Gusto ko lang na bantayan yung dalawa, lalo na si Natalie." ano daw? hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi. Binulong niya eh...

"Huh? Ano yun?" at talagang sabay na naman kami ni Drei. 

"Ah wala. ^_^. Saan niyo gusto unang pumunta?"

The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon